Mac: Pero hindi pa sapat yun!
Juls: Tara, alis na tayo.
Nilagay ni Juls ang megaphone malapit sa kanyang bibig.
Juls: Sorry po! Mejo masama lang po ang loob ng kasama ko ngayon.
Lumuhod si Mac.
Juls: *nakalagay parin ang megaphone sa bibig* Umiiyak ka ba?
Irene: *pabulong* Huy Juls.
Mac: Ba... bakit ang hirap mag rally. *nakayukod at nakatakip ang mukha*
Juls: Ok lang yan. *nakamegaphone*
Nanahimik na lang si Mac sa kanyang pustura.
Humarap si Juls ng direcho sa kanyang paligid at nakitang may iilan na nakatayo sa paligid. Yung iba ay may hawak pang cellphone at vinivideo ang nangyayari.
Nilapitan naman si Juls at Mac nina Irene at ng isa pa nilang kasama.
Kasama: Tara na at umalis na tayo dito.
Juls: *humarap siya kay Mac at yumukod* Tara, umalis na tayo.
Suminghot ng sipon si Mac.
Mac: Tara.
--------------------------------------------------
SCENE 11
Nakatayo ang apat na kabataan sa harap ng isang three story apartment building. Mas madilim na ang paligid kumpara sa kanina. Walang ibang tao ang dumadaan sa paligid.
Mac: Ito na.
Patuloy paring pinagmamasdan ni Irene at Juls ang nasabing lugar.
Kasama ni Mac: Bale guys. Uwi na ako ha. Bukas na lang!
Mac: Salamat sa pagsama Allen! Sorry din sa kalat ko kanina
Allen: Ok lang. Naiintinidihan ko naman, kahit na minsan, nakakabwisit ka kasama.
Mac: Yung tungkol sa rally bukas...
Allen: Matutuloy bukas yung rally, wag ka mag-alala. Saka...
Lumapit si Allen kay Mac.
Allen: Makipag-ayos ka na kay Georgia ha.
Nakatingin sa sahig si Mac at hindi tuminag. Tinapik naman ni Allen si Mac sa balikat ng dalawang beses bago umalis.
Mac: Bye.
Habang naglalakad si Allen ay nakatingin si Mac sa likod nya.
Nagbubulungang naguusap sila Juls at Irene.
Juls: Allen pala pangalan niya?
Irene: Hindi mo alam pangalan niya?
Juls: Malay ko.
Irene: Eh yung isa, ano pangalan?
Juls: Mac
Irene: Ahhhh. Oo nga. Si Mac nga pala sya.
Mac: Halika na, pasok na tayo!
Tumingin sa kanya sila Juls at Irene.
Irene: Tara.
Naunang naglakad si Mac, na sinundan naman ni Irene, at huli si Juls.
--------------------------------------------------
SCENE 12
Same building. Second floor. Isang pinto na may metal engraving na 2-D. Sa harap ng labas nito ay nakatayo ang ating tatlong kabataan.
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 1 - 4
Start from the beginning
