Hindi sumagot si Louise.

Lumuhod si Hannah at hinawakan sa balikat si Louise.

Hannah: Halika. Doon tayo sa loob ng banyo.

Malaunan ay tumayo si Louise at naglakad papasok sa isang stall ng banyo. Sinundan naman siya ni Hannah at saka sinarado ang stall.

Naupo si Louise sa banyo. Lumuhod si Hannah.

Malumanay na kinausap ni Hannah si Louise at nag-usap sila ng pabulong.

Hannah: Bakit ka umiiyak?

Louise: Hindi ko alam... natatakot ako.

Hannah: Bakit ka natatakot?

Louise: Hindi ko alam kung kakayanin ko ba *sipon* mabuhay mag-isa dito.

Hannah: Wag mo sabihin yan. Syempre kakayanin mo mabuhay sa syudad na to. Hindi ka nag-iisa.

Louise: Akala ko kasi, natanggal ko na yung mga kaba ko... pero...

Hannah: Ok lang kung natatakot ka. Pero magiging ok ang lahat. Wag ka matatakot.

Lumapit si Hannah at niyakap si Louise. Agad naman na niyakap ni Louise pabalik si Hannah at pumikit.

Hannah: Hindi kita pababayaan.

Louise: ... salamat... *sipon*

Hannah: Oo. Wag ka matatakot. Kaya mo yan. Basta kasama mo ako.





--------------------------------------------------

SCENE 05

Same fast food restaurant. Same time.

Nakapila si Juls at sunod na syang oorder ngunit biglang tumakbo palayo yung babaeng umoorder sa harap nya.

Habang lumilingon patalikod at pagilid ay nakita nyang pumasok si Mac sa loob ng kainan. May suot itong gray polo, gray shirt, gray pants at gray beanie.

Pabulong na sumigaw si Juls.

Juls: Mac! Huy! Anong ginagawa mo dito?!

Napatingin sa kanya sa Mac at naglakad ito. Nag-usap sila ng pabulong.

Mac: Kailangan kita makausap.

Juls: Bakit? May nagyari ba sa dorm?

Mac: Masama ba akong tao?

Juls: Ha? Bakit?

Mac: Spoiled brat ba ako?

Juls: Uhm...

Mac: Diba hindi naman? Isa akong matulungin na tao?

Juls: Oo naman. Tinulungan mo nga ako makapasok sa Gran State eh

Mac: So hindi ibig sabihin noon na wala na akong pag-asa?

Juls: Ha? Syempre hindi? Ano ba nangyare?

Mac: Ibig sabihin ba ng sinasabi mo habang buhay na ako ganto?

Juls: Paanong ganyan?

Cashier: Sir?! Cancel na po yung order ni Miss kasi ang tagal po nya bumalik and humahaba na po yung pila. Kayo na po bale yung kasunod.

Juls: Na cancel na? Sayang naman? Sandali pa siguro?

Mac: Huy Mac! Makinig ka sa akin. So ano nga? Wala na ba akong pag-asa sa buhay?

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now