Coral

7 0 0
                                    

Gumamela

"Ma! Wag muna, kapit ka lang okay?" Sabi ko kay mama, habang nakakapit ako ng mahigpit sa kamay nya.

May sakit sya, kaya takot na takot ako. Paano kung hindi na sya gumaling? Paano kung bigla nalang syang mawala? Paano ako? Paano yung buong kaharian? Sya yung reyna dito. At pag nawala sya, ako na yung papalit para pamunuan itong buong kaharian. Anong alam ko dun, ang bata ko pa?

Pinitik ni mama ang noo ko gamit ang magic. Alam ko na alam na nya ang iniisip ko. Hinila niya ang kamay nya mula sa maghipit kong pagkakahawak at huminga ng malalim bago umiling uling.

"Hindi pa ako mamamatay, lalo na kung makakainom ako ng tamang lunas mula dito sa sakit na to"

"Nasubukan na natin lahat ng bulalak pang gamot dito sa kaharian natin. Kahit yung pinaka malakas, hindi ka pa rin gumaling, Ma please wag muna talaga" sagot ko habang umiiyak padin

Bigla naman sumagot ang isa sa pinaka pinagkakatiwalaan ni mama na tao nya dito sa kahiraan namin, si chief Rosal. "Mahal na reyna, mahal na prinsesa, tingin ko ay may isa pa tayong pwedeng subukan na lunas"

Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi ni chief Rosal. Isa pang maaring lunas? Bukod pa sa mga bulaklak na gamot dito sa aming kaharian? Ano pa kaya?

"Chief, ano yun? handa akong kunin kahit saang lupalop man yon ng mundo, para lang gumaling si mama"

Nagkatinginan si Mama at si chief Rosal, mukhang alam din ni mama kung ano yun. Sumagot si mama ng mahina

"Imposible, matagal ng sira ang relasyon ng dalawang kaharian. Hindi natin iyong mahihingi sa kanila lalo na at ang coral na yon ay isang malaking kayamanan ng kaharian nila"

Coral? Sa kaharian ng mga isda?

"Pero mahal na reyna..."

"Hindi!! Walang kukuha. Hindi maganda ang naging samahan ng kaharian ng mga isda at ang kaharian ng bulaklak. Makakahanap pa tayo ng ibang lunas"

Pero kung hindi pa kami makakakuha ng lunas ngayon baka maging huli na ang lahat.

"Ma, ako! Kaya ko. Kahit gaano man kahirap yan kukunin ko yan para gumaling ka na mama.."

"Mahal na prinsesa hindi ganun kadali yon-"

"Hindi! Para kay mama! At para sa kaharian natin, kakayanin ko kunin yon" sinabi ko ng may diin. Kaya ko to, prinsesa ako ng kaharian ng mga bulaklak.

Umalis na ako sa kwarto ni mama kaagad bago pa ako pigilan ni chief Rosal at ang iba pang diwata dito.

Coral? sa kaharian ng mga isda? Ughh, iniisip ko palang na makikita ko sila, nasusuka na ako. Hindi pa ako nakarating sa kaharian nila at hindi pa ako nakakita ng isa sa mga diwata nila dahil sa naging alitan sa pagitan ng kaharian namin at kaharian nila pero balita ko pangit daw sila. Kaya kaya? Pero para kay mama at sa buong kaharian namin kakayanin ko.

Behind The MaskWhere stories live. Discover now