Kean: Eh bakit tinatawag ka nila sa--

Lumakas ang boses ni Irene

Irene: Hindi ko nga sila kilala! Wag ka na magtanong.





--------------------------------------------------

SCENE 20

Isang classroom na puti ang mga pader. May limang mahahabang mesa sa gitna at lahat sila ay pare parehong napapagitnaan ng upuan at espasyong pwedeng daanan ng tao. Maraming kabataan sa loob ng silid, nakaupo, tahimik na naguusap sa mga kanilang katabi.

Sa harap ng lahat ng estudyanteng naghihintay ay may tatlong mesa kung saan nakaupo ang tatlong may edad na mga babae sa sari-sarili nilang lugar, isang payat, isang may kalakihan, at isang may kaliitan. Ang mga babae na ito ay may papel na halos bumubuo na ng tore sa gilid nila.

Nakaupo si Irene at si Kean sa pangalawang mesa mula sa pintuan.

Kean: Ang haba ng pila

Hindi umimik si Irene, nakatingin ang kanyang ulo sa mesa.

Kean: Diba Irene pangalan mo?

At hindi parin gumagalaw si Irene.

Tumingin si Kean kay Irene.

Kean: Irene?

Doon lang biglang bumalik ang utak ni Irene, agad syang humarap kay Kean.

Irene: Bakit? May tinatanong ka ba?

Kean: Wala wala. Sino ba yung iniisip mo, yung dalawa bang lalaki kanina?

Irene: Ahh... Uhm... Wala wala, hindi sila yung iniisip ko.

Kean: Hindi naman sa nakikisawsaw ako lalo na't ngayon lang tayo nagkakilala pero, boyfriend mo ba yung iisa doon?

Lumaki ang mata ni Irene at sumigaw.

Irene: WALA AKONG BOYFRIEND.

Tumahimik ang buong kwarto. May iilang tumingin kay Irene. Mga ilang sandali ding bumaba ang ulo ni Irene bago bumalik sa dati ang lahat.

Kean: Sa tingin ko kasi, kung may problema ka, dapat harapin mo yun.

Irene: Bakit ka ba nangingialam?

Hindi umimik si Kean, idineretso nya ang kanyang katawan sa harap.

Kean: Sorry.

Bumukas ang pintuan mula sa kaliwang likod ni Irene at Kean. Narinig nya ang mga boses nito, napaharap agad sya patungo sa pinagmumulan ng boses.

Mac: Oh jeeesh, ang daming tao.

Juls: Sabi ko nga sayo ayusin mo na yung sayo para sabay na tayong makatapos ngayon.

Mac: Boohooo, ok lang yan, wag ka na magreklamo.

Habang pabulong silang nag-uusap ay tumingin si Mac sa direksyon ni Irene, na ngayon ay biglang tumalikod palayo sa kanilang dalawa.

Mac: Tingnan mo nga naman oh, tadhana.

Juls: Bakit?

Mac: Si Irene oh.

Humarap si Juls sa tinitignan ni Mac.

Naglakad si Juls papunta sa upuan, malayo sa kinauupuan ni Irene.

Mac: Anong ginagawa mo? Bat dyan ka mauupo?

Juls: Respeto kay Irene.

Mac: Hoooo, respeto pa nga. Edi ako na lang tatabi sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now