Flower scent

3 0 0
                                    

Koi

As usual, madilim padin dito sa lugar ko. Halos walang makikita. Tanging ang maliit na perlas lang na nakasabit sa itaas na sulok ng higaan ko ang nagbibigay ng kakaunting liwanag sa buong silid. Pero sanay na ako. Simula bata palang ako nandito na ako, nakakulong. Ayaw ng mga diwata dito sakin. Kasi pangit ako, hindi ako mukhang isda. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin, bakit ako naging ganito? Isda din naman ako pero bakit ako naiiba sa kanila?

Huminga ako ng malalim. Bakit ko ba iniisip pa ulit itong mga bagay na to? Para namang may magbabago. Napailing nalang ako.

Kukunin ko sana muli ako instrumento na tinutugtog ko na tanging kasangga ko sa kalungkutan ko dito sa pinaka ilalim ng karagatan ng biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko.

Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula doon. Ang isang kawal na diwata ay may tinulak sa loob ng aking silid.

"O dyan ka, kasama mo pangit. Mamatay ka na sana sa takot. Dapat lang yan sa mga katulad mong magnanakaw" sabi ng kawal na diwata bago sinarang pabagsak ang pinto at kinandado muli

Madilim naman kaya hindi na ako nag apurang kunin ang maskara at itago ang mukha ko. Unti unti akong lumapit sa diwata na tila hinang hina pa sa pagkaka tulak sa kanya.

Nasa sahig sya. Hindi ko alam kung ano ba talaga sya, kaya tinulak ko ng aking paanan ang katawan nya ng dahan dahan. Nung una hindi sya kumikibo pero nung muli ko siyang itulak bigla syang napalayo, mukhang takot na takot

"L-lumayo ka sakin. Kundi.."

Napailing nalang ako. Isang babaeng diwata. Mukhang hindi namin kauri base pigura. At sa amoy? Hindi sya amoy dagat o isda. Ngayon lang ako naka amoy ng ganitong klaseng halimuyak

"Hindi naman kita sasaktan, pero may gusto lang akong-"

"AHHHHHHH!!! BASTOS MANYAK! HINDI MO KO MAKUKUHA, MAMATAY KA NA PANGIT! ANG PAPANGIT NYO AHHHHH!!!"

Ang sakit sa tenga, sigaw sya ng sigaw. Oo alam ko pangit ako pero hindi ako manyak o bastos

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan, kumalma ka!"

"AAAAH!!! SUBUKAN MONG LUMAPIT AT TATANGGALAN KITA NG HASANG SAKA NG, NG, KALISKIS!! GUSTO MO YON?"

"Kumalma ka, ang gusto ko lang naman talaga eh malaman kung ano ka at saan ka galing, hindi ka amoy isda"

Natigilan sya sa sinabi ko. Sa wakas! Ang sakit sa tenga. Akala ko dudugo na yung tenga ko sa lakas ng sigaw nya. Sanay ako ng tahimik.

Maya maya napansin ko na unti unti na syang tumatayo sa kinaroroonan nya. At dahan dahang lumalakad papalapit sakin

Napalunok ako. Bakit parang ako na yung kinakabahan sa kanya. Lumingon ako sa paligid ko para tignan kung nasaan ang maskara ko. Baka kasi makita nya pa yung mukha ko, lalo syang matakot. Baka dito pa sya tuluyang mamatay dahil sa takot

Napaatras ako pero tumigil naman sya sa paglalakad. Saka sya muling nagsalita

"Ahh, hindi ako isda. Wag ka mabibigla pero, galing ako sa kaharian ng mga bulaklak"

Ahh, kaya pala ganun yung amoy nya. Hindi ako sanay pero, mukhang kanais nais naman. Tipong medyo hahanap hanapin mo

"Ganun ba, paano ka napadpad dito? At bakit ka nila pinatapon dito"

Narinig ko syang huminga ng malalim bago muling nagsalit

"Nanakawin ko yung coral nyo"

"C-coral? Para lang sa coral? Anong coral ba yun?"

"Hindi ordinayong coral nyo syempre, yung magic coral nyo. Kailangan ko kasi. Edi ba hindi magkasundo yung kaharian natin"

Hindi ko alam yun. Nakakulong lang kasi ako dito. At hindi ko din alam yung magic coral na yon. Pero kunwari alam ko nalang

"Ahh. Ayun ba? Eh saan mo ba gagamitin yun?"

Naging komportable na siguro sya dahil unti unti nanaman syang lumalakad papalapit. Agad naman ako humakbang palayo sa kanya. Mahirap na, makita nya kapangitan ko

"Basta kailangan ko talaga yun. Hindi naman para sa basta basta lang"

Mukhang kailangan na kailangan nya nga yon. Kasi bakit naman nya nanakawin yon kung alam nyang delikado para sa kanya yung gagawin nya?

Tuluyan na akong lumakad palayo sa pigura nya. Umupo ako sa paanan ng higaan ko at tinignan ko sya mula sa malaking coral na ngayon ay inuupuan na nya, maikli lang ang distansya namin

Napahinga nanaman sya ng malalim. Mukhang malaki ang pinagdadaanan nya, malas nya nakulong pa sya dito

"Kung sasabihin mo sa kin kung para saan mo gagamitin yon, tutulungan kita"

Gumamela

Sa totoo lang mukha naman mabait tong isda na to. Ganto siguro sa kaharian ng mga isda. Kung sino yung mga mababait yun yung kinukulong. Kawawa naman sya ang dilim dito

Haaay. Kung totoo nga na tutulungan nya ako, sana naman makuha ko na kaagad ang magic coral. Bago pa mahuli ang lahat

Napatingin ako sa kanya. Ang dilim, hindi ko sya makita ng maayos. Pero ayos lang kesa naman mamatay ako sa takot. Sabi kasi nung isda na kawal na nagtapon sakin dito sya daw yung pinaka pangit na nilalang dito.

Pero nakakapag taka lang ha

"Hm di ka amoy isda"

Tila natigilan sya sa sinabi ko. Pero hindi naman sya talaga amoy malansa? O nasanay nalang ako dahil nasa malansang lugar ako?

Nakaramdam ako ng lungkot sa paghinga nya ng malalim. Hala ang lungkot talaga siguro ng buhay nya

"Gumamela pala pangalan ko, pero Mela nalang" ngumiti ako kahit alam ko naman na hindi nya nakikita tong ngiti ko

"Koi" sagot nya

"Koi? Yun na yung pangalan mo?"

Ang haba ng pangalan ko mukhang pinagisipan talaga tapos yung kanya ang ikli. Kawawa nga to, malungkot buhay.

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon