OTSO

290 15 3
                                    

Nakatulala ako sa kisame ng aking kuwarto habang patuloy na nilalangoy ng aking isip ang kahihiyang naganap noong nakaraang linggo.

Hindi ko pa ring maiwasang mainis sa aking sarili dahil sa pinaggagagawa ko.

Una, hindi dapat ako nag-padala sa bugso ng nararamdaman ko. Dapat nananitili akong kalmado kahit na ano pa ang ibatong insulto sa akin ng Alpha na iyon. Kung tutuusin, di hamak na mas nakakainsulto pa nga ang ginagawang pag-papaikot ng aking ama sa buhay ko kahit na alam kong may karapatan ako.

Sa sitwasyon ko ngayon, wala na talaga akong pag-pipilian. Oo, inaamin ko na sa sarili ko na totoo naman lahat ng ibinato niya sa akin. Ganoon naman talaga kapag totoo, masakit. My fate is now twisted, changed, cheated. Kung hindi pa dahil sa 'utang na loob' kuno niya sa akin, hindi ako mag-kakaroon ng panibagong tiyansang mag-simula.

Okay. That reason was a resolved.

Pangalawa, I shouldn't let my guard down from the very start. Hindi ko naman ugaling basta-basta na lang sisinghal kapag tinahulan ako. That's so very unlikely of me. I hate to admit the fact but just because of his damn marvelousness, I slipped my nerves. I pushed the button. Kung gaano kahaba ang pasensiyang inilaan ko para itolerate noon lahat ng kahangalan ni Ernst patungkol sa 'amin', ay siya namang hindi ko nailagay sa sitwasyon noon.

Sabagay, hindi ko naman kasi inaasahan ang nangyari. Natikman ko na ang tabil ng dila niya noong una pa lang pero hindi ko man lang naisip na may itatabil pa pala iyon. So I'm still expecting some good in him, huh?

Nakakainis lang isipin na marami naman akong pupuwedeng isagot pabalik noon sa mga ibinato niyang tanong at attitude pero ngayon lang napasok lahat ng iyon. One week delayed.

Still my bad, huh?

Pangatlo, ang pinaka hindi ko makakalimutang kahihiyan sa lahat ay ang umiyak sa harap ng isang taong dalawang beses ko pa lang nakikita at dalawang beses pa lang sinubukang hilaan ang pasensiya ko pero napaiyak na niya agad ako! At sa kaniya pa napunta ang panalo.

Kung ikukumpara naman ang panlalait niya sa akin, di hamak na nakakaiyak pa ang mga natanggap ko noon mula sa dila ng aking ama! Worst. Kapag babalikan ko kung papaano ako lumabas habang pinipigilan ang panibagong buhos ng luha sa aking mga mata, at ang pag-aalalang gumuhit sa mukha ni Myem nang makita na ako ay nakakapanindig-balahibong kahihiyan!

Hindi naman ako sensitive na tao. Ni wala nga akong pakialam sa sinasabi ng iba patungkol sa 'kin at sa kung papaano ako pagalawin ng aking ama. Tapos.. tapos sa ganoong pangyayari lang ako lalayasan ng aking dignidad?

Argh! Frustratingly worst!

Mabuti na lang at walang natao sa palapag ng kuwartong kinalalagyan ko. Kung nag-kataon na hindi lang si Myem ang nakakita sa akin, baka matatagalan pa ako sa pag-iisip nito at pag-tanggap sa nangyari.

Matapos ng meeting namin, wala na ako ulit natanggap na kahit anong patawag galing sa Alpha na iyon.

Claudius Arkin Le'Clous

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Where stories live. Discover now