Humarap ulit si Louise sa gitna at nakita niyang may dalawang tao na lang ang nakatayo bago siya.

Louise: Ano ulit oordering ko? Dalawang tig 80? Fries? Anong size? Pati sundae?

Habang iniisip niya iyon ay may isa ulit na umalis sa pila sa harapan niya. Tingin siya ng tingin sa paligid. Kinakamot niya ang kanyang braso. Bumibilis ng bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Di na sya nag intay pa ng matagal.

Ngumiti sa kanya ang babaeng cashier.

Cashier: Good Morning Ma'am! Can I take your order please?

Louise: Uhm... Yung chicken... *pabulong* Na tig 80...

Inilapit ng cashier ang kanyang ulo palapit kay Louise.

Cashier: Pardon, Ma'am?

Louise: Iyon po...

Itinuro nya yung sinasabi niyang '80 pesos chicken'. 89 pesos yung pagkain nila.

Cashier: Ahhh. Yung Chicken FIllet Budget Meal A1 Ma'am. Ano po softdrinks nila?

Louise: Sundae? *bulong*

Cashier: Hindi na po kayo magcocoke? Sundae nalang po upgrade niyo?

Louise: Dalawang sundae.

Cashier: Again. Dalawang sundae po para sa budget meal.

Louise: Saka fries. Dalawang large... fries.

Cashier: Bale po ang order nila ay 'Chicken FIllet Budget Meal A1 with two sundaes at two large fries'. Bale po ang total po niya is P254 pesos.

Tumingin si Louise pailalim at tumingin sa kanyang wallet.

Huminto sya sandali.

Louise: Yung bayad ko...

Cashier: Ma'am?

Humarap si Louise sa cashier.

Louise: Ma'am pwede po ba wait lang? Puntahan ko lang po yung kasama ko pambayad.

Hindi na nya inantay sumagot ang cashier, mabilis syang naglakad palayo ng counter at mabilis na nagpunta sa banyo.

Pagkapasok niya sa CR.

Louise: Hannah?!

Nagsitinginan sa kanya lahat ng tao sa CR. Naglakad papunta sa harap nito si Louise.

Hannah: Bakit? Ano nangyare Louise?

Narinig ni Louise ang boses na iyon sas isang stall na nakasarado.

Louise: Sorry... Kanina kasi... Yung order... Kulang pera ko.

Hannah: AY OO NGA PALA! NAKU SORRY! Ano nangyari? Eto yung pera.

Nakarinig si Louise ng ingay mula sa loob ng stall. Pagkaraan ay nakita niyang may nagslide na wallet palabas ng stall.

Hannah: Soryy talaga Louise! Nawala na rin sa isip ko yung bayad!

Yumukod si Louise ng mabagal para kunin yung wallet.

Hindi na sya nakatayo.

May tumulong guhit ng luha sa pisngi ni Louise habang sya'y taimtim na nakapikit.

Hannah: Louise?

Hindi sumagot si Louise. Ngunit may narinig siyang pagsinghot ng sipon.

Hannah: Louise? Wait lang.

Nagflush ang toilet ni Hannah mula sa loob saka sya agad na lumabas.

Hannah: Louise?! Ano nangyari? Bakit ka umiiyak?

Until we're ready enoughOnde histórias criam vida. Descubra agora