01: The one that got away.

50 15 0
                                    


Nagsimula ang lahat sa hindi ko inaasahang mangyayari pala sa tanang buhay ko--- ang taong nakapabighani ng aking puso.

"Tapos na ang ating pagbabasa sa Noli me tangere at ako'y magbibigay ng proyekto sa inyong lahat para sa huling marka ninyo sa ating asinagtura," anunsyo ng aming guro na dahilan nang pagrereklamo ng aking mga ka-klase.

"Dalawang seksyon ang aking napili na magtutulungan para sa inyong pagdudula, ang seksyon niyo at ang advisory ko. Ako'y nakapili na kung sino ang i a-arte niyong tauhan galing sa kwento," napukaw ang aking atensyon sa anunsyo nito, kinakabahan kung sino ang magiging tauhan ko. Sana ay kahit taong puno nalang ako sa gilid para hindi na ako mahihirapan.

"Omg like oh my gosh! Ako po ba ang magiging Maria Clara Ma'am? Thankyou for the great opportunity, gagawin ko talaga ang best ko!" biro ng ka-klase kong beki na walang ginagawa kundi ang magpaganda.

"Tanga, bawal kang maging si Maria Clara, nag-iingles ka at hindi bakla si Maria clara nu," ang maldita ko namang kaklase.

Nawalan na ako ng gana sa biruan nila, tumatawa silang lahat samantalang ako ay nakatingin sa labas, parang may hinihintay pero wala naman.

"Ngayon ko na mismo i a-anunsyo ang magiging katauhan niyo sa inyong dula."

Inanunsyo na ni Maam ang mga katauhan ng lahat, maliban sakin. Naguguluhan na ako dahil lahat sila ay alam na ang magiging tauhan nila, pero ako hindi pa. Siguro magiging taong puno nalang talaga ako. Nagtataka naman si Xiya na bestfriend ko kung bakit hindi pa ako tinawag.

"At ang huli, ang ating Maria clara ay si Lara."

Napanganga ako sa anunsyo ni Ma'am, binabangga naman ni Xiya ang braso ko dahil sa narinig, parang tanga.

"Omg! Sana all!"

"Sino yung Crisostomo Ibarra, Ma'am?" isa naming ka-klase, tumahimik ang lahat dahil gustong malaman kung sino ang makakapartner ko sa dula.

Ngumiti si maam at tumango. "Pasok."

Napatingin kami lahat sa pintuan at iniluwal doon si Janry. Napatingin din sa'kin si Xiya na animo'y nagulat sa nakita---ako rin ay hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Si Janry ay ang long time Crush ni Xiya, baliw na baliw siya nito kahit di naman siya pinapansin. Parang nanliligaw na nga si Xiya dahil sa parating ginagawa niya kay Janry, ultimo bulaklak ay bininigyan niya ito. Talagang gustong-gusto niya.

"Si Janry Villaforte ang inyong magiging Crisostomo Ibarra at si Lara Sanches ang magiging Maria Clara ninyo."

Nagsimula ang lahat sa pag anunsyo ng aming guro na hindi ko man kailanman na inaasahan.

"Guys practice na tayo oh." kamot batok na anunsyo ng aming lider.

Tumango naman ang lahat at kanya-kanyang bumalik sa kanilang pwesto---kasama na din kaming dalawa ni Janry.

Nasa harapan ko si Janry ngayon habang naka ngiti ng malapad, kumikinang ang mga mata at sobrang maginoo sa kanyang tindig.

Hindi ko masisi kung bakit gustong-gusto ni Xiya si Janry. Parang nasa lahat na ng panlabas na anyo ni Janry ay perpekto na. Mula sa makapal nitong kilay, mahahabang pilik-mata, mapupungay na mata, matangos na ilong at ang labi nitong nakakahanga.

Sumenyas na ang aming lider para kami'y magsisimula na. Umayos na kaagad ako sa pagtayo.

"Lagi mo ba akong naalala o sadyang naging makakalimutin ka na dahil sa mga magagandang dilag na nakikita mo sa iyong paglalakbay?" sabi ko habang dala-dala ang aking pamaypay.

Explore The RealityWhere stories live. Discover now