The Red Cape Murderer

89 6 2
                                    


6:00pm, nandito ako sa mall, actually kasama ko kanina mga friends ko pero umuwi na sila and I decided na dito muna ako kasi wala naman akong gagawin sa bahay.

Habang naglalakad ako, nakakita ako ng milktea at dahil sa paborito ko iyon, agad akong bumili.

Sa kalagitnaan nang pagsipsip ko ng milktea ay may nabasa ako sa twitter.

"If you think you're strong, search this 'The Red Cape Murderer'"

At dahil na rin sa wala akong magawa, sinearch ko na ito.

Bago iyon, sinuot ko muna ang earphone ko kasi ayaw kong nagbabasa tapos maingay ang paligid.

Ayon sa aking nabasa, ang 'Red Cape Murderer' ay base sa totoong storya, creepy pero nag-eenjoy ako.

Si Aka Manto ay ang spirit or ghost murderer at madalas daw itong nagpapakita sa mga public or school bathrooms. At kadalasan daw itong nagpaparamdam sa female bathrooms.

Makikita mo daw si Aka Manto na naka-suot ng isang mahabang kulay pulang cape at puti or gintong maskara para hindi mo makita ang kanyang totoong itsura

Kapag daw ikaw ay nasa cr at tahimik ang paligid, may bubulong at tatanungin ka kung anong kulay ng paper ang iyong gusto, asul o pula, sa ibang bersyon ng storya ang kanyang tinatanong daw ay kung red cape or blue cape.

Ngunit ang akala daw ng iba ay ito ay isang uri ng toilet paper na ipupunas sa kanilang pribadong parte ng katawan pero iba na pala ang ibig sabihin nito.

Kung pula ang iyong pinili ay maari kang saksakin ni Aka Manto hanggang sa kumalat ang iyong dugo sa iyong katawan at mag-mukhang cape katulad ng kanya.

Kapag asul naman ang iyong pinili ikaw ay kaniyang ibibigti hanggang sa mawalan ng hangin ang iyong katawan.

Pero may paraan upang matakasan mo ito, dapat ay wala kang pipiliin sa kahit sa ano man sa dalawang kulay.

Pagkatapos kong basahin ay kinilabutan ako at nagsitaasan ang mga balahibo ko. Hindi ko namalayan ubos na pala ang milktea ko at nakaramdam ako na kailangan kong umihi.

Pagpasok ako sa bathroom ay may dalawang babaeng nag-uusap at mukhang paalis na. Pumasok na ako sa dulong cubicle at kung minamalas ka nga naman, walang toilet paper.

Pero nasa toilet na ako, hindi na ako makalipat ng cubicle.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng bulong, inisip ko na baka may pumasok at iihi rin. Ngunit hindi pa rin tumitigil ang bulong kaya natakot na ako ay nagmadaling umihi, pero kailangan ko talaga ng toilet paper!

Ang init, pawis na pawis na ako dahil sa kaba.

"Asul o pula?" Tanong ng nasa labas, natigilan ako sa kanyang tanong at ang paraan niya kung paano sabihin ito ay pabulong.

Tugma ito sa aking nabasa kanina, pero ang sabi sa website ay dapat wala kang piliin dahil ito ang paraan upang hindi ka niya patayin, kaya naman dali-dali ko itong sinagot.

"W-wala!" Nanginginig na sigaw ko at walang ibang choice kundi magmadali at umalis na. Salamat naman at tumigil na ang bulong, mukhang pinabayaan na ako.

——————————————————

Nang maka-uwi na ako ay agad akong nagpalit ng pambahay at nag-cellphone na lamang. Sinabi ko sa mga kaibigan ko ang nangyari at binalaan sila ngunit hindi sila naniwala dahil ang akala nila nagbibiro lang ako.

Nang mapagod na ako mag-cellphone, naghanda na ako para matulog.

Alas tres ng madaling-araw, naalipungatan ako at naiihi, kaya naman bago pa ako maka-ihi sa kama, pumunta na ako sa cr.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon pero bumubulong sa tainga ko. Minulat ko ang inaantok kong mata at sinilip ang paligid pero wala akong nakita, malamang guni-guni ko lang 'yon.

Imposibleng nasundan ako ng Red Cape Murderer dahil wala akong pinili sa kanyang sinabi.

Pero huli na ang lahat nang madatnan ko ang sarili ko na balot na balot ng sariling dugo at ramdam ko ang pag-sikip ng lubid sa aking leeg at unti-unting nawawalan ng hangin.

Hindi totoo ang sinabi ng website dahil sa huli kahit wala kang piliin, susundan ka pa rin ni Aka Manto at mas malala ang iyong sasapitin.

Everything is a lie.

Mag-ingat ka, baka ikaw na ang susunod, Baka nasa tabi mo na siya at sundan ka sa banyo.

Magbabanyo ka pa rin ba?


—————
•End•

vote and leave a comment

One Shot Stories Where stories live. Discover now