Louise: Ano meron?

Rose: May pinapabili kasi sa akin si Hannah, yung mga panlaba natin.

Louise: Bukas pa kayo mag-lalaba?

Rose: Oo. O kaya sa susunod. Kapag konti na naglalaba.

Hindi nagsalita si Louise. Nagkatitigan sila ni Rose.

Rose: Pero may gagawin kasi ako...

Hindi parin nagsasalita si Louise. Medyo kumnot ang kanyang noo.

Itinaas ni Rose ang kanyang kamay at medyo ngumiti.

Rose: Hindi ko sinasabi na 'pwede ba ikaw nalang gumawa ng gagawin ko'. Uhm, sayang. Pero...

Louise: Pero?

Rose: Pwede mo ko samahan? Please?

Louise: Pero...

Tumingin si Louise pababa sa kanyang damit. Tumingin si Rose sa damit ni Louise at mabagal na bumuka ang bibig at itinaas ang ulo.

Rose: Aaaaaa... Actually ok na yan.

Hindi nagsalita si Louise, kumunot ang kanyang noo.

Rose: Joke lang. Meron akong pamatong dyan sa damit mo.

Nagpunta ang dalawa sa kwarto ni Rose. Naglakad si Rose sa kanyang wardrobe na halos wala nang laman ang gitna. May hinalungkat siya sa gilid. May inilabas siyang isang damit.

Rose: Eto!

Kumunot ang noo ni Louise.

Rose: Black leather jacket. Ipatong mo na lang dyan sa cutesy dress mo.

Hindi gumagalaw si Louise sa kanyang kinatatayuan.

Rose: Wag ka mag-alala, ganyan din isusuot ko. Dalawa ganyan ko eh.

Louise: Bakit?

Rose: Napanalunan ko sa isang rock fest.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Rose. Parehong napaharap si Hannah at Rose sa nagbukas ng pintuan.

Hannah: Guys. Good Morning!

Tumingin si Hannah kay Rose.

Hannah: Uy! Yung pinapabili kong panlaba.

Rose: Eto na, hinahanap ko lang ng damit si Louise.

Hannah: Ay talaga?! Sige sige.

Tumingin si Hannah kay Irene habang nakangiti.

Hannah: Uy Louise! Cute ng dress mo. Sana isuot mo yan lagi, nakakatuwa.

At umalis na si Hannah.

Nakaharap parin si Louise sa pintuan, tulala.

Rose: Tara na!





--------------------------------------------------

SCENE 12

Later that day. Sa Gran Central Park. Parehong may hawak na plastic bag ang mga kamay ni Louise. Sa harap niya ay may sinasabi si Rose na nagpapakunot sa mga niya.

Rose: Aalis na pala ako!

Louise: Ha?

Rose: Tinatawagan na ako ng mga kamasa ko ehh!

Hindi nagsalita si Louise. Tumingin siya ng derecho sa mata ni Rose.

Rose: Iiwan na kita ha?

Hindi tuminag si Rose.

Until we're ready enoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon