QOL 03

45 0 0
                                    

CHAPTER 03

PLAN

Andito kaming lahat sa bahay ni Ren. Napagpasyahan naming mag movie marathon tutal Saturday ngayon. Walang gawain. Kumpleto ang gang. As in complete!

Maingay ang lahat dahil sa tawanan at asaran nang mga ugok. Pero may isang hindi maitago ang lungkot.

"Hoy! Ang panget mo! Di bagay sayo ang emo. Ew!"

Natawa ako kay Belle nang sabihin niya iyon kay Mary. Magkatabi kasi sila. Ako sa single sofa malapit sakanila ako naupo. Pinagmasdan ko lang sila.

"G*go! Anong emo ka jan!" binatukan ni Mary si Belle.

Tinignan naman siya ni Belle nang masama at bigla silang nagtawanan. Ewan ko. Pero halos lahat napatigil nang marinig at makita namin na tumawa si Belle. It's been a while since we heard her genuine laughter.

Napatigil siya sa pagtawa nang mapansin niyang nasakanya yung atensyon namin. She raised her brow.

"What?" mataray na tanong nito.

Hindi pa rin nakarecover sa pagka-shock ang gang, kaya ako na ang sumagot.

"Wala." I said and smiled at her.

She roll her eyes. "Oh, whatever! Weirdos!" she said and stood up.

Lahat sila ay nakatingin kay Belle kaya naman nakita ko ang iritasyon sa muka nang pinsan ko.

"Stop staring! You idiots!" she whined and went to the kitchen.

I chuckled. Something is up about that bitch. I need to know it.

Well, balilk tayo sa gang. Nakarecover naman na sila at nagsimula na ulit magkulitan. Pero si Mary. Ayuun. Tahimik padin sa isang tabi habang tinitignan ang nakikipagkulitan na si Chester.

"Ayan! Ayan! Dapat jan hinahampas hampas!" natatawang sabi ni Russel habang hinahampas si Chester na nire-wrestling ni Kenneth.

"Luh!? G*go ka Russel! Humanda ka sakin pag nakawala ako sa unggoy na to!" impit na sabi Chester.

"Ah! Sinong unggoy?! Ha?!" lalong sinakal ni Kenneth si Chester.

"Araaaay! Tarantado ka Kenneth!" sigaw ni Chester.

Natatawang naiiling nalang ako sa kulitan nila. Ganyan sila maglambingan. Bugbugan kung bugbugan.

Nang mapagod sila ay nagsiupuan naman ang mga gago. Nahuling nakatayo si Chester at ang space nalang sa tabi ni Mary ang available. Kaya no choice siya at doon naupo dahil pagod rin siya sa kulitan.

At spell AWKWARD?

M-A-R-Y-C-H-E-S!

Hindi ko na kaya to! I need to do something to make that guy realize what's he's throwing!

--

Inabot na kami nang gabi sa kakakulitan at kapapanood so we decided na mag sleepover nalang dito sa bahay nila Ren. Nakapag paalam naman na ang lahat. At may dalawang kwarto sa bahay nila dito. Isang guest room at isa sakaniya.

Nagtataka siguro kayo kung baket dalawa lang ang room nang bahay ni Ren 'no? Well it's because, kanya lang talaga ito. Meaning, siya lang talaga dito. Kase iba pa yung mansyon nila. Dito lang siya tumira kase pag sa mansyon pa, sobrang layo sa school nila. Malayo na nga itong tinutuluyan niya, magpapalayo pa ba siya lalo?

Well, anyway, andito kaming lahat sa garden nang bahay ni Ren. Two storey house ito at may terracek. Nagkukulitan lang kami kasi sawa na sa panunuod. Masayamg nagbubugbugan ang mga lalaki nang biglang nagsalita si Belle nang di namin inaasahan.

The Queen of LoveWhere stories live. Discover now