Hindi agad sumagot ang tatay, nakatingin sya sa kanyang anak.

Dad: May problema ba pag sinabi kong isang taon?

Bumuka ang bibig ni Juls.

Dad: Julius?

Juls: A-ayos po iyon dad! Suportado ko po kayo sa plano niyo! 100%!

Dad: Nung una nga, nagdadalawang isip ako dahil sabi ko, paano na yung anak ko. Pero naisip ko, magcocollege ka na nga pala diba. Sa isang elite school pa! Di mo alam kung gaano kamngha yung mga kaibigan ko nung kinwento kita sa kanila!

Juls: Opo dad.

Dad: Tapos kung sakali, magdodorm ka doon diba? Bale kung pera lang naman, marami akong naitabi. Siguro para sa dalawang taon. Papadalan nalang kita kada buwan kung sakali.Nakangiti si Juls. Pinagpapawisan ang kanyang noo, kahit na malamig ang kanilang bahay. Pumapadyak ang kanyang mga paa at umaarkong pataas at pababa ang kanyang likod.

Juls: Opo dad.

Dad: Bakit anak? May problema ba?

Huminto sa paggalaw si Juls. At humarap sa kanyang tatay.

Juls: Ha? Opo dad! Magandang idea yan. Makakapagrelax tayo sa labas ng bahay na ito. Kakayanin ko po ang sarili ko sa dorm. Kayanin niyo rin po ang sarili niyo sa labas ng bahay. Nakapasa po ako sa course ko business ad. Maghahanap na nga po sana ako ng bahay.

Dad: Wala ka pang nahahanap na dorm?

Juls: Joke lang po dad. May nahanap na akong dorm. May kausap po ako dad.

Dad: Ok ka lang ba anak? Baka may hindi ka sinasabi sa akin.

Biglang tumayo si Juls na sinundadn naman ng nakakunot na mata ng kanyang tatay. Nagbuntong hininga si Juls bago umupo ng mabagal.

Juls: Nagulat lang po ako. Sorry dad. Pero ayun nga po. Wala na po kayong dapat intindihin. Ituloy nyo lang po iyang out of town nyo. Tapos ako na po bahala dun sa school ko.

Dad: Hindi ko naman gusto pabayaan ka anak. Kaya nga kinakausap kita kung--

Juls: Hindi niyo po ako pinapabayaan. Natutuwa lang ako dahil ngayon, may plano na ulit kayo sa buhay nyo.

Dad: *tumingin sa sahig* Sorry.

Juls: Wag po kayo magsorry. Naiintindihan ko naman. Tiyak na kung si inay man o si kuya yung nasa kalagayan ko ngayon, matutuwa sila na bumabangon na kayo ngayon.Tuminigin si Dad kay Juls. Ngumiti sya at hinawakan sa balikat si Juls.

Dad: Salamat anak.

Juls: Salamat din po Dad.

Tumayo si Dad, kung saan ay sinundan siya ng tayo ni Juls.

Dad: Kailan ka ba babalik sa syudad?

Juls: Babalik?

Dad: Bale kailan ka makikipagkita sa barkada mo para ayusin yung dorm nyo.

Juls: Uhm. Eh. B-bukas?

Dad: Bukas na agad?

Juls: Uhm. Hin-- Opo. Bukas na po. *pumapadyak ang mga paa*

Dad: Ahhh. Sige. Ihahatid kita bukas. Mag ayos ka na ng mga gamit mo ha.

Juls: Opo Dad. Ako na po bahala.

Dad: Sige.

Pagkaraan noo'y naglakad palayo ang kanyang tatay patungo sa kusina.

Nung mag-isa na lamang si Juls...

Juls: Patay...



--------------------------------------------------

SCENE 06

Nasa labas ng school. Maraming estudyante ang naglalakad pakaliwa at pakanan. Karamihan sa mga dumadaan ay barkada. Sa gitna ng dagat ng mga tao na ito, may isang lalaki na nakatayo sa gitna. Siya ay naka blue tshirt, denim pants at puting cap.

Paminsan minsan ay lumilingon ang kanyang ulo pakaliwa at pakanan. Paminsan minsan ay tumitingin siya sa mga nagdadaan.

Lalaki: Ano na kaya mangyayari sa akin...

Mula sa malayo, tila ba may sumigaw na kung sino mang babae.

Babae: Juls!

Tumatakbong lumapit ang babae kay Juls. Ang babae ay nakasuot ng blue short na abot hanggang tuhod, at tshirt na may tatak ng isang pulitiko.

Juls: Irene.

Irene: Anong nangyari kahapon? Bakit sabi mo kailangan mong mag-aral sa Gran State kahit na anong mangyari?

Juls: Napasubo kasi ako sa tatay ko. For the first time kasi, nakita ko syang nabuhayan ng loob. Hindi ko kayang sirain yung mood na iyon.

Irene: Eh ano gagawin mo ngayon?

Juls: Hindi ko alam...

Irene: *buntong hininga* Seryoso ka ba?

Juls: Hindi ko alam...

Nakatingin sa sahig si Juls

Irene: May titirhan ka na ba?

Juls: Hindi ko alam...

Irene: Tatamaan kita eh!

Juls: Sorry na agad in advance.

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now