Script 1 - 7

17 10 0
                                        

--------------------------------------------------

SCENE 20

Gran Central Park. Maraming kabataan ang nakapulong sa buong paligid ng lugar. Higit na mas marami kahapon. Marami sa mga taong iyon ay nakasuot ng asul na damit at puting bandana sa ulo. Marami sa kanila ang may hawak na placard, ang ilan ay may hawak pang litrato ng kung sino mang naka-barong at naka-saya.

Sa isang gawi ng pulo na ito ay naglalakad si Mac ng mabilis, nasa likod niya si Allen.

Allen: Mac! Hoy Mac! Anong nangyayare sayo? Iniiwasan mo ba si Gia?

Tumalikod si Mac ng mabilis, mejo nanlalaki ang kanyang mga mata at nakakagat ang mga ngipin. Hawak niya ang kanyang kanang kamao na nakalevel ngayon sa kanyang dibdib.

Mac: Ako? Nagpapanic? Hindi kaya! May naalala lang akong dapat puntahan.

Allen: Sino niloloko mo? Pinag-aalala mo lang kami nyan sa ginagawa mo Mac.

Mac: Bakit? May mali ba akong ginagawa?

Allen: Iyan! Sabi mo wala lang sayo yang pag-alis ni Gia

Mac: Wala lang nga, diba sabi ko--

Nakita niya na naglalakad si Gia patungo sa kanilang dalawa kaya't huminto sya sa pagsasalita at biglang tumalikod at naglakad ulit ng mabilis.

Gia: Mac! Sandali lang!

Mabilis na naglalakad si Mac ngunit nung narinig niya ang boses ni Gia ay unti unti itong bumagal at huminto. Ngunit hindi sya tumalikod.

Gia: Pwede ba tayo magusap?

Mac: Wala naman tayong pag-uusapan diba. Ok lang ang lahat.

Gia: Gusto ko sanang maniwala sa sinasabi mo pero... Mac... Akala ko...

Humarap si Mac kay Gia.

Mac: Maniwala ka sakin please, ok lang ako, wag mo ako intindihin. Naiintindihan ko yung dahilan kung bakit aalis ka, hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin.

Makikita mo sa mata ni Gia ang pag-alala. Nasa mata naman ni Mac ang kalungkutan na hindi nya maidala sa kanyang mga salita.

Gia: Ayaw mo bang umalis ako?

Tumahimik ang paligid. Pati yung mga tao na nakapaikot sa kanila na kanina pa nanonood. Walang gumagalaw. Si Mac ay nakatingin paibaba.

Mac: *sigh* Hindi ko alam. Hindi ko rin alam sa sarii ko.

Gia: Hindi ako tutuloy kung sasabihin mong ayaw mo.

Mac: Huwag.

Gia: Huwag?

Naupo si Mac, nakaapak parin ang kanyang mga paa.

Mac: Huwag mo akong isipin. Ituloy mo lang yung plano mo. *humarap si Mac kay Gia* Ayaw kong makaapekto sa mga pangarap saka plano mo sa buhay.

Gia: Pero bakit iba yung ginagawa mo? Akala mo ba ikaw lang nasasaktan?

Mac: *pabulong* Please wag...

Bumaling ng tingin si Mac, humarap pakaliwa at tinakpan ang kanyang mukha.

Gia: Hindi ko na nga alam kung ano ang nangyayari sa atin. Alam mo ba, nung mga nakaraan, akala ko hindi ka na interesado sa akin dahil ewan ko ba...

Patuloy na nagsasalita si Gia pero hindi na sya naririnig ni Mac. Tumitingin na lamang sya sa lahat ng tao sa paligid; nakapaikot at kinukulong silang dalawa, wala silang kawala dito.

Sa likod ni Gia ay may linya ng tao na para bang nawawala sa linya at gumagalaw. Malaunan ay nakapasok ang dito ang isang babae. Nung una ay hindi makita ni Mac ang mukha nito dahil para bang nagdidilim na ang kanyang paningin. Di malaunan ay nakilala nya ang damit nito.

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now