Juls: Meron ka pang pag-asa. Pero mag move on ka muna siguro.
Nanahimik si Mac habang nakatingin sa ibaba.
Cashier: Sir?! Kayo na po yung oorder.
Itinaas ni Mac ang kanyang hintuturo sa babaeng cashier.
Mac: Sandali lang miss! Malapit na kami matapos. So kapag... di ko na iniisip si Georgia... magiging okay na ako?
Juls: Uhm... siguro?
Mac: Sige... sige. Sabi mo yan ha.
Juls: Uhm. Alin yung sinabi ko ulit?
Mac: Paalam na muna. Mag riritual muna ako sa loob ng kwarto ko.
Juls: Uhm... sige. Good bye din. Wala ka bang idadagdag sa order mo or babaguhin?
Mac: Wala wala...
Sa pag-uusap nila ay hindi na nila napansin na may isang babae ang papatakbong pumunta sa harap ng pila nila. Dahil sa pagsingit ng nasabing babae ay nagbulungan ang iilang tao sa likod nila Mac at Juls.
Juls: Uhm Miss? May inaantay lang po sana kami na tao dyan kaya kami naka--
Hindi na natapos ni Juls ang kanyang sasabihin dahil agad na nagsalita ang babaeng iyon.Babae: Kasama ako nung babae na umorder dito.
Humarap ang babae sa cashier.
Babae: Uhm Miss? Itatakeout na lang po sana namin yung order nung babaeng umorder dito kanina? Yung dalawang chicken fillet set, sundae saka fries.
Cashier: Isa lang po yung order nung babae kanina.
Babae: *nagbuntong hininga yung babae* Pakidalawa na po. Magkano po bale lahat.Cashier: Teka lang po... P334.
Babae: Ay ang mahal. Pwede po ba patanggal na lang dung isang large fries?
Nagbuntong hininga yung cashier. Nakasibangot na ang kaninang nakangiti nyang labi.Babae: Wait lang po. Pasok po ba small fries kung oorder ako? 300?
Tiningnan sya ng matagal ng cashier, bago muling humarap sa monitor at nagpipindot.Cashier: Kasya naman po...
Babae: Ayos! Sige po, iyon na lang.
Inabot ng babae ang bayad sa cashier. Pagkatapos niya makuha yung order nya ay tumalikod sya sa mga tao sa pila.
Babae: Sorry po sa inyo lahat! Bago lang po kami dito kaya mejo naninibago pa.
Mac: Single ka miss?
Huminto ang babae at tumingin kay Mac. Ngumiti yung babae sa kanya bago naglakad ng mabilis paalis ng lugar na iyon.
Lumapit si Juls kay Mac.
Juls: Anong ginagawa mo?
Mac: Nagmomove on.
Cashier: *nagbuntong hininga. Ngumiti* Good Morning sir! Can I take your order please?Hinarap ni Juls ang cashier.
Juls: Uhm. Good Afternoon. Actually, kamukha lang din nung sa babae yung oorderin ko sana.
Cashier: *nagbuntong hininga ulit* Bale two "chicken fillet set" na may dalawang sundae saka fries?
Juls: Opo. Iyun lang din.
Cashier: Kamukha nyo rin ba sila na mawawalan din ng wallet?
Juls: Hindi po miss! Haha. May dala pong wallet tong kasama ko.
Nanlaki ang mata ni Mac.
Mac: Anong sinasabi mo? Wala kong dalang kahit na ano ngayon.
Juls: Eh patay. Wala din akong dalang pera! Inaantay lang kita dito eh?!
DU LIEST GERADE
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 2 - 2
Beginne am Anfang
