Louise: Bakit? Ano ba sinasabi niya?


Rose: Uhm... Kaibigang nang-iiwan, kaibigang sa simula lang magaling...


Louise: Talaga?


Rose: Pero wag mo sabihin sa kanya na sinabi ko sayo yan ha. Naiirita kasi ako na dinadamay nyo pa ako sa problema nyo.


Louise: Paano dapat ko gawin?


Rose: Aba't hindi ko alam. Problema niyo yan.


Hindi nakasagot si Louise.


Nilagay ni Rose ang kanyang kamay sa balikat ni Louise.


Rose: Mauna na ako wah. Ibigay mo na lang kasi yung gusto nya para matapos na.


At naglakad si Rose palabas ng kanilang dorm.


Ilang sandaling di gumalaw si Louise. Nakatingin sa ibaba, naglalaro ang mga paa paatras at paabante.


Bumukas ang pintuan sa kwarto ni Hannah. Tumingin dito si Louise, at naglakad sya papunta doon.


Nagkasalubong sila ni Hannah sa gitna ng hallway.


Hannah: Oh, bakit? Louise? May problema ba?


Louise: Gusto ko sana makipag-ayos.


Hannah: Makikipag-ayos? Bakit? May problema ba?


Huminga ng mabigat si Louise.


Louise: Gusto mo ba talaga malaman yung nakaraan ni Irene?


Hindi tuminag ang ngiti sa bibig ni Hannah.


Hannah: Hindi na.


Louise: Eh ano ang gusto mo? Gusto ko sana makapag-ayos na tayo.


Hindi agad sumagot si Hannah. Unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Hinawakan niya ang isang kamay ni Louise at tumingin dito habang nagsasalita.


Hannah: Hindi ko alam, may tiwala ka parin ba sa akin?


Louise: Oo, kaya ang hirap sa akin na nag-aaway tayo.


Hannah: Ako kasi, takot ako sa tao. Hindi ko alam kung ano nasa isip nila.


Tumingin si Hannah sa mata ni Louise.


Hannah: Kung magkakaroon man ako ng kaibigan, gusto ko sana yung maaasahan ko. At alam mo Louise... itinuring kita na kaibigan.


Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now