DOS

443 22 0
                                    

Buong gabi akong gising at inilasta lahat ng posibleng paraan kung papaano ko mapipigilan ang binabalak ng aking ama sa pack na magpeperform ng Gift-giving ritual sa Eden's Garden.

Napapasapo na lang ako sa aking noo kapag iniisip ko pa rin ang pinaka-gagawin ko mamaya. At iyon ay ako na mismo ang pupunta sa Eden's Garden bago pa makapunta doon ang aking ama. Ako na mismo ang magbibigay ng babala sa Alpha ng pack na 'yon.

Ang problema, hindi pa ako nakakakita ng werewolf sa buong buhay ko! Ni hindi ko nga alam ang mga packs na nandito sa South Coste dahil nga sa ayaw akong i-expose ng aking ama sa mga supernatural beings lalo na sa werewolves. Although, patago akong nanghihiram ng libro kay Magdalene para makakuha ng mga reference patungkol sa kanila.

I heavily sighed. Argh! Hindi ko rin alam kung papaano pumunta sa Eden's Garden at hindi ko rin alam kung sino iyong Alpha ng pack na aatakihin nila.

Napayuko na lang ako sa study table ko habang iniisip iyong mga problemang iyon. Ang alam ko lang, base na rin sa mga nabasa ko, Alphas are so intimidating. Pagkakita mo pa lang sa kanila, alam mo na agad na mataas ang ranggo na kinalalagyan nila. And to think that their aura is so powerful.

I sighed again. How can they even do that?

Maaga pa man ding umalis ang aking ama papuntang Deur, ang main house nilang mga Hunters. Paniguradong nagreready na sila para sa gagawin nilang Hunting.

"Lady Rosenblad.." napasimangot na ako nang marinig ko na ang boses ni Madame Silvia sa labas ng aking kuwarto.

Siya pa pala ang problema ko. Ang lessons na itetake ko aa kaniya ngayon ay aabutin ng hapon! Papaano ko tuloy maasikaso iyong mga problema ko pang iba! Paano ko malalaman iyong daan papuntang Eden's Garden kung nandito siya?

"Arghh.." Bakit kasi pati college degree ko gustong ihome-school ng aking ama? Gusto niya pa akong gawing doktor! Edi mas mawawalan ako ng kredibilidad dahil sa ginagawa niya? Gusto niya akong ipadala sa Easterning kapag natapos ako! Tsk. E simpleng mga lugar at ruta pa nga lang dito sa South Coste wala na akong kaalam-alam e!

"Lady Rosenblad.." ulit ni Madame Silvia sa tawag niya pero ngayon ay may halong diin na, senyales na hindi na siya natutuwa.

"Tsk.."

Mabilis na akong tumayo sa upuan ko at mabilisang tiningnan ang sarili sa salamin kung mukha na ba akong presintable. Nang masipat ko na ayos naman ang itsura ko ay agad ko nang binuksan ang pinto at pilit na binigyan ng magiliw na ngiti si Madame.

"Lady Rosenblad, ilang beses ko bang dapat ipaalala sa 'yo na dapat ay isang tawag pa lang sa 'yo ay kailangang sumagot ka na. You're behaviour is not suited for a Lady like you, do you understand? That's not even a proper attitude of a Lady, for goodness sake!" singhal niya sabay ayos ng eyeglasses niya. That's her mannerism whenever she is pissed.

As usual, she wear her favorite long-tailored formal dress. Madame Silvia Debrio is the most trusted person of my father when it comes to my education. Madame Silvia is a retired yet still a famous doctor in town. No wonder why my father is too obsess about my studies. Balak niya ata akong isunod sa yapak ni Madame dahil alam niyang may potensyal ako. Tsk.

Madali ko agad na sinirado ang pinto ng kuwarto at mataman na tumungo ng bahagya sa kaniya. "I'm so sorry, Madame. I'll take note of that from now on.."

"Hmph!" naglakad na siya patungo sa study room naming dalawa.

Palihim akong napakagat-labi dahil sa frustration. Argh!!

Father is really at fault here! I don't even want myself to raise as a proper Lady of this house! For goodness sake, hindi niya nga mapagamit-gamit sa akin ang apelyido niya yet he wants me to play as a nice, sweet and modest daughter of him? And then what? Marry his right hand man's son? Tsk.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Where stories live. Discover now