Chapter 01

81 4 0
                                        


She who believes,

She who will make it happen.






***
Photocopied Form 6.

No Professors or maybe late Professors.

Students wandering around-old and new.

No uniforms.

Loud chats.

Ahh. . .Hello first semester!



Since it's the first day of this new semester, like the usual, everyone's busy lining up in the Admin building for late enrollees. Yung iba naman di pa tapos magpa-photo copy ng Form 6 nila. First day na first day, cramming agad!



As for me, di ako pumasok sa first and second class ko ngayon. I'd rather observe these people today than to go to class and just pass my form 6 then dismissed. Feeling badass ako ngayon lang naman. Sa tinagal-tagal kong estudyante dito, kabisado ko na ang kalakaran, lalo na pag sinabi nilang exam week, walang nagpapa-exam, the week after tsaka sila magsasabay-sabay.

Nilabas ko na lang yung yellow pad ko at nagsulat.

Day 1

While you're too busy looking for the right thing,

You're missing your chance to find the weird one and make it awesome.

Sinulat ko ulit sa isang yellow paper saka ko inipit sa may bakal dito sa grandstand. Someone might need 'that' for today. Pagkatapos kong gawin 'yon, inayos ko na ang mga gamit ko saka naglakad palayo.

"Lagot ka. Di ka pumasok ng dalawang subjects! Nag-attendance kami." sabi sa akin nitong kaibigan kong si Milka. Nandito kami ngayon sa OSA nakatambay since kagagaling lang naman naming mag lunch sa Alumin Food Court na nasa gawing harap lang nitong OSA.

"Maka-lagot ka naman sakin parang bata lang. Tsaka, aware akong di ako pumasok wag mo ng ulitin."

"Hay naku, ewan ko sayo, Sofia!" di ko na lang siya pinansin. Kinuha niya na lang yung libro niya na An Abundance of Katherines ni John Green saka nagbasa.

"My first Lindsey, my second Collin." Sabi ko.

When she realized what I said bigla niya na lang hinampas sakin yung libro. "Shutanginamers! Spoiler ka!" natatawa na lang ako sa kaniya. Di niya na kasi tinuloy yung pagbabasa. Nilabas niya na lang yung cellphone niya saka nag-twitter. I even heard her say badtrip or something like that. Busy naman akong magmasid sa mga tao. Iba't-iba yung mga ginagawa nila. Dahil nakatambay nga kami dito sa labas ng OSA, girl's dormitory yung nasa gilid namin ay rinig na rinig ko yung ingay ng mga babae na nakatambay sa hall nila.

Agad ko namang nilabas yung cellphone ko at nanguha ng mga pictures ng mga taong naglalakad. Mga engineering students na may mga bitibit na T-square. Tapos makakasalubong nila yung mga estudyanteng ma-i-ingay. . .Ah, Educ!

Ganyan naman siguro pag Educ student, matik na maingay. Ganito na siguro sil--kami pala. Ang pinaka-maingay na college lalo na pag University Intramurals. 'Go Mighty educ!' sabay hampas ng 1.5 bottle na pina-require ng Student Council namin. Lalagyan ng bato para solid!

May mga nag-aaral naman sa kabilang side ng OSA. Mga BA na akala mong laging sasabak sa Acquaintance Party, tuwing Monday kasi naka corporate attire. Ako 'tong init na init sa mga ito pag nakikita ko sila. Hello, init sa Pinas, anong dram ng 3/4 at dress nitong mga 'to?

Pero blessing rin minsan yang mga yan, madaming pwedeng hiraman ng dress pag Acquaintance. Picture lang ako ng picture sa kung anu-ano. Tao, halaman, bato, ulap, NATO--yung association ng mga tricycle drivers dito sa loob ng University-mga legit drivers, nang hampasin ako bigla ni Milka.

"Shutanginamers!, ano na naman!?" inirapan niya lang ako.

"Ilapit mo pa! Di pa ko bulag! Sige pa!" Ilagay ba sa mismong tapat ko yung cellphone tapos ilang centimeters na lang. Di na lang dinagan sa akin. Luka-loka.

"Sorry naman daw! Tignan mo kasi 'to oh! My heart went oops!"

Tinabig ko naman yung kamay niya. "Anong gagawin ko naman dyan?" sagot ko. Yung crush confession nya kasi ay na-i-post na. Kilig na kilig naman ang gaga.

"Sofia! Grabe, nag-comment siya! Sa dinamirami ng mga confessions para sa kanya, dito sa post ko pa sya nag comment! Is this love?"

Napairap na lang ako. "Love? Shunga, basahin mo nga munang mabuti yung comment niya bago ka kiligin."

Agad naman siyang bumalik sa pagkakaupo at tumabi sa akin para mabasa naming dalawa yung comment nong crush niya.

Jude de gracia: thank you po. But I don't have plans to have a girlfriend yet.

Halos mabitawan ni Milka yung cellphone niya. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa hitsura niya. Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa dahil benta talaga sa akin yung comment ng Jude na 'yon.

"Nakakainis ka! Tawa ka pa dyan!"

"Malamang! Nakakatawa naman kasi. Sino ba kasi ang nagsabi sayo na magkagusto ka sa isang university scholar at isang certified Nerd?" Parang shunga rin kasi e, alam nyang running for laude itong Jude na 'to, magtataka pa siya. Pati kasi ID number ni Jude, alam pa ni Milka, kaya alam na alam naming ang GPA niya. Certified stalker.

"hay naku, Jude! Napaka-boring ng buhay mo! Panahon na para makilala mo ako!"

And just like that? Milka is in good mood again. Nag-iisip na siya ng mga plano para makapasok sa Dull And Boring life raw ng kaniyang crush. Susmaryosep.

KINABUKASAN pumasok na ko sa Alas siete kong klase. Muntikan pa kaming ma-late ni Milka sa katagalan niyang kumilos at dahil napuyat siya kakabrainstorm kung paano raw sila magkakalapit ni Jude. Siraulo talaga. Naka-boarding house kaming dalawa labas lang ng campus. Apat kami sa room, dalawang engineering students.

"Sa susunod iiwan na talaga kita!"

"Sorry na. Di ako aware 7 pala today! Akala ko 8:30!" di ko na siya pinansin basta takbo na lang kami ng takbo. Room 310 B kami ngayon buti na lang may nakita akong nakatambay pa sa labas. Wala pang teacher.

"Shutanginamers! First time kong mag-marathon! Hah!" hingal na hingal siyang tumabi sa akin sa bandang gitna. Nakalimutan kong may asthma pala 'tong babaeng 'to.

"Inom ka muna." sabi ko sabay abot ng tubig. Nag thank you naman ito.

6:53 na pero kulang pa kami. Tinignan ko yung subject namin sa form 6 ko, Humanities.

Sinaksak ko muna yung headset ko saka ko pinatugtog yung paborito kong kanta ng Paramore-Last Hope.

Sarap na sarap pa ako sa pagkanta. May pa-pikit-pikit pa ng kalabitin ako ni Milka.

"Teh, maya ka na mag-concert, may teacher na sa harap."

"Shit." agad kong tinago yung headset ko sa bag saka umayos ng upo. "Sorry po, Sir!" halos lamunin naman ako sa kahihiyan dahil narinig ko na lang yung tawanan ng mga kaklase ko pati yung teacher namin tumatawa na rin. Tinignan ko naman yung katabi ko, pigil na pigil din.

"Ilabas mo na yan, mamaya mautot ka pa." at nakisabay na rin siya sa pagtawa.





Day 2

Don't make foolishness a cloth to wear everyday even if it suits you.

The Universe and Us (On-going) CLSU 1Stories to obsess over. Discover now