SINGKO

327 18 4
                                    

My whole body feels like floating somewhere and heavy. Para akong naduduwal sa bigat ng pakiramdam ko ngayon.

I feel suffocated. I feel awful. Na para bang ilang bundok ang inakyat ko at parang bugbog sirado ang katawan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kadiliman ang bumungad sa akin.

Pero malinaw kong naaaninag ang fresco design ng kisame. Ilang beses pa ako nagpapikit-pikit para makumpirma ang nakikita ako.

Mapapabalikwas na sana ako nang mapagtanto ko na hindi ganito kaluma ang desensyo ng aking kuwarto nang bigla kong maramdaman ang sakit na biglaang gumapang sa buo kong katawan.

Napahiyaw ako dahil sa bigla. Ilang beses na rin akong nagmantra ng mura sa isip ko dahil doon.

"Argh.." hindi ko na alam kung saan ba ako dapat mag-panic. Sa kalagayan ko ngayon o sa lugar ba na pinagpapahingahan ko ngayon.

Akala ko ay patay na ako.

Akala ko ay katapusan ko na. What had happened was still vivid to me. The cold pair of eyes of my father was still lingering in my memory. Kahit iyong pag-bagsak ng katawan ko ay parang ramdam ko pa rin.

Nanginig agad ako sa takot nang maalala ko iyon. Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil sa pinag-gagagawa ko.

I even risked my life to save an Alpha! An unknown Alpha for Pete's sake!

My goodness, Nai! Nahihibang ka na!

Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa ang pigura ng isang babaeng nasa 40's na.

Ang seryoso niyang mukha ay biglang sumilay nang mag-tama ang mga mata namin. She rushed towards my bed while beaming a relieved smile, "Miss!" anito sabay hawak sa dalawang palad ko.

"Miss! Gising ka na ba talaga? Hindi ba ito panaginip?"

Napa kunot-noo ako dahil sa sinabi niya.

"Who are you? Where I am?" Kalmado lang ang pagkatanong ko kahit na sa kaloob-looban ko ay parang sasabog na ako sa dami nang tanong ko.

Binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti pagkatapos ay dahan-dahan niyang hinawakan ang dalawang palad ko.

"Miss, 'wag kang matakot. Ligtas ka rito. Sandali lang at kukunan kita ng pagkain."

Bago pa tuluyang humiwalay ang kamay niya sa akin ay mabilis ko iyong hinigit at mahigpit na hinawakan, "Bakit ganiyan ang tono ng pananalita mo? Ilang araw na akong nakahilata dito?" mariin kong tanong sa kaniya.

Dahan-dahan na kasi akong ginagapangan ng kaba dahil sa salita niya. My question sounds so rude to her but I can help it. I have my own anxiety attack.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Where stories live. Discover now