"Janisse." I warned him. Instead of fearing me sumilay pa ang napakalaking ngisi sa kanyang mukha.

"Daddy, crush niyo po ba ang dada ko? Yieeeeeee." Sinundot-sundot pa nito ang tagiliran ko. I stopped his hands by grabbing it bago siya itinaas mula sa sahig at pinaupo sa kandungan ko.

I looked at him and gave him a smirk.
"DADDYYYY! HAHAHAHAHAHAH!"
Napuno ng tili at tawa nito ang buong sala matapos ko itong kilitiin.

"DADDY! STOP NA! HAHAHA! YOU WIN NA PO! HAHAHA!" Itinigil ko na ang pangingiliti dito ng makitang unti-unti na siyang namumula.

And I didn't notice that I was laughing and smiling along with him until I heard my own laugh. It's been a long time since I laughed like this. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling tumawa.

"Are you going to tell me or not?" Ang taas kilay kong tanong dito at umaktong kikilitiin ito ulit.

"HAHAHA! Opo, daddy. Wag niyo lang po ako kilitiin ulit. HAHAHA! Si kuya na lang po." I gave him a nod before putting him down. Pinainom ko rin muna ito ng tubig.

"Jaiden, come here." pagtawag ko sa atensyon nito. Nakatutok na naman kasi ito sa tablet niya. He stood up from where he's seated withouy taking his eyes from tablet at naglakad papunta sa akin.

Kumuha ako ng tissue sa lamesa at pinunasan ang mukha nitong may sauce pa ng kinaing manok. "Your arms are fine." Itinaas nito ang paningin mula sa tablet at tiningnan ang braso kong nabaril dati.

"Not yet, but we'll get there." Looking at this kid, hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sa kanya.

And I'm thankful my grandfathers died before seeing my son. Dahil sigurado akong magkaka-interes sila dito. Ayokong lumaki ito sa kamay ng mga taong 'yon. Ayokong pagdaanan nito ang mga napagdaanan ko sa kamay ng mga taong 'yon.

"Mama likes to listen to k-pop, the weeknd, and Taylor Swift. He likes girl's shoes and sandals but afraid to buy it. He likes flowers. He loves cheesecake. He loves anything with vanilla. He loves pizza." Napangisi ako sa sinabi nito. But my smirk fell off with he said, "I don't like you for him, dad."

"And who do you like for him? Si Miggy? Si Jordan?"

"If they're going to make him happy and not make him cry like you do, then yes." Agad na nagkasalubong ang kilay ko sagot nito. He was staring at me with a a straight face.

"Yes, me too, daddy! Kapag nag-divorce na kayo ni dada i-help namin siya mag-choose ng bago niyang husband. Tapos hihingi ako ng baby sister at baby brother. Pero hindi ka po namin kakalimutan, daddy. Forever daddy ka pa rin namin kasi mabait ka na sa amin ngayon." Ang pagsingit ni Janisse sa usapan namin. Mas lalo lang nag-init ang ulo ko sa sagot nito.

Supportive pa talaga sila sa paghahanap ng bagong kalandian ni Denisse. At ano 'yon? Baby brother? Baby sister?! Just imagining Denisse rooting with another man makes me see red. Putangina.

"So you're telling me I can't do any of those?" Kahit ramdam ko ng napipikon ako ay pinakalma ko pa rin ang sarili ko.

"I did not say that, dad. Pero parang ganun na nga po." Ang sagot ni Jaiden.

"You really think I can't?" I don't know what got in me at nagkakaganito ako. Ang alam ko lang ay ayaw ko ang mga sagot nila.

"Yes po, daddy!" Ang sigaw ni Janisse.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon