Influencer

37 3 0
                                    

"Hit that subscribe button at i-click mo na din ang notification bell sa gilid para palagi kang updated kapag magu-upload ako ng bagong video. Bye!" At nag flying kiss siya sa harap ng camera.

Nang mapatay na niya ang camera, humarap siya sa'kin at nginitian.

"O ano? Ayos ba? Mukha naman akong disente diba?" Tanong nito sa'kin.

"Oo, ayos naman. Plastik ka talaga." At tumawa ako.

"Gaga! Kailangan 'yon para naman mahalin ako ng mga tao. You know, para kapag nakita nila ako na mukhang mabait, mamahalin nila ako tapos isusuggest nila ako sa iba nilang kakilala, then boom! Sikat na sikat na ako." Aniya sabay tawa at kinindatan pa ako.

She's Zoey, my childhood friend. Lahat ng gusto niyang gawin ay sinusuportahan ko. Pati na rin ang pagv-vlog niya. Kung saan siya masaya, susuportahan ko siya. Iyon naman ang tungkulin ng kaibigan.

"Nakakairita talaga 'to." Biglang inis niyang sabi sa'kin.

"Ano ba 'yan?" Tanong ko rito.

"Parang tanga. Sabi ba naman sa'kin. 'Hoy babaita ka! Wag ka ngang hipokrita, ang bitchy kaya ng attitude mo sa totoong buhay'." Natawa naman ako nang umirap ito sa hangin.

Totoo naman kasi, attitude talaga itong babaeng 'to.

"Bakit? Hindi ba totoo?"

"Totoo! I mean pwede bang manahimik nalang siya? Pasalamat siya mabait ako dahil ayaw kong masira ang image ko. Kainis!" Kita mo sa mukha niya ang pagkairita.

"Chill." Sabi ko na lamang.

Isa siya sa mga kinikilalang influencer dito sa Pilipinas kaya ayaw na ayaw nitong masira ang image niya.

———————————

"Omg! Ate Zoey!!!" Narinig naming sigaw ng isang fan niya. Nginitian ito ni Zoey pero nakita ko ang pasimpleng pag-irap niya. Nakasuot kasi ito ng mamahaling sunglasses.

"Umayos ka naman, Zoey. Be nice to her." Pabulong kong sabi sakaniya.

"Paano ako magiging nice? Like hello? Gusto ko ng freedom ngayon tapos may biglang lilitaw na fan?" Pabulong din niyang sagot.

"Hayaan mo na." Nasabi ko nalang.

"Ate Zoey! Pwede po bang papicture?" Masayang tanong ng fan kay Zoey.

"Sure." At pumeke siya ng ngiti. Alam kong peke 'yon dahil ayaw niya ng istorbo pero may isang lilitaw na fan.

Napailing nalang ako sa aking nasaksihan. Mali na 'to. So sobrang mali. Masyado na siyang nilalamon ng kasikatan.

————————————

"Kung sila ay nagbabasa ng mga hate comments, tayo naman ay magbabasa ng mga puri sa'kin. Good vibes lang tayo dito!" Masayang sabi ni Zoey sa harap ng camera pero alam kong peke lang ito. She's trying to be kind para lalo siyang mahalin ng mga tao.

"'Ang bait niyo po ate Zoey!'" Basa nito sa isang comment. "Aww, salamat!" Pagpapatuloy niya.

Nang matapos itong magvideo, nawala ang mga ngiti nito sa mukha. Umirap ito ng isang beses sabay harap sa kaniyang cellphone.

"Ang paplastik ng mga gaga! Jusko! Pero nagustuhan ko yung mga comment nila. Walang katotohanan" She said in a sarcastic tone. "Except doon sa maganda at sexy, like duh! Alam ko na 'yon." Yabang.

I'm her friend pero hindi ko nagugustuhan ang ugali niya. Dati naman itong mabait e. Binago lang ng social media. Lumaki ang ulo.

"Zoey, why?" I asked her.

"Anong why? Bobo ka na?" See, pati ako ginaganyan niya na.

"Bakit? Hindi ka naman ganiyan dati ha? Nagbago na yung dating Zoey na kilala ko." Pagkokompronta ko sakaniya. Hindi ko na kaya. Kailangan na siya turuan ng leksyon.

"So? Paki mo?" Sagot niya.

"Lumaki na ang ulo mo. Nilamon ka na ng social media. Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Be kind naman, diba ganoon ka naman dati?"

"People change."

"People can change, but not in a bad way. Ikaw? Hindi e. Dumami lang fan mo lumaki na ulo mo." I said.

"Inggit ka? Gaya ka." Wow! Just fcking wow!

"Sana ayos ka pa, Zoey. Sana inisip mo na kahit sikat ka na, naa-appreciate mo pa din yung mga taong nasa paligid mo. Yung tipong pantay lang ang tingin mo sa kanila at sa sarili mo." Nakita ko siyang umirap sa sinabi ko.

"Pagod ako, alam mo 'yon" Aniya.

"Oo, alam kong pagod ka! Pagod ka kasi focus ka sa pagpaparami ng fans mo. Pagod ka dahil focus ka sa pagpaparami ng followers at subscribers mo! Pagod ka dahil focus ka sa pagiging sikat mo! At higit sa lahat, pagod ka dahil puro 'yan nalang ang inaatupag mo!" Hindi ko na matiis kaya may galit ang sigaw ko sakaniya. "At pagod na din ako. Pagod na akong makita kang nagbabago. Pagod na akong tyagaan ang nagbabago mong ugali. Oo, kaibigan mo ako pero mali na 'to." Pagpapatuloy ko.

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata.

"Alam ko, dapat hindi ako nakikialam sa mga ginagawa mo. Pero kaibigan mo ako, Zoey. Ang tanging hinihiling ko lang na sana kahit sikat ka na, wag mo pa rin kakalimutan kung saan ka nagumpisa. Iappreciate mo yung mga taong sumusuporta sa'yo. Hindi yung tinatarayan mo tuwing hindi sila nakatingin. Nagmumukha silang uto-uto." Tumigil ako saglit at nagpatuloy muli. "Hindi porket nasa taas ka na, pwede ka nang magyabang. Tandaan mo, Kung wala ang mga fans mo, wala ka din sa kinakatayuan mo ngayon." At doon tuluyan na siyang humagulgol.

Pareho lang tayong tao dito. Kahit anong estado mo sa buhay, kahit sikat ka, mayaman, mahirap, o kung ano pa. Pare-pareho lang tayong namumuhay sa mundong 'to.


—————
•End•

vote and leave a comment

One Shot Stories Where stories live. Discover now