Irene: Bakit?

Ngumiti si Louise.

Louise: Marami ka na sigurong kakilala dito no?

Irene: Hindi naman. Konti pa lang.

Louise: Gaano ka na ulit katagal nakatira dito?

Ibinaba ni Irene ang kanyang cellphone sa gilid at ibinaling paharap ang katawan kay Louise.

Irene: Tatlong linggo... siguro?

Louise: Kamusta experience?

Irene: Ayun, ok naman. Walang kakaiba masyado.

Louise: Yung mga kasama natin sa kwarto na to? Kasundo mo na ba sila? Nasaan sila?

Irene: *napapikit at buntong hininga. Ilang segundo na katahimikan* Kakilala ko na yung mga kasama natin sa dorm.

Louise: Wag mo sabihing nakikipag-away ka nanaman. Hahaha.

Irene: *nakangiti pero nakakunot ang mga noo* Bakit naman ako makikipag-away? Ano ko ba sila?

Louise: *nilagay ang palad malapit sa bibig* Halaaa. Mukha ngaaa.

Irene: Hindi nga! Ano ba akala mo sa akin? War freak?

Louise: Naku. Kilala na kita Irene. Sino ba kaaway mo dito sa dorm mate natin?

Irene: Wala ngaaaa.

Nagbukas ang pintuan mula sa labas at napatingin si Irene at Louise dito. Nakita nilang may isang babae ang nakatayo sa daanan. Sa parehong kamay ng babae ay may hawak syang white plastic bags. Parehong bilog at ulbok na ulbok ang mga plastic bag. Nakapusod pataas ang kanyang buhok, maluwag ang puting tshirt na kanyang suot, nakashorts din sya.

Babae: Irene.

Tumingin ang babae sa katabi ni Irene. Ngumiti ang babae at medyo ibinaba ang ulo.

Babae: Good Morning po.

Ngumiti si Irene at tumayo sa kanyang kinauupuan.

Louise: Good Moring po, ako po si Louise. Nakatira din po ako sa dorm na to.

Ibinaba ng babae ang hawak nyang plastic bag sa gilid.

Babae: Ikaw ba yung sinasabi nilang bago naming karoom mate? Halika halika.

Itinaas ng babae ang kanyang kamay na halos pabilog, naglalakad sya ng mabagal.

Hindi alam ni Louise ang gagawin at tumingin siya kay Irene. Hindi nakangiti si Irene.

Babae: Halika ditoo. Bili!

Humarap ulit si Irene sa babae at nakangiting naglakad papunta sa kanya.

Niyakap sya ng babae ng mahigpit. Mabagal na inilagay ni Louise ang kanyang kamay sa likod ng babae.

Babae: Kamusta ka na... Kamusta yung pagpunta mo dito sa dorm?

Humiwalay ang babae ng isang hakbang. Hinawakan nya ang parehong kamay ni Louise.

Louise: Ok naman po.

Bababe: Promise. Nung una akong nakarating dito, natakot din ako kasi, grabe, napakalapit ng mga kalye dito, lumagpas ka lang ng isa, maiiba ka na ng daan.

Louise: Opo opo. Buti nga po hindi ako naligaw kanina...

Babae: Anu ka ba. Wag mo na ako pino-po. Ako si Hannah. Karoom mate mo rin.

Louise: Sige... Hannah, nice to meet you.

Hannag: Nice to meet you too!

Humakbang ulit si Hannah palapit kay Louise at niyakap ulit ito ng mahigpit. Mabagal din naman ulit bago naisipan ni Louise na yakapin pabalik si Hannah.





--------------------------------------------------

SCENE 03

Nakatayo si Louise at Hannah sa gilid ng isang higaan. Sa higaan na iyon ay may isang babae na nakaupo.

Ang buhok ng babae na nasabi ay umaabot lamang hanggang balikat, black eye liner, black t-shirt na may imprint na bungo, at isang maliit na black heart tattoo sa kanyang braso.

Kandong kandong ng babae na iyon ang kanyang pink na electric guitar na nakakonekta sa grupo ng cable. Sa dulo ng cable na iyon ay nakasaksak naman ang kanyang headset na kasalukuyan ngayon nakabalot sa kanyang tenga.

Nakapikit ngayon ang babae at umaandog ang kanyang ulo.

Hannah: Rose. Rose!

Hindi sila napansin, o pinansin, ni Rose.

Naubo si Hannah sa may kama, nakaharap siya kay Rose.

Hannah: Rose. Ipapakilala ko yung bago nating room mate. Si Louise.

Ngunit hindi parin namamansin si Rose.

Biglang sumigaw ng malakas si Hannah.

Hannah: CRUSH KA NI KEAAAAN ROOOSE!

Bahagyang umurong at tumingin si Rose kay Hannah na buong buo na nakangiti kay Rose.

Binaba ni Rose ang kanyang headset.

Rose: Ano problema mo?

Hannah: Ayan. Ipapakilala ko yung bago nating karoom mate. Si Louise!

Nakakunot ang mga mata at nakangiwi ang mga labi, tumingin siya kay Louise. Itinaas ni Louise ang kanyang kamay at bahagyang iwinagayway.

Louise: Hello.

Rose: Hi.

Hannah: Handshakes!

Tiningnan ni Rose ng masama si Hannah.

Rose: Kailangan pa ba?

Hannah: Oo!

Rose: Tsk.

Tumingin ulit si Rose kay Louise at iniabot ang kanyang kamay dito. Iniabot din ni Louise ang kanyang kamay at naghandshake sila.

Rose: Rose Ann Olmos. Guitarist at vocalist ng bandang VVoke. Note. Yung W, actually double V.

Ngumiti si Louise nung makita nyang bahagyang ngumiti si Rose.

Louise: Louise Anne Perez. Taga 'Gawindaan' po ako.

Rose: Yung isa ko ring kabandmate, taga-Gawindaan.

Tumingin sa kanyang likod si Rose at para bang may inabot mula sa kanyang mga unan.

Pagkaraan ay humarap si Rose na para bang may hawak na maliit na stub.

Rose: Attend ka sa isa naming gig kapag may time ka. Dyan lang sa Freedom Cavern.

Kinuha ni Louise ang stub at pinagmasdan ang stub. Black background, may litrato ng kung sino mang lalaki na may hawak na gitara sa kanan. Sa kaliwa ay nakasulat yung katagang "Feel the Spirit of Late Teenage Years. 8PM"

Louise: Uhm... Diba masyado nang late 8 PM?

Rose: Pssshh. Masasanay ka rin sa sched na yan. Lalo na kapag nag-aaral na tayo sa Gran State.

Louise: Uhm... si... ge?

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now