QOL 13: ZAJ

48 2 0
                                    

CHAPTER 13: ZAJ

--

(Belle's POV)

It's Thursday! At alam niyo yung maganda sa araw na 'to? Magka-cutting daw kami ni Buenaventura latuuur! Sakto dahil bored na bored nako! Ang galing diba? Wala namang klase ngayon. Kase end of September na. Next month na yung mga program. Kaya naghahanda na.

Andito ako ngayon sa labas nang room. Nakaupo. Hinihintay ko si kumag. Ang tagal. Nabuburyo nako.

"Let's go?"

Nag angat ako nang tingin at nakita ko ang cool na cool na nakatayong si Zaj.

Nakakainis! Bakit ba ang gwapo nang isang ito? Tss. Nagtaka pa ako eno? Eh model ang kumag na ito. Tsk.

I stood up. "Tagal mo." I said and pouted.

He shrugged and held me by my waist. Medyo naiilang ako. Pero ayos na. Dahil nakita kong madaming naiinggit sakin. BWAHAHAHAHA!

"I just have something to deal with my cousin" he said.

Napatango nalang ako. Naiintindihan ko naman. Yung Frias Twins yung sinasabi niya. Pumasok na kasi ang mga ito. Pero sa SR lang sila ngayon. I think?

"Pumasok na ba sila?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakahawak padin siya sa beywang ko.

Oo na. Tanggap ko na ang kapalaran kong ganto! Na gamitin nang kumag na to. Oo. Ginagamit niya lang ako para pagselosin ang isang tao. Galing no? Pero benefits na rin sa pagiging pretend girlfriend niya. LAGI AKONG BUSOG! HAHAHAHA!

"Only Zee went to her class" he coldly said.

Di nako nagtataka kay Axe. His cousin-Zee's twin brother. Matigas ang bungo non at scary.

Tumango nalang ako. Sumakay kami sa kotse niya.

"Where do you want to go?" he asked.

Tinignan ko siya nang nakakunot ang noo.

"What?" parang naiirita niyang tanong.

Siya pa ganang mairita? Jusko! Naiirita ako sa pag e-english niya! Nasa Pilipinas kami!

"Can you stop speaking in English?"

Kumunot ang noo niya. Takte. Ang gwapo padin! Kainis!

"Why? You're also speaking that language."

"You're the first one! Nahawa lang ako!"

"So what's the big deal? It's just a language. Don't make a deal about it."

Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Kalma lang Belle. Pigilan mo ang sarili mong sapakin ang lalaking iyan..

"Nasa Pilipinas tayo Buenaventura. Kaya kung pwede? Magtagalog ka! Nakakaboset!" I shrieked.

He look at me intently na para bang minememorize niya ang pagmumuka ko. Tapos bigla siyang ngumisi. Nairita naman ako lalo.

"Anong nginingisi-ngisi mo jan?!" sigaw ko.

He shrugged and started the engine.

"You look cute when you're pissed"

Di makapaniwala ko siyang tinignan. Did I heard him right?! Did he said I'm cute?!

"Joke lang yon. Nakakatakot ka pala." then he chuckled.

Napanganga ako dahil sa pagtawa niya at pagtatagalog niya.. Ang sarap pakinggan! Nawala na yung inis ko dahil sa pagtawa niya. Hahaha!

The Queen of LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant