21

146 7 0
                                    

I woke up with a light mood. Idinilat ko ang isa kong mata at nakita si Clevin sa tabi ko na busy sa kanyang cellphone.

"Goodmorning, ganda." bati niya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Nagtakip ako ng bibig bago siya batiin.

"Magandang Umaga." sabi ko at bumangon na. Nag unat ako bahagya at sinuklay ang buhok.

"Ine-edit ko picture mo, parang pinapaganda ko pa lalo yung buhay ko." sabi niya at kinindatan ako. Napailing na lang ako at pumasok na ng banyo.

Naghilamos ako at nagtoothbrush. Nagpupunas na ako ng mukha ng may kumatok sa pinto.

"Hello, andito po ba yung puso ko?" napailing na lang ako sa boses ni Clevin.

"Wala, wala dito puso mo." natatawang sabi ko.

"Alam kong nanjan sayo yung puso ko, the last time I checked, kakagising mo pa lang pero nasnatched mo na kaagad. Effortless." sabi niya at binuksan na ang pinto.

"Mr. Eleazar! I didn't snatched your heart." sabi ko at lumabas na.

"Ninakaw mo yung puso ko. Wag mo na ibalik, ha? Sayong sayo na yung puso ko. I also can give my whole life, too. Try me." he said and he smiled, the genuine smile of him.

Clevin and his sweet tongue. Nakakabaliw. Ikaw ba naman gumising tapos ang bubungad sayo eh yung napakagwapong mukha ni Clevin at dagdagan mo pa ng mabubulaklak na salita. Sinong hindi maiinlove sa kanya?

"Mauna ka na sa baba, may tatawagan lang ako." sabi niya at lumabas sa balcony. Tumango na lang ako nauna nang lumabas ng kwarto.

Imbes bumaba kaagad ay naisipan kong ikutin ang buong mansyon. Sa pangalawang palapag ay may limang kwarto at isa na don ang kwarto ni Clevin. Sinimulan kong silipin ang katabing kwarto at nakitang mukhang office yon, may swivel chair at desk na madaming papel.

"What are you doing?" napalingon ako sa nagsalita. Isang babaeng mukhang kaedad ko lang.

"Sinilip ko lang." sabi ko, tinignan ko ang pananamit niya. Mukha siyang sopistikada. Mukhang mayaman, at mukhang spoiled na maldita.

"Anak ka ba ng katulong dito? You look unfamiliar." maarte niyang sabi at ni head to foot ako. Aba! Mukha na ba akong anak ng katulong?

"Hindi ako anak ng katulong." sabi ko at isinara na ang pinto ng office.

"Eh why are you here if di ka anak ng katulong? And you will try to pasok pa sa office ni Tito Clinton. Are you magnanakaw?" maarte at malakas niyang sabi.

"Excuse me, hindi ako anak ng katulong at lalong hindi ako magnanakaw! I'm Clevin's girlfriend." nakataas kilay kong sabi. Her mouth turns into "O" shape.

Gulat na gulat ka?!

"Are you my pinsan's jowa? Kuya have Ate Lianna before and she was fine for me. But you are more fine, kahit napagkamalan kitang katulong, hindi mo ako tinarayan, you just raised your brow, but it was fine kasi the way I spoke to you is kinda rude." tuloy tuloy niyang sabi. Napatango na lang ako.

"Ashley, stop talking to my girlfriend!" maawtoridad na sabi ni Clevin na kakalabas lang ng kwarto niya. Mabilis na tumakbo si Ashley kay Clevin at yumakap.

"Kuya, she was kind to me. And I love it for you." sabi niya at hinatak ako palapit kay Clevin. She was smiling to me and also Clevin, what a weird cousins.

"Baby, this is my cousin, Ashley and Ashley, this is my girlfriend, her name is Eilly." pagpapakilala sakin ni Clevin, medjo kinilig ako sa pa "baby girl" ni Clevin.

Hinila na ako ni Clevin pababa ng hagdan at si Ashley, daldal ng daldal sa unahan. She was talking to Clevin, while Clevin is busy kissing my head. Minsan nagsasalita si Clevin at sinasagot si Ashley, pero kadalasan ay bumubulong sakin ng 'mahal kita' si Clevin. He's so clingy and sweet.

The Guy Next DoorWhere stories live. Discover now