--------------------------------------------------
SCENE 04
Sa Multiplisoria, sentro ng bilihan ng mga bagay bagay. Maraming tao sa paligid at halos lahat sila ay may hawak na plastic bag o iba pang kahalintulad sa kanilang mga kamay. Maingay dito, iba ang takbo ng hangin, at mainit. Si Hannah at Louise ay naglalakad sa gilid.
Hannah: Bale may hindi pa ba ko naituturo...
Tahimik na sumusunod si Louise sa gilid ni Hannah.
Hannah: Mahilig ka ba sa anime o sa laruan? May alam akong tindahan.
Louise: Hindi na muna siguro, pero salamat.
Bahagyang ngumiti si Louise nung tumalikod sa kanya si Hannah. Patuloy parin silang naglalakad.
Hannah: Oo nga pala...
Binagalan ni Hannah ang paglalakad at tumabi sya kay Louise. Hinawakan nya ang kanang kamay ni Louise.
Hannah: Kakilala mo ba si Irene? Parang close kayo.
Louise: Magkaibigan na kami ni Irene simula pa nung high school.
Hannah: Talaga? Ano madalas ginagawa niyo dati?
Louise: Wala naman. Madalas inaaya ko sya kumain sa mga kainan.
Humarap si Hannah kay Louise.
Hananh: TALAGA? Saan saan naman? Mahilig kayo sa eat all you can? Ilan kayo?
Louise: Kami lang dalawa madalas. Sa samgyup. Minsan hindi sya pumapayag kasi wala daw syang pera.
Hannah: Halaaa. Huy! Minsan kain tayong magkakadorm mate sa samgyup ha! Namimiss ko na tuloy kumain dun!
Louise: Sige po. Namimiss ko na rin kumain sa ganoon.
Hannah: Speaking of pagkain, nagugutom ka na ba?
Huminto sila sa paglalakad. Tumagilid si Louise at nakita nyang malapit sila sa isang fast food restaurant.
Louise: Uhmmm. Wala kasi akong dalang extrang pera.
Hannah: Sus. Problema ba yun? Libre ko na muna ngayon!
Louise: Talaga?
Hannah: Basta sa susunod, libre mo ko caramel sundae ha?
Louise: Sige! *ngumiti siya*
Naglakad si Hannah at Louise papasok sa fast food restaurant. Pagpasok nila ay nakita nilang may iilang tao sa premiso. Halos lahat din ng upuan ay may tao na.
Hannah: Ano gusto mong orderin?
Hinila ni Hannah si Louise sa linya ng mga umoorder. Tatlong tao na lang ang nakapila bago sila masalang.
Louise: Ok na siguro sa akin yung tig 80 na chicken.
Hannah: Ganun ba? Sige sige, iyun nalang din oorderin ko. Pero dagdagan mo na rin ng dalawang sundae saka dalawang large fries ha?
Louise: Sige sige.
Tumingin si Louise kay Hannah, nakita niyang hakbang ito ng hakbang pabilog. Malaunan ay hinawakan ni Hannah sa braso si Louise.
Hannah: Uy Louise. Magbabanyo lang ako ha? Kaya mo ba umorder para satin?
Louise: O... oo naman. Sige.
Hannah: Hanap na rin ako ng mauupuan natin pagkatapos ko. Bye!
At naglakad ng mabilis si Hannah palayo kay Louise at papunta sa gawing likod ng lugar.
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
