9

191 7 0
                                    


"Alam mo, napaka arte mo rin. Parehas kayong parang tanga ni Dos! Ano naman kung madaming tumitingin sakin?" natatawang sabi ko kay Clevin. Nasa isang ice cream parlor kami. Dito siya nagpalibre. At ang lalaking 'to, apat na ice cream ang inorder!

Cookies and Cream, Double Dutch, Blueberry Cheesecake, at Coffee Crumble. Tapos yung order ko lang ay isang Chocolate Kisses. Libre ko raw kasi kaya sinusulit na niya.

"Eh kasi bakit ba kasi ang ganda ganda mo?" inis na tanong niya sakin. Napailing ako sa kanyang sinabi, mga bolero!

"Bakit parang kasalanan ko pa?" natatawang sabi ko. Sumimangot naman ang mukha niya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Dapat sayo, tinatago sa malayong lugar para di makita. You're very pretty to expose in broad daylight. Madaming magiging kaagaw." sabi niya habang kumakain. Natawa naman ako. Di ko alam, minsan iisipin kong may sira sa utak si Clevin. Kung ano ano pinagsasabi niya. Minsan walang kabuluhan, minsan kung ano ano lang.

"Andami mong alam, Clevin." umiiling na sabi ko at kumain ng ice cream. Naubos na niya ang pangalawang ice cream niya. Antakaw!

"Do you love ice cream?" tanong ko sa kanya. Nag angat siya ng tingin sakin.

"Uhuh. I love ice cream." nakangiti niyang sabi. Clevin is a good guy, that's for sure. Despite his badboy look, I'm sure he's a softy. We met in an uncertain way but looking at him now, enjoying the ice creams like a kid.. I think there's something more about him.

And I want to know!

"Ikaw, anong paborito mong pagkain?" tanong niya sakin.

"Pastas like Spaghetti, Carbonara, Tuna pasta, basta may pasta at sauce." sabi ko at natawa. I really love eating pastas.

Napatango tango lang siya at bumalik sa pagkain. Kapag tinignan mo si Clevin, mukha siyang badboy, pero kapag nakasama mo, mukhang rebel kid na pasaway. Nakasimangot lagi ang mukha at magkasalubong lagi ang kilay. But Clevin is thoughtful and nice.

"Libre mo pa ako." natawa ako sa sinabi niya. Ubos na niya ang ice cream niya samantalang ako ay madami pa.

Napatunganga ako sa harap niya. Seryoso ba siya?!

"What?! I want pizza." sabi niya sakin at inaya na akong kumain ng pizza.

"Mamumulubi ako sayo." sabi ko at tumayo na. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

Gentleman huh. Wala naman balasubas sa kanilang magtotropa. Lahat sila may respeto at maalaga. Minsanan ay malalakas ang trip at gago kung kumilos.

Hinawakan niya ako sa wrist at hinatak sa isang fast food chain na may pizza. Pagkapasok pa lang namin ay naglingunan na agad ang mga babae sa direksiyon namin. Sino bang hindi lilingon? Clevin is a devil hot guy.

Umupo kami sa pinaka sulok at tumayo agad siya para umorder. Gutom pa rin ba siya? Grabe naman yung tyan niya.

Nag open ako ng phone at inistalk si Dos sa instagram. I'm really curious. Curious ako kung anong meron sa kanila ni Lana.

Iniscroll ko ang mga post ni Dos. Bihira ko lang siyang istalk. Inistalk ko siya hanggang sa kaduluduluhan. It's him and Lana, magkayakap sila. They looked very happy.

@vandoss.faeiou happy birthday to my bestfriend! i love u!  - @francex

3 years ago  niya pa 'tong post at sa tingin ko ay may iba pang something sa kanila, hindi lang sila bestfriends. That's for sure.

Inistalk ko si Lana. She is really pretty. Her latest post is yesterday. She was at the park, and her caption is "Finally, I'm home." She's very pretty, no doubts. Nagscroll lang ako ng nagscroll. Galing siya sa abroad, galing siya sa Canada.

The Guy Next DoorWhere stories live. Discover now