Natulak ni Matteo si Sarah at napasandal ito sa pinto ng sasakyan. Si Matteo naman ay nasa driver's seat na, hindi manlang nito pinagbuksan ng pinto si Sarah.

Binuksan pa ni Matteo ang car window at sumigaw ulit. He saw Sarah crying. "Hindi ka pa papasok? Ano na naman yang iniiyak mo?" 

Lumabas siya ng sasakyan at nagulat siya sa nakita. He saw blood running into Sarah's thigh. "Matt." Saka ito nawalan ng malay. 

Matteo' POV:

I am the most stupid man on earth! Damn it! Ang dami ko ng kasalanan kay Sarah tapos ganito pa. One week after makunan si Sarah, hindi na niya ako kinausap, hindi na siya nagpakita sa akin. Even Gab and Shin are mad at me. Hindi ko naman sila masisi, gago kasi ako eh.

Nalaman ko na nag-file ng leave si Sarah, kaya kahit walang kasiguraduhan na makakapag-usap kami, pumunta parin ako sa bahay nila.

"Gab, sige na please, kakausapin ko lang ang Ate mo." Paki-usap ko kay Gab. Lihim ako na nagdadasal na sana, maunawaan niya ako. 

"No. Kuya Matt, masyado mo na siyang nasaktan, tama na." 

"Gab, please."

"Umalis ka na Kuya ---"

"Gab, sige na. Ako na bahala dito." Nagliwanag ang mga mata ko nung makita ko siya. Miss na miss ko na ang mahal ko. Pumayat siya, mukhang puyat din. 

"Pero Ate..." Ayaw talaga pumayag ni Gab. 

"Ayos lang ako. Sige na, doon ka na muna sa kwarto mo."

Sarah let me enter their house. Pareho kaming nakaupo sa sofa, nagpapakiramdaman. But since ako naman yung may kasalanan, ako yung unang nagsalita.

"I'm sorry, Love. I'm sorry." Hinawakan ko yung kamay niya. "Please tell me what to do para mapatawad mo ako."

"Matteo, nahihirapan na kasi ako. Hindi ko naman sinisisi yung bata, pero kasi simula nung dumating siya, parang kinalimutan mo na ako." Nag-uumpisa ng mag-unahan ang kanyang mga luha sa pagpatak. Hawak ko pa rin yung mga kamay niya at hinahalikan yun. "Napapagod na akong makihati Matt eh. Napapagod na kong makihati sa pagmamahal at atensyon mo. Masakit man, pero talo ako eh. Talo ako kay Matthew. "

"But you still love me, right?"

"Hindi ko na kaya Matteo. Gusto kong sabihin na hindi na kita mahal, pero kasi lolokohin ko lang ang sarili ko eh. Mahal na mahal kita. Alam mo yan. Pero siguro hanggang dito na lang talaga tayo. Tapusin na natin 'to."

"No, Sarah. Sampalin mo ako, suntukin mo ako, kahit ano, pero please, wag ganito. Please, Sarah. Don't give up on me, please.." I am already crying while hugging her.

"Matteo, palayain mo na ko, palayain na natin ang isa't isa." Tumayo na siya. "Wala na tayong dapat pag-usapan, makakauwi ka na."

Hanggang dito na nga lang ba kami?

Sana panaginip na lang ito. 

Perfectly Imperfect (AshMatt FanFiction) [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now