Nakakapag usap kami ni Isagani sa bago kong Instagram account, hindi ko na inopen uli ang beatrixs kong account, gumawa ako ng bago para hindi makita ng kahit na sino, nakaprivate na din.

leonel.madrigal : i'm now in states. 5 months na tayong di nagkikita. isa ka sa mga outstanding student sa batch natin, sayang at hindi ka natapos.

silly angel : don't worry, magiging archi pa din ako soon.

leonel.madrigal : ikaw pa ba!? the best ka eh.

Napangiti ako kay Isagani. Malayo man eh hindi pa din nawawala ang pagkakaibigan namin. He always supports me pero hindi ang pagtatrabaho ko sa bar. Sabi niya ay baka mabastos daw ako pero kilala niya daw ako kaya di na siya gaanong nag aalala.

"Tara na, Bea. Babyahe pa tayo." sabi sakin ni Chimmy. She's wearing longsleeves at shorts. Chic na chic ang itsura niya.

"Iniisip mo na naman ba yang gago mong ex?" nakapamaywang na tanong niya. Natawa ako at napailing.

Lumabas na kami ng bahay at nagpaalam na si Chimmy sa lolo at lola niya.

"Hoy, Jude! Hatid mo na kami." sigaw niya sa pinsan niya. Sumakay na kami sa oner ni Jude at bumyahe na. Mahaba haba pa ang byahe pero ayos lang dahil nakakarelax naman.

----

Pagpasok namin sa apartment ay agad akong nahiga. Nakakapagod din ang umupo ng ilang oras!

"May gig ako mamaya. Sama ka?" aya sakin ni Chimmy.

"Game." sabi ko at humiga sa sofa.

Mabait si Chimmy pero malakas ang bunganga. Nasanay na ata siya na malakas ang boses, singer kasi siya at medjo entertainer na din.

"Chimmy, lutuan mo nga ako noodles!" sigaw ko sa kanya. Nasa kusina kasi siya.

"Leche ka!" sigaw niya pero alam kong lulutuan niya ako.

Chimera Hebe Torres Agoncillo ang buong pangalan niya, 18 lang din siya pero maagang nagbanat ng buto. Sanay na siya sa mga tao sa bar kaya wala na siyang problema don. Siya ang nagtuturo sakin ng mga dapat at hindi dapat gawin.

"Oh, madam." sabi niya at nilapagan ako ng noodles sa harapan.

"Thank you, Chimmy." sabi ko at nagsimula na kumain.

"Punta tayo sa Primo mamaya. Doon ang gig ko mamaya." sabi niya habang umiinom ng alak. Grabe talaga sikmura nito!

"Kumain ka muna bago ka uminom." sabi ko sa kanya at itinulak papunta sa kanya at noodles.

"Aww, may nag aalala sakin." biro niya at kumain ng noodles.

Maagang nawalan ng mama si Chimmy, parehas ng kay Syd. Parehas namatay dahil sa iisang sakit. Iniwan siya ng Papa niya noong 5 pa lang siya at hindi na bumalik. Lolo at Lola niya lang ang nag aalaga sa kanila ni Jude.

"Dalian mo, susunduin tayo ni Gael." sabi niya sa akin. Naka black fitted dress siya at heels. Ako naman at nakatube at highwaisted loose jeans at may denim jacket akong suot.

Si Nazarene Gael ang may ari ng Primo, kakilala ni Chimmy dahil si Gael daw ang una niyang nasipa sa bar. Ngayon, ginawa siyang waitress bilang kapalit.

"Gael, musta buhay may fiancè?" tumatawang tanong ni Chimmy habang nasa sasakyan kami.

"Lucy is a demon and monster. Imagine, fiancè niya ako pero wala siyang pakialam sakin, edi wala din akong pake sa kanya." sabi niya at tumawa. Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya, fixed marriage kasi tong si Gael kaya ganon.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon