Habang naglalakad ay napatingin si Grant sa kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko at agad nitong binawi ang pagkakahawak roon, "I'm sorry." ani nito dahilan para mapailing ako rito.

"No. It's alright." mas mabuti nga kapag hawak nito ang kamay ko. Gusto kong sabihin iyon pero nakakahiya.

"Nagugutom ako. Kumain muna kaya tayo?" tanong ni Triton sa tabi ko. Napatingin sa kaniya si Grant at agad siyang inirapan nito.

"Edi kumain ka mag isa mo." anang nito at bumaling sa akin, "Saan mo gustong sumakay?" tanong nito sa akin.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko at pinaharap ako sa isang direction, "Doon kaya tayo? Mukhang maganda eh." saad ni Triton atsaka nito tinuro ang horror house kaya agad nanlaki ang mata ko at napabaling ng tingin kay Grant. Hindi mahilig sa ganoon si Grant at matatakutin siya sa mga multo.

"Edi ikaw pumasok roon ng mag isa mo." naiinis na saad ni Grant. Doon na nagsimula ang asaran at hamunan nang dalawa na parang wala ako sa gitna nila.

"Bakit takot kaba? Kalalaki mong tao natatakot ka sa ganiyan."

"S-Sinong nagsabing takot ako? Ako matatakot diyan? No way."

"Talaga? Tara pasok tayo?"

"Pumasok kang mag-" agad kong itinaas ang dalawang kamay ko sa gitna ng mga mukha nilang dalawa. Tumingkayad pa talaga ako para maabot silang dalawa atsaka nagsalita.

"Pupuwede bang tumigil na kayong dalawa? Para kayong mga aso't pusa. Palagi nalang kayong nag aaway." saad ko sa mga ito atsaka naiinis na tinignan si Triton.

Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa dibdib ko, "Ikaw naman Triton. Sino ba kasing nagsabi na sumama ka? Pinagpipilitan mo lang ang sarili mo na sumama sa amin tapos ikaw pa 'tong manggugulo." naiinis na saad ko atsaka nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa.

"Kung mag aaway rin lang naman kayo buong hapon, uuwi nalang ako. Kayong dalawa nalang ang sumakay sa mga gusto niyong sakyan at nang magkaroon kayo ng magandang usapan at magbati na kayong dalawa. Mas lalo akong naiis stress sa inyo." inirapan ko ang mga ito atsaka agad nang naglakad papalayo roon.

"Teka-" hindi natuloy ni Triton ang sasabihin ng nagsalita na si Grant.

"Wag mong kalilimutan iyong dinner with Mommy, okay?" napangiwi ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi ko sila nilingon kahit na isang beses. Pagkarating ko sa labas ng park ay naiinis na sinipa ko ang basurahan na nakita ko sa may gilid.

Ang akala ko pa naman ay pipigilan nila ako at magsosorry sila tapos magbabati para sa akin. Pero hindi nangyari 'yon, ang nangyari parang mas gusto pa nilang umalis nalang nga ako.

Baka naman sila talaga para sa isa't isa? Wag naman sana. Ang klaseng nilalang na kagaya ni Grant, ang genes niya dapat naipapasa at naipapares sa genes ko at ng makabuo kami ng bagong angkan na punong puno ng mga gwapo't magaganda.

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng tanong ni Mama kung nasaan na at kung anong nangyari sa legal niyang anak, "Wag niyo akong simulan ng ganiyan Mama. Nakakainis 'yong legal niyong anak, unti nalang lalayas na ako rito upang hindi ko siya makita." saad ko dahilan para kumunot ang noo ko.

Hindi na ako pinansin nito kaya agad akong nagtungo sa loob ng kuwarto ko atsaka nagpicture ng dalawang shot at ipinost sa instagram.

#HindiSinipotNgKadate

Maya maya lang ay may tumawag sa phone ko kaya agad ko iyong sinagot, hindi na tinignan kung sino ang tumawag.

"Hello?"

"Sid!"

Napataas ang kilay ko, "Yes, Sarah? What's wrong?" tanong ko rito.

"Do you remember Raphael? Yung nagsesend sayo ng mga gifts? I saw him. Nandirito siya kanina sa labas ng bahay. Siya 'yong nakita kong naglagay ng regalo sa harapan ng gate ng bahay namin, though i didn't see the face of the guy clearly but i'm sure siya talaga 'yon." ani nito kaya agad akong napakibit balikat.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWhere stories live. Discover now