3

250 11 0
                                    


Naglalakad ako sa lugar kung saan walang nakakakilala sa pagkatao ko. Nakahinga ako ng maluwag. Walang huhusga at aalipusta.

Pumasok ako sa isang kwarto na naka assigned para sa mabilisang orientation.

Gymnasium

Pagtapak ko sa may tapat ng pinto ay nakakuha ako agad ng atensiyon. Oh I hate attention!

Ramdam ko ang tingin nila sakin. Sinubukan kong ngumiti at agad naman nilang sinuklian kaya nawala ang kaba ko.

Nakita ko ang isang babaeng kumaway sakin. Si Hannah, kasama niya pa sina Larren at iba. Itinuro niya ang vacant seat sa tabi niya kaya doon ako agad umupo.

"Ganda mo naman, Eilly." nakangising sabi ni Hannah. Natawa na lang ako.

"Paanong maganda? I'm just wearing simple outfit." I stated. Black top, jeans, white shoes. Simple.

"Simple pero nakakabali ka ng leeg? Those guys will totally hit on you." ngiting asong sabi ni Hannah, napansin ko din ang ibang lalaki na nakalingon o kaya ay nakatingin sakin.

Binalewala ko lang yon at napataas ang kilay ng makita si Clevin sa may bukana ng gym. Black shirt and faded jeans and white shoes. Lahat ng babae ay nakatingin sa kaniya. Naglalaway pa ang iba.

"There's Clevin.." sabi ko kay Hannah at itinuro si Clevin.

"Hayaan mo yan, tatabi yan sa madaldal niyang girlfriend." nakangiwing sabi ni Hannah at nakipag kwentuhan kay Larren.

Ilang minuto pa ay may umakyat na sa stage at nagsalita. Nagpakilala siya, siya ang principal at owner ng school. Madaming nangyari, pero wala akong masundan dahil bago lang ako dito.

St. Damian College. Malaki at malawak. Madaming buildings para sa iba't ibang courses. May malawak na grass field. May garden na malapit sa malawak at malinis na canteen. Malawak at malamig ang library. It's refreshing. Malinis at maayos ang lahat.

"Sama ka samin Eilly? Doon kami sa may tambayan namin." aya ni Larren. Ngumiti ako at umiling.

"Hindi na, mag iikot ako. I need to be familliarize sa place para di ako maligaw." sabi ko at nagpaalam na. Sabi niya nasa may gymnasium lang sila, sa may sports room lang sila.

Nagsimula na akong maglakad. Maraming ngumiti sakin kaya nginingitian ko din sila. Better be good so that they will never find out the truth.

Nagpunta ako sa garden at tinignan ang iba't ibang bulaklak. Mukhang alam ko na kung saan ako tatambay. This garden is peaceful and refreshing.

"Babe, tara na kasi sa Starbucks." rinig ko ang boses ng isang babaeng matinis ang boses. Nasa likod sila ng puno na nadaanan ko.

"Lianna, hindi nga pwede. May meeting ako." Is that Clevin? Oh.

Kita ko silang lumabas sa likod ng puno. Nagsuot ng tshirt si Clevin at nagtatali si Lianna.

Oh shit?! Don't tell me...????

Akmang aalis na ako ng matapilok pa ako sa pagmamadali.

"Eilly?" malamig na tawag ni Clevin. Napaangat ako ng tingin at dahan dahang tumayo.

"Oh hi." sabi ko at nagpagpag ng damit.

"Who's her, babe?" maarteng tanong nung babae.

"Childhood friend." walang ganang sagot ni Clevin at napataas ang kilay.

Tinignan ako ni Lianna mula ulo hanggang paa. Wow, ngayon ko lang napansin. Pare parehas kami ng suot. Black, jeans, and white shoes. Wow.

"Ginaya mo ba ang suot ko?" maarteng tanong sakin ni Lianna. Napataas ang kilay ko. Aba aba?

"Excuse me? I don't even know you so why would I imitate you? Excuse me, I'm going." taas kilay kong sabi. Kita ko ang pagkagalit ng mukha niya.

Ha! Ano sa tingin niya? Na magpapatalo ako? Oh you wish.

Pumunta ako sa gymnasium para magpaalam na uuwi na. Kumatok ako sa loob ng

"Hello?" tawag ko mula sa labas at binuksan ang pinto. Halos lahat ng Dark Kings ay naroroon. Si Hannah lang ang babae.

"Oh Eilly! Tara pasok ka!" magiliw na sabi ni Larren. Tumango ako at pumasok sa loob. Medjo malamig dahil fully airconditioned ang room.

May mga chips at softdrinks sa lamesa. Halos lahat ay nagtatawanan at nagsasaya.

"Kita mo ba si Clevin, Eilly?" tanong ni Andres. Agad nag init ang pisngi ko. I want to tell na nagmemake out sila sa likod ng puno kasama ang impaktita niyang girlfriend! Tss.

"Uhm..oo sa may garden, kasama girlfriend niya." sabi at nag iwas ng tingin.

Ako pa sasabihan na ginaya yung suot niya like ewww. Ako gagayahin siya? Never in her wildest dreams.

"Sus. For sure nagmemake out na naman yan sila sa likod ng puno!" sabi ni Hannah at nagtawanan at sumang ayon silang lahat. Natigil ang tawanan ng biglang pumasok si Clevin. Si Hannah ay nagpipigil ng tawa at ganon din ang iba.

Tinignan ako ni Clevin. Oh geez. Stop looking that way! Di ko ipagkakalat ang sikreto mo dahil alam naman na nilang lahat!

"What's funny?" taas kilay niyang tanong ngunit ang mata ay nakatingin sakin bagi siya umupo sa isang single sofa.

"Ah si Eilly kasi..." napabaling ako sa tumatawang si Carlos. Ako? Ha?

"Si Eilly kasi mukha kayong couple sa suot niyo." then they all laugh. Halos malukot ang mukha ko. Oh geez. Mukha akong thirdwheel sa kanila ni Lianna.

"Why would I date a guy who likes to make out behind the trees?" napipikong sabi ko at nakataas ang kilay. Then all of them burst out. Tawa na sila ng tawa at napailing na lang ako.

Great, Eilly. Great. Ngayon, masama na ang tingin sayo ni Clevin.

"So I'm the topic here?" nakangising sabi ni Clevin.

"Probably, yes." natatawang sabi ni Carlos.

Lumipat ang tingin sakin ni Clevin. He's wearing an evil smirk and raised brow.

"Let's play? Truth or Dare?" aya ni Clevin while wearing his evil grin.

Nanindig ang balahibo ko. I should go home now. Di na maganda dahil mukhang pikon na si Clevin.

Everyone agreed on his plan. Ako? Ayoko. Gusto ko ng umuwi.

"Okay, let's start with you, Eilly." madiin niyang banggit. Napataas ang kilay ko. Bakit ako?

"Truth or Dare?" tanong niya habang nakataas ang kilay at galit na nakatingin sakin.

"Dare." matapang na sabi ko. Lahat ay tahimik at nag aantay kay Clevin.

"Let me see how many cuts you have." parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nanlamig ang buong katawan ko at kinakabahan.

"What if, if I don't want to?" matapang pa din na tanong ko. Kahit isang kalabit lang sakin ay tatakbo na ako at di na magpapakita sa kanila.

"Clevin, your dare isn't good. It's too personal." madiin na sabi ni Andres. Napalingon ako sa kanya at umiiling siya kay Clevin.

"I hate the game of yours, Clevin. I hate your stupid and lame game. Play this with your girl, maybe she'll play with you. But me? I don't want to play with you, this is a children's game. Play it with your immature girlfriend." sabi ko at tumayo na.

Mabilis akong naglakad palabas at iniwan silang nakatunganga sa loob. I don't want to be bitch pero sumobra na siya. Isang tanong pa lang ay nakakasira na siya ng sistema.

Clevin will never be good. Just like the old times. The hard headed and impulsive one. What a jerk for asking me that! I hate you, Clevin. I think you'll be another hell for me.

The Guy Next DoorWhere stories live. Discover now