Script 1 - 4

12 3 0
                                        

--------------------------------------------------

SCENE 10

Sa entrance ng eskwelahan. May ilang naglalakad na mga estudyante pakaliwa at pakanan. Sa gitna ng mga ito ay matatagpuan mo ang apat na kabataan. Dalawa sa kanila ang nakapangsuot aktibista at ang dalawa sa kanila ay nakacasual.

Ang isa ay may hawak na megaphone. Yung kasama ni Mac ay may hawak na papel na may mga pangalan. Ito yung papel na nagsasabi na eto yung mga dapat nakapasa sa exam pero nasama sa cutoff. Si Juls at Irene ay may hawak na brochure.

Tuwing may dumadaan ay lumalapit si Juls sa mga iyon at binibigyan ng brochure. Si Irene naman ay nakatayo lang sa isang gilid at kapag may nalalapit na tao ay inaabutan nya ng brochure. Mas konti ngayon ang hawak ni Juls.

May iilang estudyante ang lumalapit sa Kasama ni Mac pero hindi sila nagtatambak gaya ng nangyari dun sa kainan.

Si Mac naman, "Ipaglaban! Kabataan! Mamayanan!". Bigay na bigay sa pagsigaw ng mga mensaheng propaganda. Tuwang tuwa sa kanya ang mga salita sa kung paano niya pinaglalaruan ang mga dulo nito. "Kinabukasan! Paaralan! Buwan!"

Nung malapit na maubos ang hawak na brochure ni Juls ay lumapit sya kay Irene upang hingin ang kalahati na hawak neto.

Irene: First time ko masama sa ganto. At hindi ko gusto ang nangyayari ngayon.

Juls: Ok lang yan, mauubos na natin yung brochure natin.

Irene: May mararating ba tong ginagawa natin?

Juls: Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Pero at least may iilan na humihinto sa atin. Natatakot ako kanina, akala ko walang papansin sa atin.

Irene: Pero diba dapat sa pinakapuno tayo gumagawa ng aksyon?

Juls: Iyan... ang hindi ko alam.

Iniwan ulit ni Juls si Irene upang mamigay ng mga brochure.

Biglang inubo si Mac at inubo niya lahat ng kate ng kanyang lalamunan sa megaphone. Napatingin na lamang ang lahat ng nagdadaan. Sinaway naman ng kasama ni Mac si Mac.

Mac: *habang nakalagay parin sa bibig yung megaphone* Tara guys. Ok na yan. Masaya na ako.

Kasama: Ibaba mo muna kaya yang megaphone bago kami kausapin.

Mac : *nakalagay parin yung megaphone sa bibig* HAAA? HINDI KITA MARINIG?

Yung kaninang guard sa pintuan na pinapanuod sila ay tumayo. Napatingin naman silang lahat na nagrarally.

Humarap si Mac sa entrance ng eskwelahan, nakalagay parin ang megaphone malapit sa bibig.

Mac: Ganyan naman kayo eh! Ngayon na nasa loob na kayo ng sistema at hindi nakakadanas ng hirap, ayaw niyo nang umaksyon sa mga ibang humihingi ng tulong

Juls: Huy. Mac. Tama na.

Naglakad si Juls papunta kay Mac.

Mac: Alam niyo ba na ang katahimikan niyo ang nagiging sanhi ng korapsyon sa establishimentong iyan! Kaya't kahit na anong sabihin niyo, isa kayo sa mga sanhi kung bakit nababaliktad ang mundo!

May nagbubulungan nang mga ilang tao sa paligid.

Kinuha ni Juls ang megaphone kay Mac.

Juls: Huy Mac. Ok na yan. Nagawa na natin yung dapat nating gawin ngayon.

Mac: *mejo parang maiiyak ang tono* Hindi ko kasi maintindihan kung bakit walang gustong tumulong sa atin ngayon.

Juls: Ganun talaga. Kahit na maganda pinaglalaban mo, hindi ibig sabihin nun na lahat maaaya mo. Ok na may iilan na sumusuporta sayo ngayon.

Until we're ready enoughTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang