--------------------------------------------------
SCENE 19
Same place: Gran State U. Mga ilang minuto bago nakita si Irene nila Mac at Juls.
Naglalakad si Irene sa gitna ng mga puno ng unibersidad. May ilang tao sa paligid niya ngunit wala siyang kasama ngayon. May sukbit syang bag, nakalagay ang cellphone sa kamay at kasalukuyan syang nakaharap duto.
Irene: *pabulong* Hindi ba masyadong weird na hindi ko sila sinamahan?
Nakatingin si Irene sa kanyang cellphone nung para bang may papatakbo mula sa kanyang likod. Nilingon niya ito at may nakita syang isang lalaki na naka beanie, salamin at sweater.
Lalaki: Ate ate, pwede magtanong
Huminto sa paglalakad si Irene at hinarap ang lalaki.
Lalaki: Alam mo kung saan matatagpuan yung 'Policarpio Compound'?
Kumunot yung noo ni Irene.
Irene: Eh... bago lang kasi ako dito, kaya... di ko po alam kung saan yung sinasabi niyong building.
Lalaki: Saan po ba kayo pupunta?
Irene: Ako? Bakit?
Lalaki: Mag-aapply kasi ako sa BS Statistics, baka related yung course niyo sa akin, magkakalapit lang kasi yung related courses at buildings.
Irene: Uhm... Statistics din yung kukunin ko.
Lalaki: Talaga? Kung sakali pala eh magkaklase tayo eh!
Irene: Not necesarily magkaklase tayo, kanya kanya tayo ng schedules na kukunin.
Lalaki: Sus, ganun na rin yun.
Iniabot ng lalaki ang kanyang kamay kay Irene.
Lalaki: Ako nga pala si Kean Maximo.
Irene: Irene... Fuentes.
Iniabot din ni Irene ng mabagal ang kanyang kamay kay Kean. Naghandshake sila.Kean: Wala kang ibang kasama?
Irene: Uhm... busy... sila eh.
Kean: Oooh. Same. We're on the same boat pala eh. We should help each other. Mahirap gumalaw sa syudad na to ng mag-isa. It would be nice if we could be friends.
Bumitaw si Irene sa handshake at ibinaba ang kamay.
Irene: Ok lang. Since naman magkaklase tayo.
Kean: Nice, so, halika na.
Tumango si Irene, nakatingin sa mga mata ni Kean.
Naunang gumalaw si Kean at naglakad, nakaharap lang naman ang mukha at paa ni Irene sa kanya.
Nung magsisimula na syang humakbang ay may narinig nananamn syang kung sino mang tumatawag sa kanya. Ngayon ay napakafamiliar sa kanya nung boses na iyon. Kumunot ng todo ang kanyang mata.
Mac: Oooy! Irene! Oy!!!
Bumilis ang mga hakbang ni Irene, mabilis siyang tumalikod mula sa direksyon ni Mac at Juls, ni hindi nga niya nakita ang mukha ng dalawa. Napansin naman ni Kean ang pagbabago ng mga galaw ni Irene.
Sumilip palikod si Kean at nakitang may dalawang lalaki na palapit sa kanilang dalawa, ngunit pagtingin niya ay unting unti bumagal ang mga lakad ng mga lalaking iyon at huminto.
Katabi niya ngayong naglalakad si Irene.
Kean: *pabulong* Kakilala mo ba yung dalawa na yun?
Irene: Hindi.
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
