Mac: Ano ba standards niyo sa paghahanap ng isang dorm?
Juls: Ako basta makahanap lang muna ng tutulugan ngayon.
Mac: Hindi mo ba yan pinlano bago kayo nagpunta dito?
Juls: Ehhhh... *napatawa ng kaunti* Napasubo kasi ako. Wala sa plano ko ang mag-aral sa school at tumira sa syudad nato pero--
Biglang humarap si Mac kay Juls ng nakangiti.
Mac: Impulsive... Magkakasundo tayo nyan bro.
Inilagay ni Mac ang susi sa pintuan at binuksan ang kwarto. Naunang pumasok si Mac, tapos si Juls at si Irene.
Irene: Diba dapat sa may-ari tayo ng apartment makipag-usap?
Mac: Bukas na kayo makipag-usap. Saka tiyak naman dito ka rin nya ipagkakwarto. Isipin mo na lang advance screening to ng magiging bahay mo.
Pagbukas ni Mac ng ilaw ay bumungad sa kanila ang dami ng nakatambak na plakard, pintura, paint brush, pinturang tumapon sa sahig, ilang food chips, cds at dyaryo sa sahig at upuan.
Irene: Tsk.
Mac: wag kayo mag-alala, hindi laging ganyan kadumi sa room ko. Nagkaroon lang kasi ng emergency kaya...
Humarap si Irene kay Juls.
Irene: Magliliboy na ako wa?
Juls: *harap kay Mac* Maglilibot lang daw si Irene. Pwede ba?
Mac: Ok na ok! Feel free! Wag kayo matakot. Wala akong ibang kasama dito.
Nagsimulang maglakad si Irene at iniwan sila Mac at Juls sa pintuan.
Di malaunan ay inaya ni Mac si Juls na maupo sa sala.
Mac: So let's have the the pre-dorm mates formal initiation... My name is Macchiavelli Joson. Wag mo kong tatawaging Makoy kung ayaw mo nang kaaway.
Naupo si Mac sa sala, magkaharap sila ni Juls.
Mac: Initial fact siguro tungkol sa akin is, first, lagi akong lumalakad, and second is marunong ako mag martial arts.
Juls: Julius Smith. At... yung kasama ko is si Irene Fuentes. Initial fact siguro, marunong ako magluto.
Mac: NICE!
Nagulat si Juls
Mac: Pangalawang fact?
Juls: Palakaibigan ako.
Mac: Meh... *sumandal sa likod* Wala bang exciting bukod sa palakaibigan ka?
Dumating si Irene sa sala. Lumagay sya sa gilid ng set sa tabi ni Juls.
Irene: Ok yung banyo. Nakakagulat. Ok yung lutuan. Nakakagulat. May apat na room. Isa lang yung bukas, siguro iyun yung kay Mac. Malamig dito kahit na hindi aircon. Mahusay. Bukod sa amoy ng pintura ngayon... O... K naman sya.
Juls: Salamat Irene. Approve sayo tong dorm na to?
Irene: *tumingin siya kay Mac, nanliit nanaman ang mata* Kung ako yung titira dito, ang tanging deal breaker lang sakin ay yung nakatira dito.
Mac: Wow.
Irene: Pero mukhang nagkakasundo naman kayong dalawa kaya... ok na rin.
Juls: Ayown. Bale ang kulang na lang ay yung approval nung may-ari.
Irene: Iyun nga yung mali eh, dapat kinausap muna natin yung may-ari ng apartment nato. Baka mamaya hindi pala payag yung may-ari, nasayang lang lahat ng effort natin dito.
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 1 - 4
Start from the beginning
