Mac: Wag kayo mag-alala. Kilala ko yung may-ari ng apartment na to. Ako bahala.

Juls: Oh! Ok na pala eh. *nakatingin kay Irene*

Irene: Ok... *bigla nyang dinuruan ng masama si Mac* Pero kapag yang sinasabi mo hindi totoo...

Mac: Sakin ka pa nagdodoubt? Wag kang mag-alala, *double finger gun kay Irene* Mac got yo Bac.

Napangiti si Juls. Derecho lang ang tingin ni Irene kay Mac, pagkaraan ay tumingin sya sa kanyang orasan.

Irene: Uwi na pala ako Jules.

Jules: Hindi ka muma ba kakain?

Irene: Hindi na. Baka gabihin pa ako masyado.

Jules: Sigurado ka? Baka walang pagkain sa inyo?

Irene: Meron yan. Ok lang, uwi na talaga ako.

Juls: Tara, hatid na kita.

Irene: Wag na. Magulo sa amin.

Mac: Boi! Girl. Wag ka lalakad ng mag-isa sa syudad. Sabi nila.

Irene: Ok lang nga talaga.

Tumayo si Juls at humarap kay Irene.

Juls: Hindi, samahan ka na talaga namin. Parang pasasalamat ko narin sayo dahil buong maghapon mo ako tinulungan maghanap ng bahay.

Mac: Ako yung nakahanap. Siya lang yung nagcheck.

Tumayo si Mac at lumugar malapit sa likod ni Irene.

Mac: Pero samahan ka na namin. Gusto ko malaman kung san ka nakatira eh. All girls dorm ba yon?

Humarap si Irene kay Juls.

Irene: Sige na nga. Tara na.

Mac: Huuy! All girls dorm ba yon? Wait! Tinatanong kita.

At nagsimula na silang maglakad palabas ng kwarto na iyon.



--------------------------------------------------

SCENE 13

Naglalakad ang tatlo sa labas, papunta sa bahay ni Irene.

Mac: Gaano na kayong katagal magkakilala?

Juls: Nagkakilala kami dati ni Irene sa high school. Magkaklase kami simula nung first year hanggang third year, bago ako lumipat ng school.

Mac: Bakit ka naman lumipat?

Tumingin si Irene kay Juls na nung una ay nakatingin lang sa ibaba.

Juls: Nagkaroon ng problema sa bahay. Lumipat ako sa lola ko nun.

Mac: Tapos noon kailan ulit kayo nagkita ni Irene? Ngayon ngayon na lang?

Juls: Nung June, kinontak ko ulit si Irene, dun sa luma nyang phone number. Di ko sya makita noon sa facebook. Di ko nga sure kung nakarating yung message ko sa kanya kasi ang tagal na rin nung huli ko syang tinext.

Mac: Seryoso? Kasi, ewan, parang ang tagal nyo na magkaibigan.

Juls: Matagal na nga kami magkaibigan. Ngayon ngayon na lang kami ulit nagkasama.Mac: Sana lahat ganyan.

Juls: Ikaw ba? Sino kasama mo dito nung lumipat ka?

Mac: Ako lang. Mahirap kausap yung mga iba kong kasama eh. Tagal tagal mag-ayos. May plano pang iniisip kuno.

Juls: Hindi ka ba nahirapan o natakot pag dating mo dito?

Mac: Bakit naman ako matatakot? Ang naging takot ko lang nung una akong napadpad dito is napakafamiliar na ng syudad nato sa akin kahit na first time palang ako napupunta dito.

Juls: Baka napunta ka na dito dati, di mo lang natatandaan.

Mac: Iyun eh last 2 years pa. Nakapagadjust na ako. Kaya ngayon, wala na kong kinakatakutan... Except... Meron pala.

Juls: Edi matutulungan mo pala kami kung sakaling may hinahanap kami sa syudad na to hahaha.

Mac: Depende.

Mula doon ay huminto sa Irene.

Irene: Dito na ako Juls. Ikaw rin.

Mac: Bakit hindi ko alam yung lugar na to.

Nakatingin sila sa apartment building, two floors. Mas maraming kabataan ang makikita mong nakapaligid sa lugar. Puro babae.

May tumutunog na kung ano mang beat na pang party sa itaas.

Mac: May nagpaparty ba sa taas?

Irene: O... oo.

Juls: Lagi bang ganyan dyan?

Irene: Akala ko nung una nung simula lang. Pero pang apat na araw nang ganyan kaingay sa amin.

Juls: Paano ka nakakatulog? Nakakagalaw ka ba dyan ng maayos?

Irene: Wag mo na isipin. Sanay na ako.

Mac: Parang gusto kong *himas himas ng palad*. May nakakapasok ba dyang lalaki?

Irene: Hindi pwede.

At mula doon ay naglakad si Mac papasok ng building.

Irene: Anong ginagawa mo? Hoy!

Juls: Huy Mac. Bawal nga lalaki sa loob ng building.

Hindi rin napigil ng dalawa si Mac sa paglalakad, pero bigla itong huminto nung andun na sya sa entrance ng apartment.

Mac: Joke lang.

Biglang hinampas ni Irene si Mac sa balikat.

Mac: Ouch!

Irene: Bakit ka huminto? *pataray*

Mac: Syempre nagbibiro lang ako. Eto namang Irene oh, hindi mabiro.

Lumakad sina Irene sa harap nila Mac at Juls.

Irene: Ok na ko guys. Umuwi na kayo. Ako na bahala dito.

Juls: Pero sabihan mo kami kung naaabala ka na ng mga kasama mo sa bahay ha. Papakiusapan namin sila.

Irene: Papakiusapan. Sinubukan ko na. Oh sige. Bukas na lang ulit!

Juls: Sige sige. Good bye.

Mac: Bye sweetie!

Kumunot ang noo ni Irene kay Mac.

Mac: Joke lang! Eto na! Paalam na! Sosolohin ko na si Juls.

Juls: Ano sinasabi mo, *pabulong kay Mac*

Mac: First time ko makikipag sleep over.

Juls: Seryoso? Ako rin.

Mac: Nice!

At naglakad ang dalawa nating lalaki palayo kay Irene. Pinagmasdan sila ni Irene hanggang matakpan sila ng kanto mula sa malayo.

Until we're ready enoughDonde viven las historias. Descúbrelo ahora