Pinatay ni Louise ang telepono at nilagay niya iyon sa kanyang bulsa. Naglakad siya sa sala at nakitang nakatayong naguusap sila Irene at Hannah.

Irene: Hindi talaga pwede! Hindi ba pwedeng kanya kanya na lang tayo?

Hannah: Iyun nga ang mahirap! Ang pangit kaya kapag nagluluoto ako tapos di ka sumasabay dahil sabi mo, 'bumili ka na ng ulam sa labas'

Irene: Oh? Bakit? Tama naman yun ha?

Hannah: Mali nga iyon. Paano kapag may klase na? Bahala na tayong lahat sa sarili natin?

Nakita ni Hannah si Louise.

Hannah: Good Morning Louise!

Louise: Good... Morning.

Muling humarap si Hannah kay Irene.

Hannah: P500 lang naman kada linggo.

Irene: P500!? Nilala-'lang' mo lang ang P500?

Hannah: Kumpleto na yon. Sabon. Toothpaste. Sabon para sa lahat. Grocery. Extra budget na rin kapag may nasira.

Nagkakamot ng ulo si Irene.

Hannah: Ano?

Irene: ... Pag-iisipan ko muna.

Hannah: May kulang pa ba sa sinabi ko?

Irene: Hindi ko alam. Pag-iisipan ko muna.

Naglakad si Irene paalis si harap ni Hannah at palakad sa pintuan. SInusundan siya ng tingin ni Hannah at Louise.

Hannah: Saan ka pupunta?

Irene: Mag-iisip.

Lumabas sya ng dorm room at may pagkamalakas ng sinarado ang pinto.

Napitlag sila Hannah at Louise dahil sa ingay.

Humarap si Louise kay Hannah. Mabilis na naupo si Hannah, nakasibangot at nagkakasalubong pababa ang mga kilay.

Hannah: Buwisit na Irene.

Louise: Bakit? Ano ba pinag-uusapan niyo?

Naglakad si Louise papunta kay Hannah at naupo sa tabi niya.

Hannah: Para din kasi sa atin to. Naisip ko kasi na magkaroon tayo ng dorm budget para sa mga kailangan natin. Diba ok lang naman yung idea ko?

Louise: Uhm... Oo naman.

Hannah: Ayaw ko kasi na pinapabayaan natin isa't isa dito. Magulat na lang ako isa pala sa atin wala nang gamit panligo or pangkain.

Louise: Ehh... Kasi sa pagkakaalam ko, hindi ganun karami pera ni Irene kaya mejo mahigpit siya sa pera.

Hannah: Lahat naman tayo mag-aambagan kung sakali, kaya patas lang.

Louise: Nakausap mo na rin ba si Rose tungkol dito?

Hannah: *buntong hininga* Madali naman pakiusapan si Rose. Si Irene lang talaga pahirapan kausapin.

Louise: Oo. Ganyan din sya nung high school.

Humarap si Hannah kay Louise.

Hannah: Alam mo ba? Sayo ko lang to sasabihin ha, wag mo ipagkakalat. Minsan naiinis ako kay Irene.

Louise: Bakit?

Hannah: Kahit kasi anong pakiusap ang gawin ko sa kanya, kapag ayaw nya yung sinasabi ko, hindi mo sya mapipigilan o mapapa-oo.

Louise: And madalas... hindi nya gusto yung mga sinasabi mo?

Hannah: OO! Dahil sa kanya lumiliit ang ate mo dito!

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now