QOL 07: CONFRONTATION

25 1 0
                                    

CHAPTER 07: CONFRONTATION

Ilang linggo na ba nakalipas simula noong nalaman ko ang rason ni Chester? 2 weeks? I guess. And sa 2 weeks na yon, lalong sobrang daming pagbabago.

Ang masigla naming bahay ay napalitan nang pagka-bonggang bonggang awkward. Halos apat nalang kami nila Kenneth, Russel at Belle na sabay kumain. Dahil yung iba, umiiwas at nagkukulong sa mga kwarto. Exemption naman na don si Mary at Chester. The rest, I don't know their problems.

Ngayon ay nasa school kami. Kasama ko ngayon si Russel at Chester. Missing in action yung iba. MIA in short. Nasa garden kame nang school ngayon. At halos maloka ako nang makita ko si Mary na may kasamang lalaki na nakaakbay sakaniya.

Ito yung sinasabi kong pagbabago eh. 'Yang panlalalaki ni Mary. Everyday ata nagpapalit siya nang lalaki'ng kasama. Halos palitan na rin niya si Belle sa pagiging Break Up Queen non.

And speaking of that bitch. She's been bitching me around this past few weeks. Gaga yon. Tinataray-tarayan nalang ako. Well, I can sense that there's something up and it includes Mary and what she saw last time.

"Iba nanaman kasama niya." komento ni Russel.

We are looking at her while Chester is just busy on his laptop playing dota. Kaya naman isang malakas na hampas ang ginawa ko sakaniya.

"Pota naman Max! Masakit!" reklamo niya habang nakahawak sa likod niya.

"Mas inaatupag mo pa kase yan kesa sa panlalalaki ni Mary! Kita mo na? Pagod na yan sayo. Kaya yan. Naghanap na nang iba." pangongonsensya ko.

At aba! Ang sagot nang gago:

"Hayaan mo siya."

Odiba? Kagago diba? Pupusta talaga ako bente magsasawa din si Mary at iiyakan ako nang tarantado'ng 'to. Tsk. Hindi kumikilos e. Tss.

"Bahala ka nga jan! Leche!" sabi ko at nilayasan sila.

Nilapitan ko si Mary na ngayon ay nakikipaglandian sa mukang kulugo.

Tumigil sila at tinaasan ako nang kilay ni Mary. Hindi niya ako matitinag sa katarayan niya! Kung mataray siya, mas ako! Tigil-tigilan niya ako dahil naiinis ako sakanila pareho.

"Pwede ka bang makausap?" mataray kong tanong.

Tinaasan niya ako nang kilay. "At baket naman ako makikipag usap sayo?"

Huminga ako nang malalim. Kalma lng Max. Kasalanan mo rin yan. Wag ka nang magtaka kung baket siya ganyan sayo.

"Please lang, Mary." mahinhin kong sabi.

Tumayo siya sa kinauupuan niya. Akala ko makikipag usap na siya. Pero nagkamali ako. Dahil ang sagot niya:

"Hindi ako nakikipag-usap sa mga ahas."

Tsaka siya naglakad palayo leaving the kulugo guy still sitting.

Damn that girl! Ahas? Ako? Gago talaga! Kainis!

Pinalampas ko yung ginawa niya ngayon. Alam kong galit padin siya at iniisip niyang nilalandi ko si Chester. Taena lang ha? Hindi ko type si Chester. Over my dead body! Kadiri! Boset 'yon.

After 3 days ganun padin. Nasa bahay kaming lahat. Sunday kase. Pero may bwisita nanamang tuko si Mary. Naiirita ako kasi dinadala niya pa dito. Grabe ha? Kailangan ko na bang magdikit sa gate namin na 'NO PETS ALLOWED'? Naloloka ako sa mga dinadala ni Mary eh!

Bumaba ako sa sala kung saan sila naghaharutan habang si Chester ay nasa gilid lang at siguro nagdodota nanaman dahil hawak nanaman ang laptop niya. Tsk. Bobo talaga.

The Queen of LoveWhere stories live. Discover now