"Busy?" napaangat ako ng tingin kay Clevin. Nakataas ang kilay niya at tinitignan ang phone ko na nasa timeline ni Lana.

"Bakit mo iniistalk si Lana? Selos ka sa kanila ni Dos?" masungit niyang sabi sakin. Inirapan ko naman siya.

"Gago. Nacurious lang ako." sabi ko at tinignan ang sandamakmak na pagkain na hawak niya. Pizzas, burgers, fries, friend chicken and softdrinks. Wow.

"Lana and Dos were bestfriends. Simula kinder close na sila though Dos is kinda kind at si Lana ay medjo pasaway. Pinunta si Lana sa ibang bansa kasi may nangyari. And wala na ako sa pwesto para magsabi non sayo." sabi ni Clevin at inabutan ako ng burger. Tinanggap ko naman yon.

Now, I'm very curious what really happened between them.

"Stop thinking about them, Bea. Dos is finally a man. Di na niya uulitin ang ginawa niya dati. And knowing Lana, she can still make Dos be under her control." sabi niya na lalong nagpacurious sakin. Damn it!

"I'm really curious, Clevin." sabi ko sa kanya. Umiling siya.

"Ask Dos." sabi niya at sinubuan ako ng fries. Tinaasan ko lang siya ng kilay at kinuha sa kamay niya ang fries at kinain yon.

Nagkwentuhan kami ni Clevin tungkol sa kung ano ano. Tawa kami ng tawa. Di ko inakala na palabiro pala si Clevin, ang akala ko ay seryosong seryoso siya sa buhay niya.

"Oh come on, Clevin. Ang sungit sungit mo sakin noong una!" natatawang sabi ko. Natatawang umiling lang siya.

"Ikaw...ang tapang tapang mo." seryosong sabi niya sakin. Di ko alam kung sa pisikal ba o emosyonal na pagkamatapang. Tinawanan ko lang siya.

"Kapag nagpakita ka ng kahinaan, matatalo ka. Kailangan mo maging matapang para sa lahat at higit sa lahat, para sa sarili mo." sabi ko at inubos na ang pizza ko. Tumango lang si Clevin at kumain na din.

It's funny how the world works. Dati nainsulto ako ni Clevin sa gusto niyang mangyari. Ngayon, he gave me a diary so I can write all the pain that I've been through. It's a small thing but I really appreciate it. Same like Dos, he always make sure that I won't cry alone every night. Small things and really appreciated. Friends like them who is really worried and who always care and make sure that I'm really fine.

New friends with big memories and new friends to treasure.

"Bea." kuha ni Clevin ng atensyon ko. Binalingan ko siya ng tingin. Magkasalubong ang mga kilay niya.

"Pupunta sila dito. Kakain tas uuwi na. Gabi na din." sabi niya at lumipat sa tabi ko. Pinagdugtong niya ang tatlong lamesa para lumaki yon at naglagay ng ilan lang upuan.

Nagtayuan ang balahibo ko pag inom ko ng coke. Nakita kong natawa si Clevin. Hinubad niya ang leather jacket niya at ipinatong yon sa balikat ko.

Natulala ako ng maamoy ang jacket niyang mabango. Shit. Ansarap sa ilong at di nakakasawa amuyin. He smells really manly and addictive, what is this? Mamahalin?

"Bakit kasi ganyan kaiksi ang damit mo tapos ang nipis pa.." masungit na sabi ni Clevin at inirapan ako. Wow ha.

"This is the way I dress and----"

"Oh shut up, Beatriz! Maiksi pa din yang suot mo! Akala mo okay lang yan? Andaming lalaking kulang na lang ay maglaway kakatingin sayo!" inis na sabi niya sakin. Natahimik ako. Galit siya. Pero galit din ako! What about my clothes? Does this make me something less respectable?

"Parehas kayo ni Dos! Lagi niyong pinupuna yung mga sinusuot ko!" mahinang sabi ko at umirap.

"Ayaw ka naming mabastos, Beatriz! Walang gustong mabastos ka! Kayo ni Hannah! Ayaw naming mabastos kayo kasi magkakagulo talaga." madiin niyang sabi sakin.  Di na ako nagsalita. Tama naman siya. Pero nasanay ako sa mga gantong damit at wala naman akong pakialam kung mabastos ako. I know that my clothes aren't the reasons behind those things, utak nila ang may problema.. And..

The Guy Next DoorWhere stories live. Discover now