Louise: Ano ba magagawa ko para maibalik ko tiwala mo?
Hannah: Wag. Wag mo isipin yan. Hindi ako ganyang klase ng tao. Naiintindihan ko naman.Louise: Sorry ulit kasi pareho kayong malapit ni Irene sa puso ko, kaya...
Hannah: Sorry din na pinilit kitang ikwento yung buhay ni Irene. Medyo sumosobra na siguro ako nun.
Louise: Salamat at naiintindihan mo Hannah, malaking bagay to sa akin.
Hannah: Siguro, makipagkaibigan ka na lang muna sa mga barkada ni Irene.
Louise: Ha? Bakit?
Hannah: Louise, mas marami kang kakilala, mas ok yun. Saka... hindi ka ba nalulungkot na lagi ka nalang iniiwan ni Irene tuwing kasama nya yung mga bago nyang kaibigan?
Hindi nakaimik si Louise.
Hannah: Kaya... Yung problema sa pagitan natin. Ok nayun. Ang isipin mo ngayon, kung paano ka magiging close sa mga barkada ni Irene.
Louise: Hindi ko alam kung paano makipag-kaibigan sa mga lalaki.
Hannah: Samahan mo lang lagi si Irene, mukha namang mababait kaibigan niya eh.
Louise: Sige...
Hannah: Ano? Ok na tayo ha? Siguro naman hindi na masama kung makikichismis ako ng konti sa inyo pag may time? Hahahaha.
Louise: Opo naman. Kekwentuhan ko kayo kapag may ganap na nangyayari.
Ngumiti si Hannah.
Hannah: Sige sige. Love you Irene.
Mabagal ni Hannah na niyakap si Louise, yumakap naman si Louise pabalik.
Louise: Love you too po.
--------------------------------------------------
SCENE 18
Gran State University. Same day. May iilang mga tao sa paligid, nakasemi casual, may dalang bag ang karamihan, medyo maingay ngunit rinig parin ang malakas na ihip ng hangin sa paligid.Naglalakad si Juls at Mac sa kalsada sa loob ng college. May sukbit si Juls na bag sa likod. Si Mac ay walang dala na kahit na ano, bukod dun sa ballpen na nakasukbit sa kanyang bulsa.
Mac: Boi, statistics? Talaga? Seryoso ka?
Juls: Oo, bakit?
Mac: Diba puro math yun? Wala ka na bang ibang balak gawin sa buhay mo kundi magsunog ng kilay?
Juls: Iyun lang yung sa tingin ko eh madaling itransition dun sa goal course ko.
Mac: Ngek, di mo naman kailangan ng degree para mapatunayan na magaling ka sa business.
Juls: Pero nakakatulong parin yun kahit ano sabihin mo.
Mac: Eh... whoooosh, ikaw bahala.
Juls: Eh bakit ikaw? Ang ganda ganda na ng course mo, magpapalit ka pa.
Mac: Maganda? Nakita mo ba yung schedule ng Aero... Aero, kung ano man yun. Grabe boy, para kaming bugbugan.
Juls: Bakit? Diba ikaw pumili ng course mo?
Mac: Oo. Pero malay kong ganun pala ka kumplikado yung course ko.
Juls: Kaya lumipat ka na lang ng HRM?
Mac: Hoy! *nakaturo kay Juls* Wag mo nila-'lang' ang HRM.
Juls: Bakit? Wala naman akong sinasabi ha.
Mac: Basta. Kaya lang naman ako nag aeroshit engineering eh gusto ko magtravel kung saan saan.
Juls: Bakit... hindi mo pa sinisimulan ngayon?
Mac: No money, no friends, no plan, no motivation.
Juls: Hay nako.
Huminto si Mac sa paglalakad, pilit niyang itinataas ang kanyang ulo, para bang may pilit na kinikilala mula sa malayo.
Hinitak ni Mac ang balikat ng damit ni Juls.
Mac: Huy huy. Diba si Irene yun?
Huminto si Juls at mabilis na humarap sa tinuturo ng ulo ni Mac. Niliitan niya ang kanyang mga mata at medyo inabante ang ulo.
Juls: Saan? Saan mo nakita si Irene?
Mac: Ayun oh! May kasamang lalaki!
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 2 - 6
Start from the beginning
