Humakbang ng isa patalikod si Rose. Nakita nyang hindi parin gumagalaw si Louise.
Humakbang ulit si Rose ng isa patalikod.
Naglakad paharap si Louise.
Mabilis na naglakad patalikod si Rose.
Binilisan din ni Louise ang paglalakad.
Tumalikod si Rose at mabilis na tumakbo palayo kay Louise. Hinabol naman siya si Louise ng mga limang hakbang bago huminto at hingalin.
Louise: ROSE!... *bulong* Hindi ko pa kabisado mga jeep dito.
Humihingal si Louise. Naramdaman niya na para bang may napupunit sa kanyang hawak na plastic.
Louise: Wag Wag Wag!
Tuluyang napunit ang ilalim ng plastic na hawak ni Louise at bumagsak sa ibaba ang lahat ng bote at sachet na laman nito.
Napaupo sya habang sinusubukang ipunin ang mga nahulog na gamit.
Louise: Ano ba ang nangyayare sa akin...
Inilagay nya paisa isa ang mga gamit nyang nahulog sa isa pa nyang plastic.
Louise: Sana hindi rin mapunit yung isa pang plastic.
Habang inilalagay nya ang lahat ng gamit na iyon ay nakaramdam siya na para bang may kung sinong nanonood sa kanya.
Humarap si Louise sa direksyon ng kanyang likod, at nakita niyang mula sa distansya, may isang lalaking may blue na buhok ang nakatingin sa kanya. Naka gray jacket at gray trackpants.
Nakatayo lamang ito at para bang hindi nito ininda na tumingin sa kanya si Louise.
Pagkaraan ng sandaling pagkakatitigan ay tumalikod si Louise, nanlalaki ang mga mata.
Inilagay na nya yung huling nahulog na gamit sa isa pa nyang plastic at tumayo. Hindi sya tumalikod.
Nagsimula syang maglakad. Sa di nya maintindihan ay bakit piling nya ay may naririnig din syang mga yapak mula sa kanyang likod.
Binilisan ni Louise ang paglalakad. Narinig nya na mas bumibilis ang hakbang ng lalaki mula sa likod.
Bumaling ng tingin si Louise patalikod at nakita nyang sinusundan sya nung lalaking may blue na buhok.
Humarap sya ng mabilis padiretso at sinimulang mas maglakad pa ng mabilis.
Biglang may tumunog: *ngeow ngeow ngeow ring ring ring ngeow ngeow ngeow ring ring ring*
Biglang napahinto si Louise. Tumingin siya sa kanyang black leather jacket at inaninag ang mga bulsa nito. Tumingin din sya pababa at tiningnan yung kanyang palda.
Louise: Dala ko ba yung cellphone ko?
Patuloy parin niyang naririnig yung ring tone ng kanyang cellphone. Dun nya napansin na hindi sa kanya nanggagaling yung tunog. Tumingin siya sa kanyang likod at nakita nyang nanggagaling iyon sa lalaking sumusunod sa kanya.
Subalit ngayon, hindi na nakaharap ang lalaki papunta sa kanya. Nakaharap ito pagilid habang nakatingin pababa at kinakalikot ang cellphone.
Kumunot ang noo ni Louise.
Louise: Ba- Bakit? Paano napunta sakanya yung cellphone ko?
BlueGuy: Oo nga pala. Ibabalik ko nga pala to sa kanya...
Naglakad ng mabagal si Louise kay BlueGuy.
Louise: Uhm... Excuse me. Kuya?
Humarap yung lalaki kay Louise.
Louise: Yung cellphone po na yan? Nahulog ko po ata kanina?
BlueGuy: Ha? Eto? Hindi? Dala ko na to kanina pa?
Louise: Eh kuya. Ganyang ganyan po kasi yung cellphone ko. Yung ringtone. Yung brand. Yung cover.
BlueGuy: Hindi. Baka magkamukha lang kayo ng cellphone ng kaibigan ko. Naiwan kasi nya to sa kwarto nya.
Louise: Sino po bang kaibigan niyo tinutukoy niyo?
Nanlalaki na ang mat ni Louise dahil sa kaba na nawawala pala cellphone niya, hindi nya alam.
BlueGuy: Si Irene. Kilala mo ba si Irene. Nakalagay to sa bag niya eh. Kanina pa tumutunog.
Tulala si Louise.
Tumingin sa kanya ang lalaki.
BlueGuy: Miss? May syota ka na?
Louise: Kilala niyo po si Louise?
BlueGuy: Uhm... Oo. Kaibigan ko sya. Bakit?
Nakangiti ang lalaki, nakataas ang isa nyang kilay.
Tumingin pababa si Louise. Hindi mapakali ang kanyang mga paa.
Louise: Paano ko ba to sasabihin... Uhm...
May tumunog ulit na isa pang ringtone. Naglabas si BlueGuy ng isa pang cellphone. Pagkapindot nya dito ng isang beses ay napatunganga siya sandali.
BlueGuy: Oh! Hinahanap pala ako ni Irene sa dorm eh!
Louise: Nagpupunta si Irene sa dorm niyo?
BlueGuy: Uhm... Yes? Madalas. Bakit? Gusto mo samahan ako pabalik?
Napatingin si Louise kay BlueGuy. Bumaling din to ng tingin paalis pagkalipas ng ilang sandali lang.
Louise: Hindi ko sure kung...
BlueGuy: Ok lang yan! Mabait kami lahat sa dorm! Baka kasama din niya si Juls din dun kung sakali.
Biglang lumaki ang mata ni Louise.
Louise: Magkasama ngayon si Juls at Irene?!
Napatingin nalang sa kanya si Mac.
BlueGuy: May dapat ba ako malaman?
KAMU SEDANG MEMBACA
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 2 - 4
Mulai dari awal
