Louise: Ganun talaga si Irene. Pinagpaplanuhan niya ng matagal lahat ng ginagawa niya sa buhay niya kaya kapag may ibang nangingialam sa buhay niya, hindi sya agad nagpapatinag.
Hannah: Eh hindi ba niya alam na hindi sya mag-isang mamumuhay sa mundo? Paano nga yun?
Ano gusto niya? Bahala na sya sa buhay nya?
Louise: Ewan. Madalas pumapayag na lang ako sa gusto nya.
Hannah: Louise...
Hinawakan ni Hannah ang parehong kamay si Louise.
Hannah: Tulungan mo ako kausapin si Irene.
Louise: Uhm... Eh...
Hannah: Sige na. Kausapin mo sya para sa akin, ha? Para din naman to sa ating lahat.
Tumingin pababa si Louise. Ilang sandali ang lumipas.
Louise: Sige, susubukan ko.
Hannah: Talaga?! Salamat!
Lumapit si Hannah at niyakap si Louise.
Hannah: Promise. Sabi ko nga sayo, hindi natin pababayaan ang isa't isa.
Louise: Oo... Oo, syempre.
--------------------------------------------------
SCENE 09
Sa dorm nila Mac at Juls. Nakahigang mag-isa si Mac sa kanyang higaan. Nakaharap siya sa kanan kung saan ay halos ilang palad nalang mula sa kanyang mukha ang sikat ng araw galing sa bintana.
Mac: Ano ba dapat ko gawin?
May naririnig ngayon si Mac na mga mahinang pagkatakot na syang maaring nanggagaling sa labas ng kanilang dorm room.
Mac: Ano ba ginagawa ko dati bago ko nakasama si Georgia...
Kumatok ulit ng sampung beses ang pintuan.
Mac: Ano ba ngayon ginagawa ni Juls...
Kumatok nananaman ang pintuan. Subalit ngayon ay patuloy na kumatok ng kumatok ang pinto.
Napatalikod si Mac sa kanyang hinihigan.
Mac: Si Juls ba yun?
Hindi humihinto ang pagkatok sa pintuan.
Mac: Ano ba yun?
Bumangon si Mac mula sa pagkakahiga. Kumuha sya ng damit mula sa gilid at naglakad palabas ng kanyang kwarto.
Pagdungaw niya ay nakita nyang patay ang ilaw sa buong kwarto, subalit ay naliliwanagan ang buong bahay ng sikat ng araw mula sa bintanang malaki ng kanilang dorm.
Hanggang ngayon ay hindi parin humihinto ang pagkatok sa pintuan. Mas rinig na ni Mac ngayon ang lakas ng mga katok nito.
Mac: Sino ba yung kumakatok?
Naglakad siya sa pintuan, at binuksan ito.
Pareng Tomas: Hello Mac.
Agad na sinarado ni Mac ang pintuan. Pilit nyang tinatanggal sa kanyang memorya ang malalking mata nito, ang malapad na ngiti kung saan ay kita ang mata neto, at ang maputi nyang kutis.
Mac: Shit. Shit. Shit. Shit. Bakit andito si Pareng Tomas?
Pilit na inaalala ni Mac ang mga kamay ni Pareng Tomas.
Mac: May dala ba syang kutsilyo? May dala ba syang kutsilyo? Nasaan ba si Juls?
Pareng Tomas: Kailangan natin. Magusap. Mac. Buksan mo ang...
Biglang kumalampag ng malakas ang pinto. Napahakbang patalikod si Mac.
Pareng Tomas: Pinto.
Mac: Bakit pareng Mac? Ano ba problema?
Pareng Tomas: Buksan mo muna ang...
Kumalampag nanaman ng malakas ang pinto. Napakagat nalang sa labi si Mac.
Binuksan ni Mac ang pinto ng mabagal. Nakadungaw ang kanyang ulo at taimtim na nagmasid mula sa nagbubukas ng pagitan ng pinto.
Hindi binuksan ni Mac ang pinto ng buo at iniwan itong nakabukha ng kalahati.
Mac: Ano po kailangan niyo Sir?
Pareng Tomas: Naaalala mo ba yung. Sabi mo dati na. Maghahanap ka ng mga. Titira dito?Mac: Bakit po sir? Maghahanap naman po ako... kung kakayanin ko.
Biglang kumunot ang noo at lumaki ang ilong ni Pareng Tomas.
Pareng Tomas: PERO BAKIT WALA PARING NAG-AAPPLY NA BAGONG TAO DITO!!!
Napahakbang si Mac pabalik. Naiwan nya ang pintuan, dahil dito ay pumasok si Pareng Tomas, naglalakad ng mga mabibikat na hakbang.
Nanginginig ang boses ni Mac.
Mac: Wait lang pareng Tomas! Eh kasi. Hindi ko alam kung bakit ang hirap magtawag ng mga bagong titira dito.
Naglalakad si Pareng Tomas papunta sa kanya, naglalakad naman si Mac palikod at palayo sa kanya.
Pareng Tomas: Hindi ako masaya sa nangyayare. Pareng MAC?
Mac: Nako naman. Pareng Tomas. Please wag mo ako tawaging ganyan. Gusto ko pa mabuhay.
Pareng Tomas: Tulungan mo ako maghanap ng mga bagong titira dito.
Dahil sa paglalakad at paghakbang ni Pareng Tomas at Mac ay nakarating sila sa kusina.
Mac: Sige sige Pareng Tomas, bigyan mo lang ako ng oras.
Pareng Tomas: Ganyan din sinabi mo dati. Sa akin.
Humampas ang likod ni Mac sa likod ng refrigerator. Patuloy paring lumalapit sa kanya si Pareng Tomas. Habang palapit ng palapit si Pareng Tomas ay tumitiklop naman ang mga tuhod ni Mac at bumababa ang lebel.
Mac: Oo ngayon, seseryosohin ko na! Promise.
Magsasalita sana si Pareng Tomas ngunit napatingin siya sa kaliwa ni Mac.
Pareng Tomas: Kailangan siguro... Teka lang. *may tiningnan sa gilid* May kutsilyo din kayo?
Mac: Pa... Pareng Tomas? Pakiusap, walang kutsilyo please?
Bumunot si Pareng Tomas ng kutsilyo mula sa kanilang lalagyanan ng kutsilyo. Bumalik ang malaking ngiti ni Pareng Tomas.
Pareng Tomas: Ang ganda ng. Pag-alaga niyo sa. Mga kutsilyo na to.
Mac: Oo Mac. Pero kahit na mukhang matulis yan, gulay lang kayang hiwain niyan.
Ibinalik ni Pareng Tomas ang kanyang malalalaking mata kay Mac. Hawak parin nya ang kutsilyo sa kanyang harap. Napababa nananamn si Mac.
Pareng Tomas: Balik tayo sa pinag-uusapan natin. Kailangan na. Masigurado kong. Tutulungan mo na ako. Ngayon ng maayos.
Nakatingin si Mac sa kutsilyo, nanginginig, pinagpapawisan.
Mac: Oo Pareng Tomas. Gusto ko pa mabuhay Pareng Tomas. Gagawin ko na yung gusto mo.Pareng Tomas: Gusto mo ba. Bigyan kita. Ng pisikal. Na patunay?
Napapikit nalang si Mac habang sumisigaw.
Mac: OO PARENG TOMAS! BIGYAN MO LANG AKO NG TSANSANG MABUHAY TUTULUNGAN KITA!
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 2 - 3
Start from the beginning
