Tumayo si Mac mula sa sahig at naglakad papunta kay Juls.


Mac: Bili! Bili. Gaano kabaliw yang si Irene sayo?


Iniiangat ni Juls ang kanyang palad.


Juls: Oh... My God. Wag na.


Mac: Paano kasing pinahiya? Inaway ka ba nya sa harap ng maraming tao? Or nag-prank ba sya sa yo?


Juls: *humigop sya ng hangin* Minsan, iniisip ko kung talagang kilala ko ba si Irene o hindi.


Mac: Wag ka na magpatumpik tumpik pa, kwento mo na lang kasi.


Humarap si Juls kay Mac, medyo nakakunot ang mga noo at nakaduro kay Mac.


Juls: Wala tayong pagkekwentuhan Mac. Imbes ay tutulungan mo akong makipag-ayos kay Irene, as soon as possible.


Nanlaki ang mata ni Mac. Pagkaraan ay umusbong ang isang mapanghamak na ngiti sa labi neto.


Mac: Abaaaa. Concerned ka parin kay Irene kay na inaaway ka nya no?


Juls: Syempre, concerned ako sa mga kaibigan ko.


Mac: Kaibigan lang nga ba?


Juls: Alam mo ba...


Nilapit ni Juls ang kanyang ulo palapit kay Mac.


Juls: Para kay Irene, ang syota at mortal enemy, pareho lang ata.


Mac: *pabulong* BAKIT?!


Juls: Example, one time, nakipagsuntukan ako sa kanya, nung high school kami.


Mac: Ano?!


Juls: Kaya nga gusto kong ayusin yung nangyayari sa pagitan namin bago kami umabot sa ganon.


Mac: Whooosh naman. Away lang yan, di naman siguro kaya aabot sa point na baka nagpapatayan na kayo hahaha.


Nakatingin at di gumalaw si Juls.


Juls: Uhm... ayaw kong magpakasigurado.





--------------------------------------------------


SCENE 17


Sa dorm nila Louise, Irene, Hannah at Rose. Tatlong araw na ang lumipas mula nung huli silang nag-usap ni Hannah ng tunay.

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now