DISE OTSO

259 14 4
                                    

"Tsk. Heto na naman sila.." bulong ni Seidi nang mabungaran namin ang tambak na hugasin sa lababo at walang presensiya nang mga kasamahan namin dito sa kusina. Kami pa naman ang huling kumakain kasi sa amin daw naka-toka ang hugasan.

Napabuntong-hininga ako.

Isang buwan na ang lumipas mag-mula nang maging pack member na ako ng Le'Clos Pack. Wala namang pagba-bagong naganap dahil kahit na-suspende pa si Gael noon at ang mga kaibigan niya, mas lalo pang dumami ang pumalit sa kaniya.

Of course, kakampihan nila ang totoong ka-pack nila, at hindi ang gaya kong living taboo sa buhay nila. Ang simpatiya ng lahat ay nasa kanila, kahit na sila ang may mali, na parang sila pa ang agrabiyado rito.

Balak ko na sanang ipa-lift ang punishment kay Lady Katalin para matigil na ang gulo kaso pinigilan ako ni Seidi. Sabi niya, mas mabuti pa raw na hayaan ko lang ang punishment para matuto ang mga ito. Hindi naman daw sila bibigyan ng parusa kung gusto lang silang pahirapan ni Lady Katalin. Na hindi ko raw kailangang makonsensiya dahil 'di hamak na sila naman ang may mali. I even deserve an apology pa nga raw.

Kaya dahil sa sinabi niya, nag-back out na lang ako sa balak ko. Naisip ko kasi na tama naman siya. Kapag pina-lift ko ang ban, baka isipin nang iba na napaka-dali kong makonsensiya at mamimihasa na sila.

Mahirap kasi, mas dinadagdagan nang iba pa naming katrabaho ang dapat sakto lang na gawain namin ni Seidi. Kung hindi nila kami tinutulungang mag-linis ng banyo at nang kusina, i-iwanan lang nila kami kapag sinabi ni Myem o ni Lady Katalin na kailangang may kasama kaming mag-buhat ng ganito at ganiyan.

A month of agony. A month of annoyance. Nakaka-frustrate ang ginagawa nilang pagpapa-hirap sa amin ni Seidi pero hindi ko na magawang mag-sumbong pa kay Lady Katalin. Naisip ko kasi na tama na ang ganito na lang na sitwasyon. Baka mas mas tumindi pa kapag nag-sabi pa ako.

Isa pa, si Seidi lagi ang taga-voice out ng reklamo kong hindi ko kayang sabihin ng harap-harapan sa mga ito. I really felt bad about out, pero ayos lang naman daw sa kaniya. Ugali niya raw talagang mag-reklamo. LOL.

Ilang beses rin akong binisita ni Tita Ophelia at Noah dito para i-check ang lagay ko, which added to the fuel here. Wala naman akong magawa kasi ayoko naman silang pigilan dahil baka maka-abot sa kanila ang problema.

"Argh, at talagang hindi pa sila nakuntento sa dami nito? At talagang dinumihan pa nila 'tong kusina!" iritableng puna ni Seidi nang makapasok na kami at makitang medyo basa ang sahig at may mga putik-putik pa. Paniguradong nilabas na naman nila ang mga tsinelas nila at sinadyang putikan at gamitin na naman sa ganitong kalokohan.

Tanghaling-tapat pa naman. Balak ko pa naman sanang matulog dahil nananakit ang katawan ko.

Ang kuwarto ko ay ang guest room pa rin na ipinagamit sa akin dahil wala namang Maid's Quarter dito.

"Ako na lang ulit ang magma-mop.." ani ko sabay kuha na ng mop sa cabinet. May kalakihan pa naman ang kusina kaya ang hirap-hirap nitong i-mop. Padabog na tinungo ni Seidi ang lababo at napasinghal siya nang makita ang lagay ng mga plato.

"Argh! Akala ko namamalik-mata lang ako, pero hindi pala! Those damn bitches! Talagang nilagyan na naman nila ng sebo ang mga plato!" Nanggi-gigil niyang binuksan ang gripo at naka-halukipkip na nilingon ang direksyon ko. "Kapag ako talaga na-puno sa kanila!"

Umiling ako at nag-mop na, "Hindi ka pa ba napupuno?"

She exaggeratedly flips her shouldered length hair. "Nagpi-pigil lang ako dahil sa request mo!"

"'E sabi mo huwag ko nang i-lift ang ban, ah?"

"Oo, pero hindi ko sinabing hindi ka puwedeng mag-sumbong kay Lady Katalin!" Napanguso ako.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Where stories live. Discover now