Juls: *pabulong* Huy!

Naglakad si Mac papunta sa lugar ni Irene at Kean. Tumayo si Juls mula sa kinauupuan nya at sumunod ng nakaluhod kay Mac.

Nakangiting umupo si Mac sa likod nila Kean.

Mac: Uy! Irene! Long Time No See!

Lumingon patalikod si Kean, hindi gumalaw si Irene.

Naglakad si Juls at umupo sa may upuan sa likod ni Irene. Hindi nagsalita o umimik sila Juls at Irene.

Mac: So sabihin mo, sino tong lalaki na to. Kakilala mo?

Iniabot ni Kean ang kanyang kamay kay Mac.

Kean: Kean Maximo. Kayo?

Nakipagkamay si Mac.

Mac: Mac Arthur. Etong kasama ko si Julian Felipe.

Irene: *pabulong, pero nakatingin parin sa harap* Anong Julian Felipe...

Mac: Ha? Ms. Irene Fuentes, may problema po ba?

Kean: Statistics din po ba kukunin nyong dalawa?

Mac: Nung una, etong kasama kong si Julian Felipe lang mag s-statistics, pero parang gusto ko na rin.

Juls: Ha? Akala ko ba...

Lumingon si Irene paharap kay Mac.

Irene: *pabulong* Anong lilipat ka ng statistics? Wag!

Mac: Bakit? May magagawa ka ba?

Irene: Ano ba kasi kailangan niyo sa amin?

Mac: Ikaw.

Irene: Ha?

Mac: I mean, kailangan ka namin kausapin ni Julian Felipe dito.

Irene: Tigilan mo nga yang mga palayaw niyo. Wala tayong pag-uusapan.

Kean: Hindi Julian Felipe pangalan niya?

Mac: Meron. At hindi ka namin titigilan hangga't hindi ka nagtitino.

"SSSSSSSHHHHHH!"

Napaharap ang apat sa pinagmulan ng tunog na iyon. Pagkaharap nila ay nakita nilang nakalaagay ang daliri ng isang matandang babae sa kanyang labi, nakakunot ang mga noo at nakasibangot.

Irene: Wag niyo ako pakielaman, ako lang makaka-ayos ng problema ko.

Mac: Problema na damay kami lahat ng mga kasama mo.

Irene: Edi lumayo kayo sa akin.

Juls: Iyan naman ang hindi ko na papayagan Irene.

Mac: Ayan oh! Gusto daw ni Juls magka-ayos kayo.

Tumayo si Juls at hinawakan ang balikat ni Irene. Lumaban si Irene at nakawala siya sa kamay ni Juls. Hinawakan ulit ni Juls ang braso ni Irene at mas hinigpitan ang hawak.

Juls: Mag-uusap tayo. Ngayon na.

Napatigil si Irene, nakatingin sa mga mata ni Juls. Marahan siyang hinila ni Juls patayo, sumunod naman sya. Naglakad sila palabas ng kwarto, nakatingin sa kanila ang karamihan ng mga kabataan sa loob ng kwarto.

Balik kay Mac at Kean.

Humarap si Mac kay Kean, nagkatinginan sila.

Mac: So bro... Naghahanap ka ba ng dorm?





--------------------------------------------------

SCENE 21

Hila hila ni Juls sa braso si Irene habang naglalakad sila sa pasilyo ng gusali. May tao sa malayo ngunit hindi na nila pansin ang isa't isa.

Huminto sa paglalakad si Juls pagkaraan ng ilang sandali, humarap siya kay Irene. Nakita ni Juls ang namumuong takot sa mukha ni Irene.

Juls: Irene... aayusin natin to ngayon.

Irene: Anong aayusin? Wala tayong aayusin. Wala naman tayong problema diba?

Juls: Hindi problema sayo yung nararamdaman mo tuwing nagkikita tayo?

Irene: Ha? Anong... *tumingin pababa si Irene* sinasabi mo.

Nagbuntong hininga si Juls at pumikit.

Juls: Naaalala mo yung nangyari sa atin nung high school pa tayo?

Hindi umimik si Irene.

Juls: Akala mo ba nakalimutan ko na lahat ng iyon?

Pumikit din si Irene.

Irene: Please, wag natin pag-usapan yan.

Juls: Kailangan natin pag-usapan yon.

Irene: Please, lumayo ka na lang muna sa akin para walang problema.

Juls: Natatandaan mo ba yung sabi mo sa akin nun?

Irene: Alin?

Juls: Kapag bumaling yang sumpong mo na yan, may gagawin ako sayo.

Dumilat ulit si Irene, nagkatitigan sila ni Juls.

Irene: Alin?

Biglang sinampal ni Juls si Irene pakaliwa. Umalingawngaw sa paligid ang lakas ng sampal na iyon.

Lumaki ang mata ng lahat ng tao, si Irene, si Juls, pati ang mga kabataan sa pasilyo na iyon.Nakabukha ang bibig ni Irene habang namumula ang kanyang pisngi. Mabagal nyang nilagay ang kanyang palad sa namumula niyang pisngi.

Irene: A-anong...

Juls: Uhm... please, wag mo ulit akong hayaan na sampalin ka.

Irene: Hindi... seryoso, piling ko may dapat akong matandaan pero... hindi ko alam kung ano.Juls: Harap ka ulit sakin.

At sinampal nanaman ni Juls si Irene pa kanan.

Nagsimulang magbulungan ang ilang mga kabataan.

Juls: *buntong hininga* ...sorry talaga.

May tumutulong luha sa mga mata ni Irene.

Irene: S-sorry...

Juls: Ang kapal mo Irene. Mas gusto kita bilang kaibigan, wag kang lalagpas doon.

Mahinang humikbi si Irene. Pumikit siya at humarap ulit kay Juls.

Nung oras na iyon ay lumabas si Kean at Mac sa kwarto ng enrollment. Lumingon sya pakaliwa at pakanan upang hanapin si Irene. Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata sa makikita niya..

Irene: Sampalin mo ulit ako.

Iniangat ni Juls ang kanyang kamay.

Lumaki ang mata ni Kean.

Umalingawngaw ulit ang malakas ng sampal ni Juls sa mukha ni Irene.

Kean: GAGO KA!!!

Lumaki ang mata ni Juls nung makita nyang papatakbong lumalapit sa kanya si Kean, nakahanda at nakabuo ang mga kamao na tila ba nakadirekta sa kanyang mukha.

Tumalikod si Irene upang tingnan kung sino ang taong papalapit sa kanila.

Kean: SINO KA PARA MANAKIT NG BABAE!

Tumilampon si Juls mula sa suntok ni Kean na tumama sa kanyang kanang mata.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 02, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Until we're ready enoughNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ