55

161 7 0
                                    

"Miss Alonzo. Pinapatawag po kayo ni Mr. Echavarria." napataas ang kilay ko. Bakit ako pinapatawag ng mokong na yun?

Naglakad ako papunta sa kanya. Nasa may tent siya at may mga pagkain doon at tubig.

"Ang init init, nakabilad ka sa arawan." sabi niya sa akin.

"Ano naman?" sabi ko at pumaywang.

"Magsusungit ka na naman? Uminom ka ng tubig, sobrang init oh!" sabi niya at iniabot sa akin ang isang bottled water. Kinuha ko yun at uminom agad.

"See? Uhaw na uhaw ka nga. Maupo ka lang dito lilim, di ka naman construction worker para mabilad din sa arawan." sabi niya sa akin. Napairap ako at kumuha doon ng pagkain.

"Napaka sungit mo. Dukutin ko yang puso mo." sabi niya sa akin.

"Edi sayo na. Di mo na kailangan dukutin kasi ibibigay ko na nang kusa!" sabi ko at ngumisi. Hindi naman na siya umimik. Nakita ko ang pamumula ng tenga at pisngi niya.

"Edi wow." sabi niya at umalis sa tent. Di ko maiwasang matawa sa kanya. Lakas bumanat tas kapag siya ang binanatan eh nagwowalk out!

Bumibisita lang kami dito sa lote para sa pagchecheck at pagtuturo ng mga dapat gawin. Tapos ay aalis din kami dahil may iba pang trabaho.

"Tara na, sungit." sabi sa akin ni Clevin.

"Sige, walk out boy." sabi ko at tumawa. Nakita ko naman ang pag irap niya.

"Edi wow." sagot niya at nauna na siyang sumakay sa kotse niya.

Napailing na lang ako sa kanya at pumasok na din sa kotse ko. Nagmaneho na ako pabalik sa kompanya. Mabilis lang ang byahe dahil di traffic.

Pagkatapak na pagkatapak ko sa opisina namin ay agad na napataas ang kilay ko. Kasabay nang pagtaas ng kilay ko ay ang pagtaas ng dugo ko. Anong ginawa ng babaeng 'to dito?!

"Clevin, Alyanna is your child!" sabi niya kay Clevin na nakapoker face lang sa harap niya.

"Wala akong anak sayo. Lumabas na ang result, stop being desperate. I can be a godfather of your child but I'm not her father." madiin na sabi ni Clevin.

"Ikaw ang ama ni Alyanna!" galit na sigaw ni Lianna. Mygosh, this girl is insane!

"Sakit sa tenga." sabi ko at sumandal sa hamba ng pinto. Nilingon ako ni Lianna at agad na nagtaas ng kilay.

"So ikaw ang Architect na haliparot?" nakangising tanong ni Lianna at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"So ikaw ang ex na desperada?" taas kilay kong tanong.

"Ex ka rin, right?" sabi niya sakin at ngumisi.

"Ex ako pero hindi ako desperada tulad mo." sabi ko sa kanya at umismid.

"You dimwit!" sigaw niya sa akin.

"Umalis ka sa opisina namin ni Clevin!" sabi ko sa kanya.

"Fuck off!" sigaw niya sa akin.

"Alis." madiin na sabi ni Clevin kay Lianna.

"No! Alyanna is your daughter! Accept the fact that you're my daughther's father!" sigaw niya kay Clevin.

"And you! Stop flirting with my soon to be husband! Putangina mo, haliparot!" sigaw niya sa akin habang dinuduro.



Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat dahil sa sigaw niya sa akin. At ano ang sabi? Soon to be husband?! What?!


"Wag mong sigawan si Eilly, baka gusto mong kaladkarin kita palabas, Lianna! Nagtitimpi pa ako sayo. Isa pang sigaw, ako ang kakaladkad sayo!" galit at malakas na sabi ni Clevin.

The Guy Next DoorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant