Ibinaba ni Louis ang kanyang maleta at yumukod. Nakita nyang bukas ang zipper nito sa gilid.Louise: Hala nako!
Yumukod din si Irene
Irene: Bakit? Ano nangyare?
Louise: Natapunan din ata yung mga damit ko sa loob nung maleta?
Irene: Ano?! Bili! Ilabas mo nga!
Binuksan ni Louise ang kanyang bag at isa isang isinalansan ang mga damit, pantalon, shorts at iba pang kasuotan. Hindi lahat ay natapunan.
Louise: Hala. May iilang natapunan.
Irene: Kailangan malaban mo agad yan, baka kumapit yan kapag nagtagal pa.
Louise: Hala!
Irene: Hala nako! Baka walang tubig!
Louise: HALA!
Agad na tumakbo si Irene at Louise papunta sa banyo. Lumuhod si Irene at mabilis na pinaikot ang gripo. Walang lumabas na tubig.
Irene: Tsk! Walang tubig.
Louise: Hala! Saan ako maglalaba?
Irene: Nako. Sana may tubig kila Juls.
Louise: Ha?
Irene: Akin na. Yung maleta mo.
Louise: Bakit? Ano gagawin mo?
Irene: Pupunta ako kay Juls. Titingnan ko kung makakapaglaba ako sa kanila.
Louise: Tara. Sama din ako!
Irene: Ano naman isusuot mo?
Louise: Uhm... eh...
Irene: Hubarin mo na nga rin yang suot mo. May extra pa akong damit, kaso kailangan maglaba narin ako bukas, kundi wala akong masusuot sa susunod.
Louise: Talaga?! Salamat!
Irene: Bili, dito ka na lang sa banyo. Abot ko na lang sayo yung isusuot mo.
Louise: Sige sige.
Iniwan ni Irene si Louise sa banyo. Mga ilang sandali din ang lumipas bago muling bumalik si Irene.
Pagbalik ni Irene ay nakita ni Louise na may hawak siyang white dress na may pink na mga flowers.
--------------------------------------------------
SCENE 11
Nakahiga si Louise sa kanyang higaan, suot suot ang puting dress na bigay sa kanya ni Irene. Nakatingin siya sa kesame ng kaniyang higaan.
Louise: Sana matuyo agad yung damit ko bukas...
Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Pagharap niya ay nakita niyang si Rose ang pumasok dito, at mangisi ngisi ito ng makita niya si Louise.
Rose: Oy Louis--
Tumalikod siya at humikbi ng tawa ng tahimik.
Louise: Rose... please wag.
Rose: Bakit ganyan suot mo?
Louise: Wala na kasi akong masuot na iba...
Humarap si Rose kay Louise.
Rose: Ay... Sorry.
Louise: Ok lang.
Umupo si Louise mula sa pagkakahiga at humarap kay Rose.
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 2 - 4
Start from the beginning
