Louise: Natatakot ako, baka agad ako sumuko kapag... may klase na.
Hannah: Wag mo sabihin yan.
Tuluyan nang umiyak si Louise, niyakap naman siya ni Hannah.
Hannah: Magiging ok lang ang lahat.
Nakatabingi ang mga kilay at labi ni Irene habang pinagmamasdan niya ang mga kinawawang babae sa harap niya.
Irene: Guys... Wag na ulit kayo iinom. Nakakahiya kayo.
Umangat si Rose pataas mula sa banyo.
Rose: FUCK THE WORLD! DAMANG DAMA KO NGAYON PAG-IKOT MO!
--------------------------------------------------
SCENE 08
Same dorm. Dalawang araw na ang lumilipas since nagsuka ang tatlong binibini sa loob ng CR.Nakaupo si Louise sa kanyang higaan. Nakatalikod sya mula sa guhit ng liwanag ng araw mula sa maliit na bintana sa itaas. Hawak niya ang kanyang cellphone at nakalagay ito sa kanan niyang tenga.
Cellphone: Kamusta naman yang mga room mate mo anak? Mababait naman ba sila?
Louise: Opo naman po Ma. Nagparty pa nga po kami nung nakaraan.
Cellphone: Ha? Anong party? Baka nagiinuman na kayo dyan ha?! Nako anak! Ako na ang nagsasabi sayo
Louise: Hindi po ma... Hindi po kami nag... inuman. Nagsaya lang po kami, ganun
Biglang nagbeep yung cellphone ni Louise. Tiningnan yung cellphone at nakitang nagdisconnect pala yung call nila ng kanyang nanay.
Ilang sandali lang at biglang nagring ulit yung cellphone niya.
*ngeow ngeow ngeow ring ring ring ngeow ngeow ngeow ring ring ring*
Pinindot ni Louise ang kanyang cellphone.
Cellphone: Hello Anak! Bakit biglang naputol?
Louise: Ewan ko po. Mahina po ata kasi signal dito.
Cellphone: Haynako. Ano ulit yung sinasabi ko sayo kanina. Ay oo nga pala! Sinasabi ko lang anak. Oras na makatikim ka ng alak, papauwiin kita ng wala sa oras.
Louise: Hindi po Ma! Hindi... po ako iinom.
Cellphone: Sige sige. Malinis ba dyan sa kwarto niyo?
Louise: Malinis naman po Ma. Tumutulong din po ako sa paglilinis kapag ako na nakatoka.Cellphone: Aahhh. Mabuti mabuti.
Mula sa labas ng kwarto ay may narinig si Louise na nagsisinghalan. Hindi niya marinig ng buo ang kanilang sinasabi.
Irene: BAKIT NAMAN KAILANGAN PA NG sflhsdhldsf.
Hannah: Ok na yun! Kailangan din nating hgdukahsdkjfsk.
Irene: Hindi pwede!! Naka jaskfhsdakfhgs.
Hannah: Lahat naman tayo mag hdskgjdhaskgjdsa.
Tumayo si Louise at naglakad papunta sa pintuan palabas ng kanyang higaan.
Cellphone: Saka nga pala anak, agahan mo paglalaba dyan. Wag ka sasabay kung kailan maraming naglalaba.
Louise: Opo ma. Wait lang po, baba ko lang yung call sandali.
Cellphone: Bakit?... Ahhh Sige. Tawagan mo ulit ako mamaya ha.
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 2 - 3
Start from the beginning
