Nakaupo si Louise mag-isa sa couch ng kanilang sala. Nakatiklop at niyayakap ang kanyang mga tuhod habanag nakaharap sa TV.


Bumaling ang tingin ni Louise nung nakita nyang bumubukas ang pintuan ng kwarto ni Irene. White Polo, white tshirt, denim pants, at bag sa likod; ito ang lahat ng suot ni Irene habang nilolock niya ang pinto.


Tumayo si Louise.


Louise: Irene! Aalis ka?


Irene: Oo. May aayusin ako ngayon sa eskwelahan ehh.


Louise: Gusto mo samahan kita?


Irene: Wag na wag na. Baka matagal din kasi yung gagawin ko dun, mainip ka pa.


Louise: ...Sige.


Naglakad si Irene palabas ng kwarto at binuksan ang pintuan. Bago siya tuluyang mawala sa paningin ni Louise ay humarap siya dito.


Irene: Mamaya na lang!


Louise: Sige. Good Luck!


Ngumiti si Irene at isinarado ang pintuan.


Ilang segundong nakatayo si Louise bago niya naisipang mabagal na maupo ulit sa couch.Ngunit nung nakaupo naman si Louise ay bigla nananamng bumukas ang pintuan. Lumaki ang mata ni Louise at tumayo nanaman siya ng mabilis.


Louise: Hannah!


Nung una ay nanlaki ang mata ni Hannah. Ngumiti lamang siya at hindi ibinuka ang mga bibig. Naglakad sya papunta sa kanyang kwarto. Nung buong kaganapan na iyon, nakatingin lamang sa kanya si Louise, tahimik na nag-aabang ng sagot.


Sa paglalakad ni Hannah, biglang bumukaas ang kwarto ni Rose. Nagkaharap sila Hannah at Rose. Ngumiti ng mas malaki si Hannah.


Hannah: Oh Rose! *tumingin si Hannah mula baba pataas* May lakad ka?


Rose: Meron. Mag rerehearse kami kila Jun.


Hannah: Ahhhh. Sige sige. Ingat ka haa.


Rose: Oo.


At naghiwalay ang dalawa. Pumasok si Hannah sa kanyang kwarto. Naglakad naman si Rose papunta sa sala. Humarap siya kay Louise, hanggang ngayon ay nakatayo pa rin siya.


Huminto sa paglalakad si Rose, tumingin siya sa likod at dinuro at pinapalapit si Louise sa kanya. Naglakad ng mabilis ngunit mahina si Louise.


Rose: May pinag-awayan ba kayo ni Hannah?


Louise: Hindi ko alam. *malungkot nyang sinabi*


Rose: Tsk. Ayusin mo na agad. Sumasakit na tenga ko sa pagpaparinig niya sa akin.

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now