Script 1 - 3

31 11 0
                                        

--------------------------------------------------

SCENE 07

Fast food restaurant. Mas konti ang estudyante di tulad ng kahapon. Mas tahimik. Maliwanag. Malamig.

Sa isang mesa ay nakaupo si Irene at Juls. Magkaharap ngayon ang dalawa.

Irene: Ang unang problema, saan ka magaaral?

Juls: Gusto ko parin isipin na makakapagaral ako sa Gran State

Irene: Hmmm... *sumandal sa likod* Paano?

Juls: Kasi nga diba andun ako sa listahan ng mga 'dapat' nakapasok sa school?

Irene: Umaasa ka na may magagawa yung mga aktibista nayun?

Juls: Hindi ko alam.

Irene: Hindi pa nga tayo sigurado kung ano nangyari sa grupo nila kahapon nung nagkagulo at may dumating na pulis.

Juls: *buntong hininga*

Irene: Bukod sa Gran State, saan ka pa ba nagapply?

Juls: Bukod dito? *tumingin sa itaas*, sa univ malapit sa bahay namin.

Irene: Dalawang school lang inapplyan mo?

Juls: Hindi ko kasi naasikaso yun dati. Hindi ako mapakali sa tatay ko nun.

Irene: Wala ka bang kaibigan na pwede kang humingi ng tulong o samahan ka man lang?

Sandaling nanahimik si Juls. Hindi naman naalis ang antisipasyon ni Irene sa sagot.Juls: Nung nagpakamatay kasi yung kapatid ko, natakot ako sa tao.

Irene: Paanong natakot?

Lumakas ang boses ni Juls. Nakatingin siya ng diretso sa kanyang baso

Juls: HINDI KO ALAM! HINDI KO MAPAGKATIWALAAN SARILI KO. BASTA NAPAKADILIM DATI NG BUHAH KO. Hindi ko maipagkatiwala sarili ko sa ibang tao.

Nung binalik niya ang kanyang mga mata kay Irene, nakita niya itong nakalagay ang kanyang kamay na nakatiklop sa dibdib.

Juls: Sorry.

Irene: Sorry din.

Juls: Gusto kong suportahan yung tatay ko nung oras na iyon. Masakit sa amin pareho nung mawala si inay saka si kuya. Gusto kong ipadama sa tatay ko na andon parin ako para sa kanya.Irene: Eh ikaw?

Sandaling nanahimik si Juls.

Juls: Ha?

Nakatingin si Irene kay Mac, nakabukha ang mga bibig ngunit walang mailabas mula dito. Bumaling ng tingin si Irene palayo.

Irene: Wala lang, wala lang.

Kinain sila pareho ng katahimikan. Hindi makatingin si Irene kay Juls. Gayundin naman ang mga mata ni Juls kay Irene.

Mula sa likod ni Juls ay may narinig siyang nagkakaingay na mga kabataan. Nilikod niya iyon at nakita ulit ang grupo ng mga aktibista na kanilang nakita sa parehong lugar kahapon.

Juls: Diba sila iyon?

Irene: Ha?

Mula sa labas ng establishimento ay hinaharangan ng guard ang grupo nila na pumasok sa loob ng lugar. Mas konti sila ngayon, tatlo na lang silang naka asul na shirt at bandana sa ulo ngayon. Mac: Kahit 10 minutes lang sir.

Guard: Hindi nga pwede. Magsisimula nananaman kay ng gulo dito. Humanap kayo ng ibang lugar.

Mac: Wala ka bang pakielam sa mga estudyanteng ninanakawan ng kinabukasan sir?

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now