Chapter Twenty-Four

Start from the beginning
                                        

“Hindi ko rin alam na ginamit pala ito ng Lolo Oliver mo, binuksan niya ang lahat ng kamera bago kami umalis dito papuntang States.”

Napabuga si Lolo ng hangin, at umiling-iling na parang hindi makapaniwala na nagawa iyon ni Lolo Oliver. Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagminamarkahan ang mga kamera. Pilit kong nirehistro sa aking isipan.

“Hindi ko alam na mino-monitor niya kayo rito. Kaya pala kahit sa States kami ay nakangisi siya. Hindi ko alam kung sino ang binilinan niya. There are eighty-four cameras inside the mansion, six cameras outside the mansion, and seven cameras at the secret place–underground. Total of ninety-seven cameras in this mansion we built. I don’t know if he add more cameras.”

Ninety-seven cameras? Nanginginig ang labi kong tinakpan ng aking kamay. Nakakagulat at nakakamangha.

Seryoso si Lolo sa pagmarka. Seryoso siya sa lahat ng kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala dahil nagawa ni Lolo Oliver na i-monitor kami rito habang siya ay nasa ibang bansa. Ang katanungan ng aking isip ay kung sino ang nag-operate sa mahabang panahon. Sino ang katuwang ni Lolo Oliver?

Kinakabahan ako. Ang pintig ng puso ko hindi na kayang pakalmahin. Napabuga ako ng hangin para maibsan ang kaba ko pero parang mas lalong nagdagdagan.

Binigay agad ni Lolo nang matapos niya nang markahan. Sinuri ko agad iyon at tinandaan.

“Salamat, Lolo,” tipid kong pagpasalamat.

Ngumiti lang si Lolo Alessandro sa akin pero nawala agad ang ngiti sa labi. “Samahan kita, apo. Tulung--”

“Stay here, Lolo. Babalikan kita kung maisalba ko na ang buhay ng lahat na nandito sa mansion.” I cut his sentence. Ayaw ko siya ay madamay.

Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap. “Lolo, I know, your best friend won’t harm you. He will threaten you but he can’t harm you. Alam kong may kabutihan pang natira sa puso ni Lolo Oliver,” bulong ko bago kumalas sa pagkakayakap.

“Apo, sasamahan na lang kita. Ayaw ko–”

“No, Lolo. Please, stay here. Alam kong safe ka rito.”

Walang magawa si Lolo Alessandro kundi tumango na lamang. Alam kong safe siya sa garden dahil ang garden na ito ay may daan papuntang kwarto ni Lolo Alessandro. There’s a secret passageway here.

“Mag-ingat ka, apo.” Huminga siya nang malalim. Tinapik niya ko sa balikat. Alam kong napipilitan lang siyang pumayag. “Apo, don’t trigger the madness of your Lolo Oliver. You’re not a hero, you’re my granddaughter. I can’t afford to lose you. Take this book of mine, you can cast a spell anytime. Remember what I’ve taught about our powers as a witch.”

‘Salamat, Lolo.” Tinanggap ko agad ang maliit na libro ni Lolo Alessandro na puno ng spells. Tumango ako at nagpaalam na sa kanya.

Mabilis akong pumasok sa loob ng mansion. Dumaan ako sa bahaging walang kamera. Hindi ako nahirapang iwasan ang kamera dahil maraming malalaking haligi na taguan at alam ko naman kung saan nakalagay ang mga hidden kamera.

I can’t believe that they installed many hidden cameras inside and outside our mansion. Kaya pala ayaw na ayaw ko sa mansion na ito. Hindi ko talaga gusto ang tumira sa mansion na ito. Sa palagay ko kasi may nakatagong sekreto sa mansion. I just sense it. Tama nga pala ako, maraming sekreto.

May sariling bahay kami sa labas ng siyudad ng Lesbanya. Napagitnaan ang lugar ng Lesbanya at Bundok ng Lebanese. Small town but I love the ambiance there, normal at mga masayahin ang mga naninirahan doon. Nakuntento na sila kung anong mayroon sila. Kami nga ang pinakamayaman doon pero pantay-pantay lang ang pagtrato namin sa aming kapwa. Palagi namin silang tinutulungan. Ang lupaing iyon ay pagmamay-ari ng pamilya ni Mommy. Pinamana iyon ni Lolo Alessandro sa ina ko.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now