Napalayo naman ako kay Lolo. “No, Lolo! No, hinding-hindi ko siya susundin. Teka, paano nalaman ni Lolo Oliver na tinulungan ko si Lanz?”

“May nakatagong kamera sa bawat sulok ng mansion.”

Napasinghap naman ako sa aking nalaman. Hindi maaari, sina Lanz, Daddy at Farah. They are in trouble. Doble ang kaba na nadarama ko. Bakit hindi ko alam na may nakatagong kamera sa bawat sulok? Gano’n na ba ako kaignorante?

“E-Even here, Lolo?” I nervously asked.

Nanlamig ako nang tumango si Lolo Sandro. Napalinga-linga naman ako para hanapin ang kamerang sinasabi ni Lolo Sandro.

Hinila ako ni Lolo sa kanang bahagi. “Pero sa bawat silid natin ay walang kamera…” bulong ni Lolo sa akin na ika-hinga ko ng maluwag. “Do you see that water fountain?” Tinuro ni Lolo ang fountain ng garden.

“There’s a camera installed at the top of that fountain. Kita ang buong garden. Pero sa ating kinatatayuan ngayon ay hindi na maabot dahil may nakaharang na isang malaki at mataas na munumento.”

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Lolo Alessandro. Paano nangyari iyon? Habang nasa States pala sila ay may naka-monitor na mga kamera sa galaw namin? Nasaan ang Monitor Room? Maraming tanong agad ang bumuo sa isip ko.

“Nasaan ang monitor room, Lolo? I know you have an idea about this. Kayo ni Lolo Oliver ang nagpatayo ng mansion na ito.”

“I know it, but I guess Oliver changed the location of the monitor room and added more secret passageways without telling me. I’m sorry I don’t have a clue where the monitor room’s location is. However, I have a gut feeling that there’s something in his room. Just check it out.”

Napakuyom ang kamao ko. Napakasama ni Lolo Oliver. Alam kong mahirap siyang kalabanin pero labanan ko siya. I will fight him to protect the love of my life. Hindi ko hahayaang masaktan ang mahal ko sa buhay.

“Lolo, I need your help. Turuan mo ako kung saan ang mga hidden camera nakalagay.”

Kinuha ko sa purse ko ang isa pang blueprint ng bahay. Nakatupi ito ng maraming beses para mailagay ko sa purse ko. I have a lot of copies, just in case. I am an adventurer. I need to be wise in my every move. Dapat laging handa.

My father taught me about this. Dapat kaya mong lusutan ang butas kahit gaano pa ito kaliit. You need to be smart in every move or decision you make, so, you won’t regret it later.

Hindi nagulat si Lolo sa aking binigay na blueprint. Bagkus ay namangha pa ito.

“Kahanga-hanga ka talaga, apo. You’re clever, manang-mana ka sa iyong ina sa pagguhit ng mga litrato, mas lalo na sa akin. Ang galing mong gumuhit. Kuhang-kuha mo ang detalye ng orihinal na blueprint maliban lang sa silid ng iyong Lolo Oliver.”

“Thank you, Lolo. Hindi ko masyadong napasukan ang silid ni Lolo Oliver. Hindi rin detalyado ang silid ni Lolo Oliver sa orihinal na blueprint. However, we need to hurry, Lolo. Nanganganib ang buhay nila. Sige na, Lolo. Markahan mo na kung saan ang mga nakatagong camera.”

Tumango-tango naman si Lolo. Nagulat ako ng may kinuha siya sa kanyang tungkod. Isang stick na parang chalk pero kulay itim. Sinimulan niya nang markahan ang bawat sulok.

Sa entrance ng pinto, sa isang malaking family picture namin na nasa sala, sa entrance ng bawat hagdanan kada palapag, sa bawat malaking haligi ng hallway ng bawat palapag, sa terasa, sa tatlong kusina, sa bawat pinto ng silid namin, at marami pang iba. Namangha ako dahil maraming kamera ang nakalagay sa mansion. Grabe ang utak ng mga Lolo ko.

“Ang mga kamerang ito ay ginagamit lang kung may panganib na maganap. Kung kaaway ang pumasok sa bahay na ito, hindi na makakalabas ng buhay. This mansion has a lot of traps too. Kung sinong kalaban ang ma-scan ng hidden camera, magbukas nang kusa ang mga traps na nakatago para paslangin ang nanloob,” seryosong wika ni Lolo Oliver. I saw how he curved his lips. That was a creepy smile.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя