10

213 7 0
                                    


"Ate, dalian mo. Malelate ako sa klase ko!" ang aga aga rinig ko ang sigaw ni Ken mula sa sala. Tinignan ko kung anong oras na, alas sais.

Tumayo ako sa kama at nagsuklay ng buhok. Alas otso ang klase ko hanggang 4:30 ng hapon. Unang araw ng klase at nakakakaba.

Nakahanda na ang mga gamit ko sa pagpasok. Kagabi ay inayos ko na ito, pati na rin ang susuotin kong uniform. Isang longsleeve na puti at grey na pencil skirt na above the knee at necktie na may logo at pangalan ng estudyante. Mayroong PE uniform na binili para sa activities. Hanggang type C na PE uniform. Type A na pangvolleyball/basketball, Type B na jogging pants at Type C na swimming wear.

Naligo na ako at kumain. Alas syete na, ayokong malate sa unang klase. Umupo ako sa tapat ng vanity mirror at nag ayos. Sinuklay ang maiksing buhok at naglotion. Naglagay ako ng blush on at liptint para di ako maputlang tignan.  Naglagay din ako ng mascara at kinuha na ang bag ko sa kama.

Babyahe pa ako kaya kailangan ko ng umalis. Nagsuot na ako ng sapatos at lumabas na ng kwarto. Nagulat ako ng maabutan ko sina Hannah sa labas at nag aalmusal.

"Antagal mong kumilos, mag seseven thirty na!" sabi ni Hannah at nagsilabas na sila. Nagpaalam na ako kay Mommy at lumabas na.

"Wala kang kotse, di naman kami papayag na bumyahe ka mag isa. Ang iksi iksi ng palda mo." bulong sakin ni Clevin. Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata.

"Kaninong plano 'to?" nakangising tanong ko. Inginuso ni Larren si Clevin na nasa likod ko.

"What?! I just want you to be safe! Saka si Hannah ang kasama mo sa kotse. Tss." masungit niyang sabi at pumunta na sa kanyang kotse. Sungit naman.

Pumasok na ako sa kotse ni Hannah. Nasa front seat siya at si Kuya Oscar ang driver. Pwede si Hannah na magdrive kung sa loob lamang ng Nyuborn. Sa labas na ng Nyuborn ang St. Damian, kaya si Kuya Oscar ang driver.

Tahimik lang byahe namin. Si Hannah ay busy sa phone niya. Kinuha ko ang phone ko sa bag at nakitang may text doon si Dos.

From: Dos

See you sa school, I'm sure maganda ka na naman.

Napailing ako. Ano bang problema nila? Lagi akong sinasabihan na maganda kahit di ko mahanap kung saan banda.

To: Dos

Mambobola. Maghahanap ako ng boyfriend sa St. Damian, kailangan kong maging maganda :P

Itinago ko na ito dahil nasa may parking na kami ng St. Damian. Alas otso na at late na ako. Shit!

"Hannah, mauna na ako! Late na ako sa first sub." sabi ko, tinawanan ako ni Hannah at hinawakan ang braso ko.

"Chill. First day means free day." sabi niya at itinuro ang school grounds na madaming tao at may mga booths.

"Ngayon ka pipili ng clubs. At okay lang kung magpaikot ikot ka sa school. It's free day!" sabi niya at hinatak ako kung saan.

Tumigil kami sa may library. Nagtext si Hannah sa phone niya at ilang saglit ay dumating si Seb at Dos.

"Hi, Tres." bati ni Dos at nginitian ako. So handsome angel.

Nag uusap si Hannah at Seb, at nakikisali si Dos. Tinignan ko ang school grounds at andaming mga estudyante doon. Wala akong kilala pwera sa mga nakakasama ko ngayon. Sana ay may maging kakilala ako kahit kaunti.

"Eilly, tara na." aya ni Hannah, naglakad kami sa damuhan para makapunta sa bandang gitna kung saan may mga booths para sa iba't ibang clubs.

"Saan ka sasali? Cheerleading? Sports? Drama? Art and Designs? Glee Club? Dance?  Beauty? Sa Beauty ka na lang, ikaw mangingibabaw don." nakangising sabi ni Hannah. Nagkibit balikat ako. I'm not into social clubs. Gusto ko doon sa hindi ako mapapansin.

The Guy Next DoorWhere stories live. Discover now